Claudine Barretto talks about her life as a wife and mother

IMAGE 0


"Hindi naman talaga ako kuripot. Siguro alam ko lang kungpaano gastusin ang pera ko. Yes, ang salary ni Raymart ang pera namin. Ang perako, pera ko lang!" says Claudine Barretto.



Nagkuwento si Claudine Barretto tungkol sa kanyang mgaanak na sina Sabina, 4, at Santino, one and four months old, nang makausap siya ng PEP (PhilippineEntertainment Portal) sa launching niya bilang latest endorser ng day and nightwhitening facial cream ng Belo Essentials. Ginanap ang launch sa SteaktownRestaurant on Sgt. Esguerra St., Quezon City, last Friday, November 7.

"Sobrang joy ang ibinibigay sa amin nina Sabina atSantino," umpisa ni Claudine. "Si Santino, ang gulo-gulo, takbo nang takbo, angtakaw-takaw! Paborito niya ang adobong atay ng manok. Hindi siya mapili sapagkain, kahit gulay kinakain niya. I'm glad hindi siya mahilig sa junk food.Regular din siyang umiinom ng gatas.

"Si Sabina, hindi ‘yan natatanggihan ni Raymart. Sasabihin niya sa papa niya, ‘Papa, I have asurprise for you, I will sleep here.' Sa gitna namin ni Raymart siya natutulogkung minsan. Pero hindi na ngayon, dahil sabi niya sa papa niya, ‘Papa, I havea surprise for you, I will sleep here forever.' Hindi namin alam ni Raymartkung hanggang kailan siya matutulog sa gitna naming mag-asawa!" natatawangkuwento ng aktres.

Tawa nang tawa si Claudine nang sabihin namin na kaya palanoong presscon ng Gagambino, sinabi ni Raymart na hanggang ngayon daw aynanggigigil pa rin siya sa kanyang asawa dahil may "guwardiya" silasa pagtulog.

Wala pa ba silang balak ni Raymart na sundan si Santino?

"Huwag muna," sabi ni Claudine. "Sagot ko nga sa tanongna ‘yan kanina sa presscon, after three or four years pa saka namin susundan siSantino. Ang mahal kapag sabay silang nagkakasakit. Kaya may separate budgetako for their medical needs, may kinuha na rin kaming medical insurance para sakanila."

Totoo bang kuripot si Claudine? Ibinibigay ba lahat ni Raymartang suweldo nito sa kanya?

"Hindi naman talaga ako kuripot. Siguro alam ko lang kungpaano gastusin ang pera ko. Yes, ang salary ni Raymart ang pera namin. Ang perako, pera ko lang!" natatawang sabi ni Claudine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Patuloy niya, "Napansin ko nga ngayong may anak na ako,saka ako naging magastos. Bumibili na ako ng mga kailangan ko, dati ibinibigaylang sa akin. Bumibili na ako ng mga alahas. Sa akin naman, para rin ‘yon kaySabina. Saka gusto ko, kahit medyo matanda na ako, may mga alahas pa rin ako.Pero ‘yong iba kong kailangan, like bags, bigay lang ‘yon sa akin. Ayokonggastusin ang pera ko sa bags lang."

Hindi rin daw kasi biro ang pagpapatakbo ng household. Peromahirap man, naa-appreciate daw ito ni Claudine. Bukod daw kasi sa dalawangyaya ng mga anak nila, may tatlo silang drivers, security guards, houseboy, cook,at laundrywoman.

How is Raymart as a husband?

"Napakabait ni Raymart," sabi ni Claudine. "Hindi niya ako pinapatulankapag nagagalit ako. Kapag nagalit kasi ako,nagwawala ako, sumisigaw ako hanggang sa mapaos ako. Si Raymart, cool lang,sasabihin lang sa akin huwag daw akong sisigaw. I'm very blessed to have him.

"Minsan, nagalit ako sa kanya nang mapansin kong angitim na itim na niya dahil sa kasu-swimming, cycling, and running. Every dayniyang ginagawa 'yon kapag wala siyang trabaho. May kasama pa itong heat trainingpara ma-test niya ang endurance niya sa triathlon. Kaya pagdating niya ngbahay, at 10 p.m., bagsak na siya, tulog na. Kaya tanong ko sa kanya, ano ba talaga ang gusto niya sa buhay niya? Mag-artistao maging sportsman?" natatawang lahad ng aktres.

Selosa at nagger ba si Claudine?

"Hindi naman ako selosa, hindi rin ako nagger," sagotniya. "Pero minsan, nainis talaga ako dahil nahilig naman siya [Raymart] sapag-aalaga ng falcon birds. Doon nauubos ang oras niya sa falconing o angpagti-training ng mga falcon birds niya. Kaya nasabi ko sa kanya na sana mamatay nang lahat ang mga alaga niyangibon.

"Anim ang falcon birds niya. Hindiko alam kung may nakatago pa siyang iba sa mga friends niya. Pero yung apat naibon, nilayasan siya. Yung dalawa, namatay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Paisa-isa lamang naman 'yan sa hindi naminnapagkakasunduan," patuloy ni Claudine. "Pero sabi ko nga, napakabait ni Raymart. Noong isilang ko siSantino, dahil may trabaho ako noon, siya muna ang hindi tumanggap ng offers. Siyaang personal na nag-aasikaso sa mga anak namin.

"Kaya ako naman, iniingatan koang pangalan niya. Kahit hindi ko dala ang Santiago dahil Barretto angginagamit ko sa showbiz, iginagalang ko ang legacy na iniwan ni Papa [director PabloSantiago, Raymart's father] sa kanyang pamilya."

Ano ang priority niya, family or career?

"Ang family ko ang first priority ko," sagot niClaudine.

Katatapos lang ipalabas ang primetime drama series niClaudine sa ABS-CBN, Iisa Pa Lamang. Next week ay nakatakda na siyangmakipag-usap sa ABS-CBN at Star Cinema para sa kanyang next project.

Habang wala pa siyang trabaho, magiging busy si Claudine parasa nalalapit na renewal of vows sa golden wedding anniversary ng kanyangparents. Gaganapin ito sa November 23 sa Fernwood Gardens, Quezon City.

"Magkatulong kaming nag-aasikaso ng sister kong siMarjorie. Paparating naman from Boston, Massachusetts ang isa pa naming kapatidna si Guia and her family," lahad ni Claudine, na kataka-takang hindi binanggit ang panganay niyang kapatid na si Gretchen Barretto.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN