Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

Mark Anthony Fernandez becomes instant fan of leading lady Heart Evangelista

Nov 12, 2008
"Ang tingin ko kay Heart, isa siyang tunay na artista. Talagang primetime na artista na ito, pang-award. Yung acting niya, panlaban palagi. So, ako, bihira akong maging fan. Pero ngayon pa lang, fan na ako ni Heart. Iba yung drive niya sa trabaho," says Mark Anthony Fernnadez about Luna Mystika leading lady Heart Evangelista.

Hindi maikakailang isa na si Mark Anthony Fernandez sa mga importanteng leading men ng GMA-7 ngayon, kahanay nina Richard Gutierrez, Dingdong Dantes, Dennis Trillo, at JC de Vera. Pagkatapos ng romantic comedy na Ako Si Kim Samsoon nila ni Regine Velasquez, si Mark naman ngayon ang leading man ni Heart Evangelista sa bagong primetime series ng GMA-7, Luna Mystika.

How does he feel na isa siya sa mga aktor ng GMA-7 na nabibigyan ng mga importanteng role?

"Ako, I'm so happy na I feel important. Na binibigyan ako ng importansiya at talagang alam ko na maganda itong proyekto. Masaya ako na napasama ako rito dahil alam ko na maganda talaga. Tapos, yung cast namin, puro magagaling na artista at isa na naman itong exhibition ng acting at sana, hindi ako mahuli," pahayag ni Mark nang makausap siya ng PEP sa presscon ng Luna Mystika kagabi, November 11, sa Studio 5 (dating Studio 3) ng GMA Network Center.

Continue reading below ↓

A FAN OF HEART. Ang Luna Mystika ang kauna-unahang pagtatambal nina Mark at Heart sa isang palabas.

"Happy ako dahil ngayon pa lang, like here in the studio, may mga admirers na. Umaasa rin ako na magiging malakas ito dahil, siyempre, magagaling din ang mga director [Mike Tuviera at Gil Tejada] namin at original concept pa siya," saad ni Mark.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

All praises din si Mark sa bago niyang leading lady.

"Si Heart, para sa akin, fan na niya ko ngayon pa lang," sambit ng aktor. "Para sa akin, magaling siyang artista. Talagang nakikita ko yung heart niya, gusto niya talagang ibigay sa showbiz. Gusto niyang maging magaling na artista kahit magaling na siya. At bukod sa magaling, matalino pa. Nagkakilala na nga kami, ilang beses na kaming nagkausap kaya medyo well acquainted na rin kami."

Dugtong ni Mark, "Ang tingin ko kay Heart, isa siyang tunay na artista. Talagang primetime na artista na ito, pang-award. Yung acting niya, panlaban palagi. So, ako, bihira akong maging fan. Pero ngayon pa lang, fan na ako ni Heart. Iba yung drive niya sa trabaho."

Continue reading below ↓

Aminado si Mark na sosyal daw si Heart, pero "sosyal na hindi OA" at "jologs" pa rin.

"She's a down to earth, jeprox... Kumbaga, marunong makisama, nakikibagay. Minsan nga, may pawis ako rito [sa noo], siya pa ang nagpunas. Alam mo yung dahil matatagalan pa, wala sa oras. Parang wala lang sa kanya, groovy lang talaga," papuri ni Mark sa kanyang leading lady.

Tinanong ng PEP si Mark kung hindi kaya pagselosan ng asawa niyang si Melissa si Heart.

"Ay, hindi po!" mabilis na sagot ni Mark. "Si Melissa naman po, very supportive naman po siya sa trabaho ko. Actually, kapag may mga away pa nga kami, it's more on sa akin nanggagaling, hindi sa kanya. Halimbawa, sa sobrang busy, minsan parang nakakalimutan kong mag-kiss or mag-text, tumawag, yung mga ganoon. Pero kung dahil sa trabaho, hindi po, hindi po nangyayari yun."

Ayon kay Mark, naipakilala na rin daw ni Heart sa kanya ang non-showbiz boyfriend nito. Aniya, kahit isang beses pa lang daw niyang nakikita ang boyfriend ni Heart, boto na siya agad para rito.

Continue reading below ↓

Mukhang nalilinya si Mark sa mga leading lady na committed na, gaya nga nina Regine (kay Ogie Alcasid) at Heart (sa isang non-showbiz guy). Mas gusto ba niya yun na pareho silang committed ng leading lady niya?

"For me, it doesn't really really matter kasi, siyempre, nandito kami para magkuwento ng problema. Magpaligaya, mag-entertain," saad ng aktor, na unang nakilala bilang miyembro ng Guwapings.
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Ang tingin ko kay Heart, isa siyang tunay na artista. Talagang primetime na artista na ito, pang-award. Yung acting niya, panlaban palagi. So, ako, bihira akong maging fan. Pero ngayon pa lang, fan na ako ni Heart. Iba yung drive niya sa trabaho," says Mark Anthony Fernnadez about Luna Mystika leading lady Heart Evangelista.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results