Becky Aguila says she has documents to prove former aide stole money from Jennylyn

IMAGE 0


"Some quarters of media have been very unfair, if notdownright cruel. They have not bothered to verify the truth in all theaccusations thrown at me and my artists, which have nothing to do with the casefiled by Jennylyn. They have trivialized the truth and exploited anything thatwill sell," states Becky Aguila in an official statement sent to PEP.



Nagsampa na ng kasong qualified theft atfalsification of documents si Jennylyn Mercado sa kanyang dating handler/roadmanager na si Rowena "Mel" Pulmano, ngunit naninindigan pa rin si Mel na ang manager ni Jennylyn na si BeckyAguila ang siyang may kasalanan. (CLICK here to read related story.)

Si Mel ay lumabas sa Startalk at nagbigay ng statement sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na naniniyak na si Becky ang puno't dulo ng problema.

May buwelta ngayon si Becky.

Kumpleto raw ang dokumentong ipipresenta niya sa husgado para linisin ang kanyang pangalan at dignidad. Ipinakitang talent manager sa reporter na ito ang mga tsekeng diumano ay pineke ni Mel ang pirma, pati naang diumanoý dokumento ng current or checking account ni Jennylyn sa UCPB (United Coconut Planters Bank).

Ipinakita ng talent manager ang sinasabi niyang petsa kung kailannag-open si Jennylyn ng UCPB account. Ang young actress ang nagsabing si Mel ang kasama niya nung time na yun.

Ayon sa paglalahadni Becky, nang mabuntis si Jennylyn ayipinamahala na niya sa young actress ang paghawak ng sarili nitong pera. Kaya yungsinasabi raw ni Mel na sa bangko ay may "or" si Jen at si Becky—na nangangahulugang kahit sino sa dalawa ay maaaring magpasok at maglabas ng pera rito—ay natapos na raw nitong January 2008. Kaya raw nakapag-open na rin ang young actress ng sarili nitong account noongJanuary 15, 2008.

Si Mel din daw ang naka-authorize kumuha ng check book niJennylyn. Ito na rin diumano ang pinagwi-withdraw ni Jennylyn sa bangko kapag kailanganng aktres ng pera.

Liban sa pakikipag-usap sa reporter na ito, nagpadala rin ng official statement si Becky sa PEP kaugnay ng mga pahayag ni Mel. Narito ang kabuuan ng kanyang statement:

"I am hurting and I can't even shield my twins and my verysick mother from all these defamatory statements made by someone who has beenadvised by her own doctor to see a psychiatrist.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Some quarters of media have been very unfair, if notdownright cruel. They have not bothered to verify the truth in all theaccusations thrown at me and my artists, which have nothing to do with the casefiled by Jennylyn. They have trivialized the truth and exploited anything thatwill sell.

"Nonetheless, something good has come out of this controversy. It hasstrengthened my personal and professional relationship with Jennylyn. When wediscovered that the management contract purportedly signed by Jennylyn andgiven to me by Mel is a forgery, Jennylyn signed another [management] contractfor three years, because she continues to trust me.

"Meanwhile, Jennylyn and I have agreed to postpone therelease of her much talked about coffeetable book. Our plans have changed.Thank you to the people and media who have handled this controversy only withobjectivity and neutrality."

Nakatakdang magsampa ng hiwalay na kaso si Becky Aguila laban kay Mel Pulmano sa mga susunod na araw.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN