Karylle to sing national anthem at Paquiao-Dela Hoya boxing match in Las Vegas

IMAGE 0


Karylle is all set to sing the country's national anthem at the Pacquiao-Dela Hoya boxing match in MGM Grand Hotel Garden in Las Vegas, with or without ex-boyfriend Dingdong Dantes in the audience.


Ang ginawang pagkumpirma ng dating magkasintahan na sinaKarylle at Dingdong sa mga balitang hiwalay na sila ay nagbigay-daan sa masmarami pang ispekulasyon.

Una na rito ay ang usap-usapan na nakatakda na raw mamaalamsi Karylle sa kanyang mother studio, ang GMA-7, para lumipat sa ABS-CBN,kung saan makakasama na niya ang kanyang ina, si Zsa Zsa Padilla.

Pangalawa, lumabas din ang balitang kinunsidera raw si Karylle ngABS-CBN para gampanan ang papel bilang nobya ni Ryan Agoncillo sa Pieta. Pero ang nasabing role ay napuntana kay Krista Ranillo.

Para malinawan ang lahat, naisipan ng PEP(Philippine Entertainment Portal) na hingan ng pahayag ang STAGES, ang gruponina Audie Gemora at Carlo Orosa na siya nang nagma-manage ng career ni Karylle ngayon.

Ayon sa ipinadalang text message ni Oliver Oliveros, publicistng STAGES, hindi pa rin sila makapagbibigay ng eksaktong kasagutan sa bagay naito.

Aniya, "We don't have official word yet if Karylle is moving to ABS-CBN or not."

Bukod dito, diretsong tinanong na rin ng PEP si Oliver kungtotoo nga bang tinanggihan na ni Karylle ang pagkanta ng "Lupang Hinirang" sa darating na boxingmatch nina Manny Pacquiao at Oscar dela Hoya sa Las Vegas, December6.

Ayon sa bulung-bulungan, inayawan daw ni Karylle ang offer,kahit sabihin pang malaking oportunidad ito para sa kanya bilang isang mang-aawit,dahil ayaw daw niyang magpang-abot sila ni Dingdong sa MGM Grand Hotel Garden, kung saanmagaganap ang laban.

May plano raw kasing tumungo sa Las Vegas si Dingdong pagkatapos ng December 5 show nila ni Marian Rivera sa ShrineAuditorium, Los Angeles.

Mga ilang oras din bago kami nabalikan ni Oliver. Kinailangan raw kasi nitong tanungin ang ilang tao tungkol sa pag-awit o hindi ni Karylle sa naturang boxing match.

Hetoang laman ng kanyang text message: "Karylle will go to LasVegas to sing the National Anthem for Manny Pacquiao'sbig fight. It's a commitment she gave to Manny." At sa huling bahagi ng textmessage ay nakalagay ang pangalan ni Carlo Orosa, na tumatayong business head ng STAGES TalentGroup.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN