Gab Valenciano admits dating Rachelle Ann Go exclusively

IMAGE 0


"Yes, dumadalaw ako sa bahaynila. Pero noong bago pa lang kami magkasama sa ASAP, dedmahan langkami. Pero sinabi ko na sa kanya noon na ‘You're the best singer inASAP.' Dedma lang siya. We don't even text each other. But she's theonly one I'm going out with today," says Gab Valenciano about Rachelle Ann Go.



Si Gab Valenciano atang kanyang dance partner na si Jasmine Navelgas ang itinanghal na winners sabagong season ng Shall We Dance, a celebrity dance competition on TV5 hosted byLucy Torres-Gomez with Jon Avila and Victor Basa. As winners of thecompetition, Gab and Jasmine each won a cash prize of P500,000.

Nakausap ng PEP(Philippine Entertainment Portal) si Gab sa Studio 5 ng TV5 sa Hemady, NewManila noong Lunes, Novemebr 10. Tinanong namin siya kung ano ang gagawin niyasa napanalunan niyang premyo.

"I will produce my studio album, and we called itProject Atlantis," sabi ni Gab. "I will be producing all the ten totwelve original songs, and I'm glad and excited about it."

Dagdag niya, "Hindi ko in-expect na mananalo ako. Akala kotatanggalin ako kasi I'm Gary Valenciano's son. At may pressure sa akin ‘yondahil baka isipin ng mga tao, kaya ako nanalo dahil tatay ko si GaryValenciano. I talked to Dad at sabi niya, okey lang daw ‘yon, I just do mybest.

"Akala ko, si Danilo Barrios of Streetboys and hispartner ang mananalo, o si Jopay Paguia of SexBomb, dahil talagang mga dancerssila, alam nila lahat ng dances. Tapos kami, least rehearsal pa dahil, di ba,kasama ako ni Dad sa concert niya sa Europe? Nang bumalik kami, semifinalsna. Mahirap, kaya I asked my mom [Angeli Pangilinan-Valenciano] why shelet me join the contest. Nasabi ko rin na after Shall We Dance, I will notjoin any dance contest again," lahad ni Gab.

Bukod sa album niya, ang iba raw sa napanalunan ni Gab ayide-deposit niya sa bangko at ang 10 percent nito ay mapupunta sa church nila.

"Nagulat nga ako when I attended our church serviceafter I won, they congratulated me. Napanood pala nila!" kuwento ni Gab.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

GARY V'S CONCERT. Sa November 14 and 15 ay gaganapin ang two-night concert ngama ni Gab na si Gary V, ang Gary V Live @ 25, sa Araneta Coliseum. Guestsi Gab dito kasama ang mga kapatid niyang sina Paolo at Kianna. Ang iba pangguests ay sina Karylle, Rachel Ann Go, Sugarfree, Bloomfields, Salamin,Powerplay, Pinoy Dream Academy winners Yeng Constantino at Laarni Lozada,Maneouvres, Philippine All Stars G-Force, at mga surprise guests.

Ano ang kakaibang gagawin ni Gab sa concert since alam namangpagdating sa sayaw, kayang-kaya niyang sabayan ang amang si Mr. Pure Energy?

"Ibang-iba talaga," paniniguro ni Gab. "Two things naiba ang gagawin ko sa concert. First, I will play the drums with 16Brazilian percussionists. The other one, I will do a very passionate dancenumber na ngayon ko lang gagawin. Sana magustuhan ng mga tao."

Kung papipiliin si Gab, anong songs ng daddy niya ang gustoniyang i-revive?

"Gusto ko ang Christian song niyang ‘Letting Go' and‘Search And No.' It makes me feel that God is always there. Among hispopular songs, gusto kong i-revive ang 'Growing Up,'" sabi ni Gab.

STUDYING ABROAD. Tuloy ba ang plans niya to study abroad next year?

"Yes, by March 2009, I'll be leaving," wika niGab. "Actually, I know showbiz is not for me talaga. For sixmonths, nag-stay na ako sa Alabang for my Bible school. I live with my pastorand his family para magkaroon na ako ng background kung ano ang gagawin kokapag nag-start na ako ng classes ko sa Full Sail University in Florida.

"I will stay with my lola, Dad's mom. Medyo mahirap angstudies ko doon dahil 60 to 70 hours a week ang classes ko. I'll be a musicalproducer after I finish my studies in two years. Then, I will go muna saNashville, Tennessee, the center of Christian music, bago ako bumalikdito."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ba dream din ng daddy niya na mag-aral abroad?

"Yes, but he's needed here," sagot ni Gab. "Sigurodadalaw lang sila ni Mom. Saka si Paolo, dito rin siya. And this will notbe my last concert. I'll have a farewell concert by February 2009 before Ileave. Pero mauuna ang launch ng album ko by the first week of January2009. Then, ang farewell concert sa New Life Christian Center in Alabang.It has a 2,500 sitting capacity."

GAB'S LOVELIFE. Nakitang magka-date sina Gab at Rachelle Ann Go sa concertni Sarah Geronimo, ang The Next One, sa Araneta Coliseum last November 8.

Sila na ba ni Rachelle? Wala na ba sila talaga ni NikkiGil at ang sumunod na Nikki na naging girlfriend din niya?

"Naging kami ni Nikki [Gil] for one year and twomonths, pero we were not seeing eye to eye. The other Nikki, hindi rinkami nagtagal, I don't want to force them. I think I'm the mostmisunderstood person," seryosong wika ni Gab.

"And with Rachelle," patuloy niya, "we've been gettingcloser since June, after our team building with other ASAP members. Butit's hard for me to get into a relationship because I'm into manythings. I don't want to say she's not special because she's veryspecial. Mahirap talaga kasi we already gained na a very close relationship.Mami-miss ko siya talaga."

Ano ang nagustuhan niya kay Rachelle at paano silanagsimula?

"She's a very sweet girl," sabi ni Gab. "I like hersimplicity and her character. I like her family. Nakaka-relate ako sa dadniya dahil nagbanda rin siya noong araw.

"Yes, dumadalaw ako sa bahaynila. Pero noong bago pa lang kami magkasama sa ASAP, dedmahan langkami. Pero sinabi ko na sa kanya noon na ‘You're the best singer inASAP.' Dedma lang siya. We don't even text each other. But she's theonly one I'm going out with today."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa gagawin niyang album, may ginawa ba siyang song forRachelle?

"Meron, ‘Indeed' ang title. Na-express ko doon what I'mfeeling at that time. Maybe I'll include the song in my album. Peroipinabasa ko ‘yon sa kanya, gusto niyang isama rin sa new album na gagawinniya," kuwento ni Gab.

We requested Gab to sing kahit one paragraph of "Indeed," pero wala pa raw music. So, ni-recite na lang niya ang lyrics sa amin.

"But oh, listen to my heart/ hear it calling for you/ Idon't wanna go/ leaving you behind is the last thing I would do/ I want you toknow that loving you this way is all I wanna do/ I can die now knowing in mylife that you love me."

Medyo natahimik si Gab after reciting thelyrics. Tinanong ng PEP si Gab kung hindi ba niya paghihintayin siRachelle sa kanyang pagbabalik after two years.

"No, ayaw ko siyang tanungin," seryosongsagot ni Gab.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN