Nikki Gil says relationship with Billy Crawford is "in progress"

IMAGE 0


"I won't even say just friends, kasimasyadong showbiz yun. But we're getting to know each other'spersonalities. We see each other often, we enjoy each other's company. It's tooearly to tell, but it's in progress. Siyempre, nag-e-evolve yung friendship," says Nikki Gil about her relationship with Billy Crawford (inset).



Sa kabila ngpagtanggi nina Nikki Gil at Billy Crawford na may namamagitan sa kanila, patuloy pa rin ang paglabas ng mgakuwento at balita na magpapatunay ng itinatagong relasyon diumano ng dalawang singers.

May balita pa ngang lumabasna nakita raw sina Nikki at Billy sa Tagaytay kamakailan. Sobrang sweet daw sila saisa't isa at naghalikan pa raw sila na parang walang ibang mga tao sa paligid nila. Ipinagtatakalang ng iba kung bakit patuloy pa rin sila sa pagkakaila gayong pareho naman silangsingle.

Nagkaroon ngpagkakataon ang PEP na makausap si Nikki noong Linggo, November 9, sa dressingroom ng ASAP '08. Tinanong namin siya kung totoo bang magkasama sila ni Billysa Tagyatay. Hindi naman ito itinanggi ng singer.

"Sa kawalan ngmagagawa sa Manila, nagpunta kami ng Tagaytay. E, malapit lang naman siya sabahay ko, thirty minutes drive lang. Yes, nag-dinner kami. Kaming dalawa langat wala naman sigurong masama dun dahil we go out, we date. Dun sa sinasabi nanag-kiss kami, baka lasing ang mga nakakita sa amin, baka nakainom silamasyado!" natatawang sabi ni Nikki.

Inamin din ni Nikki na mas lumalalim ang samahan nila ni Billy ngayon. Puro papuri rin ang binitawan ng MYX VJ parasa espesyal na lalake sa buhay niya ngayon.

"I won't even say just friends, kasimasyadong showbiz yun," sabi ni Nikki. "But we're getting to know each other'spersonalities. We see each other often, we enjoy each other's company. It's tooearly to tell, but it's in progress. Siyempre, nag-e-evolve yung friendship."

"Wala akong masasabikay Billy. He's very down-to-earth. I respect him as an artist and as aperson. Lahat ng natatanong ko, kahitmatagal na niyang nakatrabaho sa industriya, he's still the same Billy. Forsomeone who has been in the industry for so long, hindi siya showbiz in thenegative sense of the word."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natawa na lang siNikki sa intrigang siya raw ang rason kung bakit nandito pa rin sa Pilipinas siBilly, gayong hanggang noong September lang ang pinirmahang kontrata saABS-CBN ng international singer.

"Kung hindi sa kanyamanggaling, hindi. Tanungin ninyo siya because siya ang makakapagsabi nun. Ithink gusto niya dito mag-Christmas. I think, but I'm not sure if the family isflying over or he's flying to France or to the States. Probably one of thereasons also why he's still here is marami siyang work and commitments, maramipa siyang dapat gampanan dito," pagtatapos ni Nikki.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN