Bubbles Paraiso finally speaks up about "sikuhan" issue with Jewel Mische

IMAGE 0


"There's no reason to gang up on her, kaya gulat ako saisyu. I've never worked with her pa. Magkakilala kami but she's not my friendand not my enemy either. We're acquaintance," says Bubbles Paraiso about Jewel Mische (inset).



Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) angmodel turned actress na si Bubbles Paraiso kaninang tanghali, October 30, sa isang restaurant sa may Tomas Morato, Quezon City.Pumayag siyang magsalita tungkol sa "sikuhan" issue sa kanila ni Jewel Mischesa inauguration ng GMA Network Studios noong October 17.

Matatandaang lumabas sa ilang tabloids at maging dito sa PEPang report na siniko diumano ni Bubbles si Jewel sa event ng kanilang homenetwork, ang GMA-7. (CLICK here for related story.)

Sabi ni Bubbles, kinailangan na niyang magsalita dahilmarami na ang nadadamay at patuloy na lumalaki ang isyu. Kung noon aydine-dedma lang daw niya ang isyu thinking na hindi na ito lalaki, this time,kinailangan na niyang humarap sa press dahil apektado na siya.

"Last Wednesday [October 29], sa taping ng Codename:Asero, humagulhol na talaga ako and for 20 minutes akong umiyak. Hindi kona makayanan, napu-frustrate ako sa mga nangyayari dahil pati mga kaibigan konadadamay na," saad ng maluha-luhang si Bubbles.

Totoo bang siniko niya si Jewel, itinago nila ang bag nito,at tinapakan niya ang suot nitong gown?

"Wala akong siniko," tanggi ni Bubbles. "Ang alam ko,nagte-table hopping kami. Paikot-ikot kami and we didn't stay long in oneplace. Kung may tinamaan ako, I'm sorry. It was not intentional. I didn'tintend to elbow anyone at kung meron nga, I'm sorry. Kung may tinamaan ako, walaakong magagawa kundi mag-sorry. Kung may nasiko ako at may nag-ouch, I'll saysorry. Kung intentionally ko siyang nasiko, lilipad siya dahil malaki ako. Perohindi, wala talaga at hindi ko alam kung saang parte ko raw siya nasiko.

"Hindi ko alam ang bag issue, hindi ko alam ang bag na yundahil busy ako with my bag. Wala rin akong tinatapakang gown. Ang gown ko panga ang natapakan at sa sobrang dumi, four days kong ipina-dry clean bago koisauli kay Randy Ortiz. Ako ang tinapakan, hindi siya [Jewel]," lahad ng nakababatang kapatid ni Paolo Paraiso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dala ni Bubbles kanina ang black gladiator Zara shoes nasuot niya sa inauguration ng bagong building ng Kapuso network. Four-inches angheels ng naturang sapatos at kung hindi man mabutas, tiyak na masisira ang gown namaaapakan nito.

Pinagtulungan daw ni Bubbles at mga kaibigan niya si Jewel?

"There's no reason to gang up on her, kaya gulat ako saisyu. I've never worked with her pa. Magkakilala kami but she's not my friendand not my enemy either. We're acquaintance," sabi ni Bubbles.

Maglalabas daw ng statement ang GMA-7 at ipagtatanggol siJewel. Any comment?

"I will defend myself," sagot ni Bubbles. "Wala talaga akongalam na may isyung ganito. Ang daming allegations and accusations na pati akonagugulat kung saan galing. It started as a single allegation and all of asudden, kasama na sina Chynna Ortaleza, Bianca King, Ehra and MichelleMadrigal, at Rhian Ramos. And all these stories crop up. Saan galing ito? Bakitang daming nadadamay? All of a sudden, mean girl na ako."

Nagugulat din si Bubbles na may mga taong nagki-claim nawitness sila sa mga ginawa niya kay Jewel. Paano raw magkakaroon ng witnesskung wala namang nangyari.

"Nagtataka si Chynna kung bakit siya nasama sa isyu, walanaman akong inabot sa kanya. Sino ang source nito at iba-iba ang pinagsasabi,"patuloy ni Bubbles.

Nagbigay na rin ng pahayag si Chynna sa PEP. Itinanggi rinniya na may kinalaman siya sa isyu. (CLICK here to read related article.)

THE FIAMMA INCIDENT. Isyu rin ang presence ni Bubbles sa Fiamma Bar sa MakatiCity na pinangyarihan naman diumano ng kumprontasyon nina Richard Gutierrez atAljur Abrenica. Ayon sa isang source ng PEP ay si Bubbles daw ang yumakap kayRichard para raw awatin sa pang-aaway kay Aljur.

Ayon kay Bubbles, totoo na niyakap niya si Richard, pero hindi raw paraawatin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I was in Fiamma, but I left early dahil pagod ako dahilwala akong kinain. Niyakap ko si Chard, parang hello yun as a brother at hindidahil inawat ko siya. Walang pagnanasa ang yakap na yun. Niyakap ko rin sina Raymond [Gutierrez, Richard's twinbrother], at Michelle.

"Nakita ko rin dun si Aljur at kinausap ko pa siya andhow is he enjoying Fiamma. Umalis ako agad kaya hindi ko alam ang away-away na‘yan. Ang alam ko, si Marco [Alcaraz] pa ang naghatid kay Aljur, kaya nagulatako na may isyung away na," kuwento ni Bubbles.

BUBBLES WANTS TO CLEAR HER NAME. Paano niya gustong magtapos ang isyung ito?

"Gusto ko ma-clearang isyu dahil wala naman akong ginawa. Gusto ko ma-clear ang name ko. I don'texpect na after this magiging friends kami ni Jewel, but I'm willing to talk toher. Ang liit ng showbiz and we're all in Channel 7. Sooner or later, magku-crossang path namin at baka magkasama pa kami sa trabaho. Ang pangit kung nasadressing room kami at hindi nagpapansinan," pahayag ni Bubbles.

Payag ba siyang matawag na "Siko Queen"?

"Ang pangit naman noon, ibahin natin," pakiusap nito sapress.

Wala pang next project si Bubbles sa GMA-7 pagkatapos ng Codename:Asero, na malapit nang magwakas. Kungmay choice siya, gusto niya raw mag-try ng comedy.

Paano kung pagsamahin sila ni Jewel sa isang show at gawinsiyang kontrabida nito?

"Okey lang! Basta trabaho, hindi ako tatanggi," sagot niya.

Bago matapos ang interview ng PEP kay Bubbles, may humabolna isyu na may kumakalat na text message at tinukoy si Pauleen Luna as theyoung actress from GMA-7 na source ng "imbentong balita" kina Jewel at Bubbles.Any comment?

"May bago na namang nadadamay sa isyu, ang daming nadadawitna hindi dapat. Kaya kailangang matapos na ito at kung talagang may nasiko ako,hindi ko yun sinasadya," pagtatapos ni Bubbles.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN