Mark Herras and Jennylyn Mercado may have 'second time around'—after two years

IMAGE 0


"Siguro kung magtutuluy-tuloy ‘yon for two years, maypossibility. Pero this time, ini-enjoy muna namin. We're happy na GMA stilltrusts yung loveteam namin. After ng lahat ng mga nangyari, heto pa rin kami," says Mark Herras about the possibility of getting back together with ex-girlfriend Jennylyn Mercado.



Bagong challenge na naman para kay Mark Herras ang pagganapniya bilang isang engkanto sa pinakabagong telefantasya ng GMA-7, LunaMystika.

"Bago sa akin... Bagong role, bagong character, bago lahat. Imean, kung nag-costume man ako before for Fantastic Man, isa akong superhero.Pero this time, bad boy na engkanto na cute!" simula ni Mark sabay tawa sainterview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa kanya sa presscon ng LunaMystika kagabi, November 11, sa Studio 5 (dating Studio 3) ng GMA NetworkCenter.

Ginagampanan ni Mark sa Luna Mystika ang papel ni Kamilo, isang masama atmakapangyarihang engkantong iibig sa maganda ngunit pangit ang kaloobang siCelestina. Siya ang tutulong kay Celestina sa planong pagpuksa sa kakambalnitong si Luna, na pangit naman pero mabuti ang kalooban. Si Celestina at Lunaay kapwa ginagampanan ni Heart Evangelista.

Hindi ba nag-dalawang-isip si Mark na tanggapin ang rolebilang kontrabida?

Aniya, "Actually, ever since, paulit-ulit ko namang sinasabina hindi naman ako mahilig mamili ng mga roles na napupunta sa akin. And Itrust naman GMA na they're giving me this character na hindi naman akomagmumukhang...or magiging bad image or pangit yung image ng career ko. They aregiving me a chance to do a different kind of role.

"Kung sa digital film na Sapi, malalim na character angginampanan ko, this time, kakaiba naman ang mapapanood ng mga tao sa akin.Bagong challenge ito sa akin. Siguro parang warm-up ito bago namin gawin niJennylyn [Mercado, Mark's onscreen partner], yung Sine Novela.

"At saka, ever since na nagsimula ako sa showbiz, sigurobibihira akong magkaroon ng show na ang kasama ko sa show ay mga ka-age ko. Atleast dito sa Luna Mystika, ang dami namin—sina Michelle [Madrigal], Aljur[Abrenica], Hero [Angeles], at iba pa. Happy ako dahil gusto ko sa setmasaya, e. I mean, okay yung story tapos okay pa yung samahan. Mapapadali atmapapagaan ang trabaho once na kasundo mo ang lahat at masaya kayo sa set,"mahabang paliwanag ni Mark, na magdidiwang ng kanyang 22nd birthdaysa December 14.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ON HERO ANGELES. Magkasama nga sina Mark at HeroAngeles dito sa Luna Mystika. Dati silang magkaribal sa kasikatan dahil parehosilang grand winner ng artista search ng GMA-7 at ABS-CBN noong 2003: Si Markang Ultimate Male Survivor sa StarStruck samantalang si Hero naman ang GrandQuestor sa Star Circle Quest.

How is it working sa dati niyang karibal?

"Okay sa akin," sagot ni Mark. "At saka para kaming tag teamngayon dito sa show kasi pareho kaming masamang engkanto, e."

So, may mga eksena sila na magkasama?

"May mga eksena, pero hindi pa nasu-shoot," sagot ni Mark."Wala namang problema sa akin na makatrabaho siya, kasi never ko naman ginawangcompetitor si Hero, e. Never ko naman inilagay sa isip ko na, ‘Ito kalaban koito. Hindi ko dapat batiin ito.' Never ko naman ginawa 'yon, e.

"I'm happy na nakasama ko si Hero from Star Circle, atkatrabaho ko pa. Kasi ako, gusto ko namang makatrabaho ang lahat ng mgaartista. So, I'm happy," saad ng batang aktor.

Pareho ngang mga engkanto ang roles nina Mark at Hero saLuna Mystika, kaya kaabang-abang din ang special effects na mangyayari satuwing gagamitin nila ang kapangyarihan nila.

"Yes, may powers ako rito," sabi ni Mark. "Mag-iiwan ako ngparang sumpa sa pangit na Heart. Kasi doon sa maganda pero masamang Heart akomai-in love, e."

Napag-usapan din namin ang costume ni Mark bilang engkantona parang puno ang dating. Kumportable ba siya sa costume niya?

"Okay naman, hindi naman siya mainit. Yung tela naman malambotna manipis. Ang pinabago ko lang yung dito sa shoulders at dibdib ko kasilumalabas yung nipple ko. Naiilang ako. Baka mapansin, e!" sabay tawa niMark.

So, naiilang pa siyang ipakita ang katawan niya?

"Medyo... I'll show it pag okay na, kasi I'm starting to workout ulit, e. Saka na kapag may confidence na akong mag-topless. Medyo naiilangpa ako ngayon, e."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero di ba't nakapag-topless na siya sa mga pictorial?

"Yeah, pictorial naman yun. Pero I mean, everyday tapingtapos may mga scenes ka, medyo naiilang ako, e. Nagda-dialogue ako tapos bakaang mapansin sa akin yung nipple ko!" tawa niya ulit.

ON JENNYLYN MERCADO. Dumako naman ang usapan sapagbabalik-tambalan nila ni Jennylyn Mercado. Lalo na nga't maganda ang nagingpagtanggap ng mga tao sa pinagsamahan nilang two-part episode ng Dear Friend.

"Opo, sobra nga akong nagpapasalamat sa two weeks namingepisode sa Dear Friend, na hindi kami natalo sa ratings," masayang sabi niMark. "Good sign na tanggap pa rin ng mga tao ang tambalan namin at nakasuportapa rin ang mga fans namin. At saka natutuwa ako sa cast ng Dear Friend, kasipara siyang naging StarStruck reunion. Bukod sa amin ni Jen, nandun din sinaChuck Allie, Ryza [Cenon], Mike [Tan], Janna [Roxas], Paulo [Avelino]. Kayamasaya."

So, tuluy-tuloy na ba ang love team nila ni Jen?

"Hopefully, yes, lalo na kapag ginawa na namin yung SineNovela. Actually, Tinik sa Dibdib dapat ‘yon, e, tapos binago. Mag-startna kaming mag-taping sa December," pagbabalita ni Mark.

Balik-tambalan na naman sila ni Jen kaya muli na namansilang inili-link romantically, lalo na't nagkaroon sila ng past relationship.Ano ang reaksiyon niya na parang pinangungunahan sila ng mga tao?

"Oo nga e, every time na may nangyayari kay Jen, mayproblema, may isyu, lagi akong nadadamay, lagi akong nasasama sa isyu. Kumbaga,I'm still here naman, kaya lang talagang napag-uusapan yung about kay Jen, kayPatrick [Garcia, Jennylyn's ex-boyfriend], and the baby. Ayoko na muna sanangmag-comment. Baka kasi sabihin ng mga tao, bakit ba ako nakikiaalam, anak ko bayun, ganun.

"Kahit sobrang kaibigan ko si Jen, labas na muna ako sapersonal life niya. Oo, nakasuporta pa rin ako. Pero parang napasama yung mgainterview sa akin na sinasagot ko pa yung isyu about Patrick, parang [nakikialam], nanghihimasok ako. Which is hindi naman yun ang habol ko. Hiningilang naman ang opinyon ko. So, for now, ayoko na munang mag-comment about saisyu sa kanila," pahayag ng binata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang status ng friendship nila ni Jen?

"Okay kami," mabilis na sagot ni Mark. "Parehas kamingnag-cooperate sa nagawa naming Dear Friend. Awa ng Diyos naman, panalo yungdalawang linggo sa ratings. So, it's a very good start again for us."

Noong nagkatrabaho ulit sila ni Jen, may spark ba ulit?

"For the love team, yeah. Pero yung personal feelings,siyempre wala na. Ako, I'm happy na lang with Jen na close ulit kami, at happyna we're working together again. And maganda yung kinalabasan ngpagbabalik-tambalan."

Very open si Mark na ipagtanggol si Jen sa mga bad issues.Pero bakit daw si Marian Rivera na naging girlfriend din niya ay hindi niyaipinagtatanggol laban sa mga isyu na "ahas" daw ito at "nang-aagaw ngboyfriend"?

"Wala naman din kasi akong kinalaman doon," paliwanag niya."Yung kay Jen naman, yung naging relationship namin is naging matagal naman.Siya ang pinakamatagal...actually for one year and five months. Kumbaga, siyayung long term na hindi na mawawala sa buhay ko as my friend.

"Si Marian, six months lang kami. Ayoko na lang mag-commentdoon sa isyu kay Marian, kasi labas naman ako doon," iwas niya.

Minsan daw ay nakita na ni Mark ang baby ni Jen na si AlexJazz. Yun nga lang, pinaiyak niya raw. Ano ba talaga ang nangyari?

Kuwento niya, "Yung nakita ko nga, napaiyak ko, kasiniloloko ko. Sabi ko, ‘Bakit wala kang ngipin?' Tapos umiyak! Then, nung nakitako ulit siya, tulog. Natutuwa ako kasi ngumingiti yung bata. Kasi nga, di ba,ang sabi nila kapag ngumingiti yung baby habang tulog, nilalaro daw ng anghel?"

So, kailan naman siya magkakaroon ng sarili niyang baby?

"Ako, honestly, walang showbiz, gusto ko talaga yung anak kois hindi malayo doon sa edad ko. Pero kung in reality, hindi puwede, e," sabini Mark.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero gugustuhin niya bang mapangasawa ang isang babaengmayroon nang anak?

"Wala naman kaso sa akin yun, if ever man na magkaroon akong ka-relationship na may anak na."

So, hindi niya isinasara ang puso niya para kay Jennylyn?

"Hindi ko isinasara yung puso ko kahit kanino," sagot ni Mark."Pero this time, ayoko mung pasukan ng isyu na, ‘Mark bumalik kay Jen.' Para kayJen din. Kasi ang concern ko kay Jen, ayoko munang kababalik lang niya sashowbiz tapos papasukan na naman agad ng intriga. Gusto ko munang mag-enjoy siJen."

Pero ngayong madalas na ulit silang magkasama, posible bang magkabalikansila?

"Siguro kung magtutuluy-tuloy ‘yon for two years, maypossibility. Pero this time, ini-enjoy muna namin. We're happy na GMA stilltrust yung love team namin. After ng lahat ng mga nangyari, heto pa rin kami."

Aminado naman si Mark, na wala siyang girlfriend ngayon atwala ring nililigawan.

"Hindi dahil sa namamlastik ako, pero wala talaga.Sobrang nag-e-enjoy ako sa ginagawa ko ngayon. Focus talaga ako sa career komgayon. Nagbalik ako sa John Robert Powers [finishing school]. Tapos back totaping. Nag-workshop ako. Naka-settle na rin yung mind ko na balik-workout ako.Kasi sabi nila doon sa Sine Novela, parang may scene na naka-trunks. So, parahindi naman nakakahiya, kailangang mag-workout talaga," pagtatapos ni Mark.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN