Grandmother of actress Pauleen Luna shot dead

IMAGE 0


Tragedy struck the family of young actress Pauleen Luna (right) when her grandmother, Mercedita Jimenez (left), was gunned down earlier today, November 5, in what appeared to be a case of robbery. This photo of Pauleen with her lola was taken last year during a Holy Week vacation in HongKong.


Pumanaw ang 62 anyos na lola ng aktres na si Pauleen Luna matapos itong barilin kaninang umaga sa palengke ng Blumentritt, Manila, ng isang nagngangalang Edison Antonio.

Ayon sa ulat ng GMA News, apat na bala ang tumama sa biktimang si Mercedita Jimenez, o mas kilala sa tawag na Ka Baby. Naniniwala ang mga awtoridad na isang hold-up ang nangyari. Kilala ang lola ni Pauleen sa negosyo nitong pagpapautang sa mga tindero't tindera sa paligid ng palengke.

Bugbog-sarado diumano ang suspek matapos itong salakayin ng mga tao pagkatapos ang pamamaril. Naubusan daw ng bala si Edison kaya nagawang kuyugin ito ng mga tindero at ilang bystanders. Nakuha sa suspek ang .45 caliber na baril, isang yellow notebook, at salaping nagkakahalaga ng pitong daang piso.

Sa isang panayam ng news program na 24 Oras kay Supt. Romulo Sapitula ng Manila Police District 3, sinabi nitong nag-iikot sa palengke ang biktima nang maganap ang naturang insidente. "Maraming customer ito na mga vendors doon sa Blumentritt, at itong suspek naman, siguro may dala-dalang pera 'yong victim, hinoldap," pahayag ni Sapitula.

Nagawa pang maisugod sa Chinese General Hospital ang lola ni Pauleen subalit agad din itong binawian ng buhay habang inaasikaso ng mga doktor.

Sa isang separate interview ay nagpahayag si Pauleen ng matinding kalungkutan sa sinapit ng kanyang lola.

"Napakalungkot, e, kasi ang sama nung pagkamatay. E, sabi nga namin, kung puwede lang mailuwal sana binigay niya na lang ‘yong bag, kaso nga lang wala nang magagawa," bulalas ni Pauleen.

Hindi naman isinasara ng mga awtoridad ang angulo na posibleng may nakagalit ang biktima, dahilan para barilin ito ng suspek.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN