Roxanne Guinoo says Carlo Aquino is not courting her

IMAGE 0


"Sigurokung sinuman ang manligaw sa akin, this time ayoko munang i-publicize or kunganuman. But sa ngayon, wala talaga. Marami akong kaibigan at kasamang partypeople ngayon, pero yun lang," says Roxanne Guinoo.



After two failed relationships—with Joross Gamboa and with Jake Cuenca—at sa sunud-sunod nakontrobersiyang pinagdaanan niya dahil sa mga relasyong ito,sinabi ni Roxanne Guinoo hindi na muna siya papasok sa panibagong relasyon. Ipu-focusmuna raw niya ang oras at atensiyon sa kanyang showbiz career.

Tila umakma naman kay Roxanne ang kasabihang kapag suwerteka sa iyong career ay malas ka naman sa iyong lovelife and vice-versa.

NEW SUITOR. Pero may balitang lumabas na may bagong manililigaw ngayonsi Roxanne sa katauhan ni Carlo Aquino. Ayon pa sa report, madalas daw bumisitanoon si Carlo sa set ng dating soap opera ni Roxanne sa ABS-CBN, Ligaw na Bulaklak.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kayRoxanne, tinanong namin siya kung may pag-asa ba sa kanya si Carlo. Ito ay sa kabila ng paulit-ulit niyang pahayag dati na isasarado na muna niya ang kanyang puso sa bagong pag-ibig.

"Siyempre, huwag muna," sagot ni Roxanne. "Hindi namannaging ganun kadali yung mga nangyari, di ba? Sa trabaho, sa mga personalissues ko, sa family issues, lahat ng mga issues ko sa buhay, ayokong madaliinang lahat ng mga bagay-bagay."

Sa hiwalay naman na interview ng PEP kay Maja Salvador, sa pictorial ng MoonRiver, inamin ng aktres na nakapag-usap na sila ni Roxanne tungkol sapanliligaw raw ni Carlo kay Roxanne. Sinabi ni Maja na walang problema sa kanyadahil hindi naman sila naging mag-boyfriend ng aktor.

Nang tanungin namin tungkol dito si Roxanne, nilinaw niya nahindi naman talaga nanlililigaw sa kanya si Carlo.

Ani Roxanne, "Wala pa naman nangggaling kay Carlo namanliligaw siya, so hindi ko pinangungunahan yung plano nung tao o ano paman. Basta kami, nag-e-enjoy lang kami. Ngayon nga, medyo bihira nakaming magkita. Once in a while, nagkaka-textan kami. Pero yun lang yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pumupunta siya before sa bahay, gaya din ng ibang group offriends ko. Nandun sila sa bahay, yun ang favorite nilang tambayan," kuwento niRoxanne.

Gaya ng sinabi ni Carlo sa interview sa kanya, may common friend sila niRoxanne na naging susi para makilala nila ang isa't isa.

"Si Carlo, na-meet ko dahil sa assistant director namin saLigaw na Bulaklak," lahad ng dalaga. "Lumalabas kami in group, pero hindiko rin naman kinu-consider na date yun kasi nag-e-enjoy lang kami sa company ngisa't isa. Ako kasi, hindi pa ako ready sa date-date na ‘yan."

Dagdag niya, "Sigurokung sinuman ang manligaw sa akin, this time ayoko munang i-publicize or kunganuman. But sa ngayon, wala talaga. Marami akong kaibigan at kasamang partypeople ngayon, pero yun lang."

CONFRONTATION IN GUAM. Kumusta naman siya pagkatapos lumabas ang kumprontasyondiumano nila ni Jake sa Guam? Sa mga naglabasan kasing reports ay si Roxanneang lumalabas na gumawa ng eksena nang mag-show sa Guam ang grupo ng ASAP '08noong October 11. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsasalita sina Roxanneat Jake kung ano talaga ang nangyari.

"Okey naman ako," sambit ng aktres. "Lahat ng mganangyayari at pinagdaanan ko, ayoko munang isipin. Sanay na ako. Akonaman kasi, naniniwala ako, at the end of the day, makiki-clear out din anglahat ng mga issues. Babalik naman sa iyo ang good karma at lalabas din angtotoo.

"Hindi ako nagsasalita kasi nirerespeto ko yung tao,nirerespeto ko si Jake. Yun lang. Siya rin naman, ayaw niya ring magsalita kasinga, gaya ng sinasabi ko, issue namin itong dalawa."

Consistent din si Roxanne sa pagsasabing out sa picture si Bea Alonzo, na noonpa ay sinasabing ipinalit sa kanya ni Jake.

"Ako, wala akong issue with Bea. Yun lang ang gustokong i-clear," diin niya. "Gaya ng sinasabi ko, anumang issue before with Beaand Jake, sinabi ko kay Bea na out na ako sa picture. Iba yung sa amin ni Jake,iba yung sa kanila. Kung anuman ang issue ngayon, issue namin yun ni Jake. Kungmayroon mang dapat mag-settle nun, kaming dalawa lang. Hindi pa siguropanahon ngayon, pero darating din yung time."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN