Bea Alonzo insists she never got romantically involved with Jake Cuenca

IMAGE 0


Bea Alonzo finally got on the topic of her rumored breakup with Jake Cuenca. In a taped interview with The Buzz yesterday, October 2, she reiterated that there's absolutely nothing to deny or confirm. "What's my reason kung bakit ko idi-deny, di ba?" was Bea's definite answer.


Inamin ni Bea Alonzo na madalang na sila mag-usap o magkita ng fellow ABS-CBN talent na si Jake Cuenca. Sa isang taped interview na ipinalabas kahapon, November 2, sa The Buzz, ay sinabi ng dalaga na bukod sa kanyang tight schedule ay kusa na rin siyang umiiwas sa anumang intrigang maaaring ikabit sa kanila ni Jake.

"Aside from wala akong oras gawin ‘yon, hindi pinagbibigyan ng pagkakataon, hindi hinahayaan ng sitwasyon," pahayag ni Bea. "Siyempre ididistansya mo na rin ‘yong sarili mo sa mga posibleng maging issue."

Matatandaan na buwan ng Hunyo noong aminin ni Jake ang pagkagusto kay Bea, at buwan naman ng Agosto noong mas madalas silang makita ng publiko na magkasama.

Subalit ngayon, nilinaw na ni Bea na hindi naging sila ni Jake. Kamakailan ay lumabas ang mga balita na break na sila, bunga na rin ng isang insidente raw sa Guam na kinasasangkutan ng ex-girlfriend ni Jake na si Roxanne Guinoo. Ayon sa ilang write-ups ay nagkaroon daw ng mainitang kumprontasyon sa pagitan nina Jake at Roxanne, at hindi maiiwasang madawit si Bea dahil na rin sa very vocal si Jake sa pagsasabing gusto niya ang I Love Betty La Fea lead star.

Wala naman daw dahilan para tumanggi si Bea dahil hindi naman naging sila ng binatang aktor. "Umamin naman ako nung kami ni Mico," paliwanag ni Bea, "what's my reason kung bakit ko idi-deny, di ba?"

Tungkol naman sa napabalitang insidente daw sa Guam, inulit lang ng aktres ang mga naunang pahayag nito: "Wala akong puwedeng sabihin dun. Sana ‘wag na lang i-drag ang pangalan ko, kasi wala naman akong nakita... We went to the bar, and went up to the my room kasama sina Kim [Chiu], sina Shaina, [Magdayao]. Iyon lang iyong nakita ko, iyong masayang environment."

Sa isang artikulo na lumabas dito sa PEP (Philippine Entertainment Portal) noong November 1, sinabi ni Bea na mas naka-focus siya ngayon sa kanyang career at pamilya. Ibig sabihin ay mas priority niya ang pagiging single, matapos nga ang breakup nila ng young actor-model na si Mico Palanca.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN