Toni Gonzaga refuses to comment on Anne Curtis-Sam Milby breakup

IMAGE 0


"Bago pa man natin narinig ang issue na ‘yan, marami na rintayong naririnig na nag-on, nag-break...nag-on, nag-break. Sa ngayon kasi, Idon't wanna comment regarding other people's personal lives. Hayaan na langnatin na sila ang magsalita para sa mga personal nilang buhay," ToniGonzaga safely replied when asked about the reported breakup of Anne Curtis and SamMilby.


Ikinukumpra ang hosting styles nina Toni Gonzaga (for PDASeason 2) at Nikki Gil (for PDA LittleDreamers). Dahil dito, may mga usap-usapang may hidwaan na nga raw nanamamagitan sa dalawa. Nandiyan na kesyo hindi na raw nagpapansinan sinaNikki at Toni off-cam, at ang nakikitang pag-uusap nilang dalawa sa kamera aybahagi na lang daw ng kanilang trabaho, mga usap-usapan na lalong nagpatibay sahinala ng iba na maaring may katotohanan ang mga kuwentong lumalabas tungkol sadalawang TV hosts.

Sa nakaraang pressscon ng My Only U ng Star Cinema napinagbibidahan nina Toni at Vhong Navarro under the direction of Direk CathyGarcia-Molina ay agad naming tinanong kay Toni kung totoo nga bang may gap silani Nikki?

"Definitely walang ganyang nangyayari. So far, sa ABS,sa pananatili ko dito, wala naman akong nakabangga. Wala ring competitionsa amin ni Nikki when it comes to hosting. Parang sina Mariel [Rodriguez] atBianca [Gonzales] lang. First show ni Nikki in ABS, sa MRS, dun kosiya unang nakasama, ‘tapos nga sa PDA. Walang issue sa aming dalawa."

ALEX, TONI COPYCAT? Sa ngayon ay marami na rin angnakakapansin sa husay ng kapatid ni Toni na si Alex Gonzaga when it comes tohosting. May regular show ito sa TV5, ang Juicy, isang dailyshowbiz-oriented talk show. Kapansin-pansin na bukod sa husay naipinamamalas ni Alex sa pagho-host gaya ni Toni ay marami rin silang mannerismsna parehong-pareho. Tuloy, may intriga na ginagaya raw si Toni ng kanyangnakababatang kapatid.

"Masayang-masaya ako for my sister and I'm very proud ofher. Di maiiwasan yung nagkakapreho kami ng kilos, ng pananalita, kasimagkapatid kami. Ganun talaga yun because sabay kaming lumaki, sa iisang bahaykami nakatira. Siguro yung mga nuances namin na mayroon kami sa isa't isa ayhalos pareho dahil iisang dugo lang naman ang dumadaloy sa veins namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero dahil pareho silang nagho-host na, may sibling rivalryna ba?

"Wala ring sibling rivalry saamin, yun ang ina-assure ko sa inyo. Kung anuman ang mayroon siya omayroon ako, gusto ko share kami."

SWITCHING TIME SLOTS. Last Sunday ay napanood na sa TheBuzz si Kris Aquino bilang pamalit sa nasuspindingsi Cristy Fermin. Nabalita noon na isa rawsa kundisyon ni Kris bago tinanggap ang The Buzz ay ilipat ng Sabado angThe Buzz at gawing Linggo naman ang Entertainment Live dahilfamily day daw para sa kanila ang Sundays. Agad naming hiningan ng reaksyonsi Toni kung matutuloy ang kundisyon na ito ni Kris a few weeks from now.

"Naririnig ko ‘yan pero wala pang sinasabi ang managementat mismong ang show regarding that kaya wala pa akong maibibigay nareaction but kung magkatotoo nga ‘yan, sina Tito Boy [Abunda], Ms. Kris, silanglahat, institution na ang mga ‘yan pagdating sa showbiz talk shows. Siguroibibigay namin sa kanila dahil matagal na sila sa business na ito. Anumanang maging decision ng management, we'll respect that, empleyado lang namankami ng ABS."

FEELINGS FOR SAM. Sa nakaraang mga interviews ni Sam Milby ay pinanindigan ng aktor na kahit sinabi rawbefore ni Toni na hanggang "M.U." o mutual understanding lang talaga angrelasyon nila, para kay Sam ay nauwi na sa relationship ang naging samahan nila noon ni Toni. Di naman itinanggi ni Toni na nagkaroon talaga siya beforeng special feelings for Sam.

"Nakausap ko nga si Sam, nagkausap kami one time. I guessduring that time di kasi kami nagkausap about it. Kung anuman ang feelingsnamin for each other before, di napag-usapan kasi nga bising-busy kami pareho,pressured dahil bagong love team kami noon, so di namin napag-usapan yun."

"Definitely, mayroon naman kaming naramdaman sa isa'tisa, kaya nga lang di natuloy yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nang hingan namin ng reaksyon sa nababalitang breakup ninaSam at Anne ay umiwas na magbigay ng reaksyon si Toni.

"Bago pa man natin narinig ang issue na ‘yan, marami na rintayong naririnig na nag-on, nag-break...nag-on, nag-break. Sa ngayon kasi, Idon't wanna comment regarding other people's personal lives. Hayaan na langnatin na sila ang magsalita para sa mga personal nilang buhay."

NO PROBLEM WITH PAUL. Open book na masaya siToni sa itinatakbo ng mahigit isang taon na rin nilang relasyon ni Direk PaulSoriano. Ngayong 24 years old na si Toni, tinanong ng PEP kung ito na ba angage para magpakasal na sila ng kanyang boyfriend na director.

"Sa tingin ko, nagsisimula pa lang ako sa karera ko ngayon,mahirap tumigil, mahirap mag-settle down, lalo't di ko pa nakukuha ‘yung mgagusto kong maabot sa buhay.

"Basta kami ni Direk Paul, okey na okey kami. It'sgetting strong, matibay dahil di ko siya masyadong dina-drag sa showbusiness. Nababanggit siya pero as much as possible, we try to make itnormal and private."

Toni also assured PEP na hindi naging problema sa kanila ngboyfriend ang pagkaka-partner uli ni Toni kay Vhong for My Only U. Very open kasi sina Toni at Vhong sapagsasabi na nagkaroon talaga sila ng feelings for each other noon.

"Walang selos, kasi malaki ang tiwala niya sa akin, malakiang tiwala niya kay Vhong at kung anuman ang mayroon kami. Hiwalay ang trabahosa personal."

Magkakaroon ang My Only U ng premiere night onOctober 28 sa SM Megamall Cinema 10 at regular showing on October 29 sa mgapaborito nating sinehan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN