Jomari Yllana wants to produce a concert for girlfriend Pops Fernandez and her ex-husband Martin Nievera

IMAGE 0


"I'm a fan of Martin and Pops noon pa, wala akongpinalalampas na concert nila. Tinanong ko si Popskung kailan pa sila huling nag-concert na magkasama ni Martin, sabi niya mgafive or six years ago na... If ever magkasundo, gusto ko sanangpre-Valentine concert. Saka alam ko birthday din ni Martin sa February," says Jomari Yllana.



Nakausap ng PEP(Philippine Entertainment Portal) ang aktor na si Jomari Yllana nang mag-guestsiya sa launching ng GlutaMAX, ang bagong beauty product ng YSA Skin Care na ini-endorse ng comedienne na si Jinky Oda,kagabi, November 12, sa C3 Events Place, Greenhills, San Juan.

Talaga bang plano niyang ipag-produce ng concert anggirlfriend niyang si Pops Fernandez at ang dating asawa nito na si MartinNievera?

"I'm a fan of Martin and Pops noon pa, wala akongpinalalampas na concert nila," sabi ni Jomari. "Tinanong ko si Popskung kailan pa sila huling nag-concert na magkasama ni Martin, sabi niya mgafive or six years ago na.

"Liligawan ko sila at siyempre, mag-uusap munasina Pops at Martin. Tamang-tama naman dahil pupunta si Pops at ang mgaanak nila ni Martin, sina Robin at Ram, sa Las Vegas. Doon sila magpapalipas ngChristmas, at mapag-uusapan nila ‘yon.

Dagdag niya, "If ever magkasundo, gusto ko sanangpre-Valentine concert. Saka alam ko birthday din ni Martin sa February."

Bakit niya naisipang mag-produce ng show?

"Actually, matagal ko nang gustong gumawa naman ng iba,bukod sa pag-aartista ko. May nai-produce na akong show sa Balanga,Bataan para sa church nila doon at naging successful ‘yon. Kung mapupuntakayo ng Balanga, yung magandang church doon, may contribution ako.

"May balak din akong mag-produce ng movie, isinusulat ko naang script. With the help of my manager, si Dondon Monteverde, baka mag-pushthrough ‘yon next year," banggit ni Jomari.

Hindi ba siya kasama sa Las Vegas. Na-approve na ba ang USvisa niya?

"Yes, na-approve na ulit ang US visa ko," sabi niJomari. "Hindi ko pa nga lang alam kung ilang years, kasi hindi pa dumarating,ide-deliver pa nila sa akin.

"Mauunang umalis sina Pops, susunod ako. Siguro afterChristmas na dahil gusto kong i-celebrate ang Christmas with my son Andrei[Jomari's son with ex-wife Aiko Melendez]. Pagkatapos ko silang puntahansa Las Vegas, dadalawin ko na rin ang relatives ko na naka-based na sa Dallas atHouston, Texas bago ako bumalik ng Pilipinas."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ba niya isasama si Pops para ipakilala sa mgarelatives niya?

"Hindi na, kasi kapag umuuwi naman sila ng Pilipinas,ipinakikilala ko sa kanila si Pops. Saka kailangang bumalik na rito ni Popsdahil may New Year's show siya," lahad ni Jomari.

Magkakasama sila ni Pops sa Las Vegas. Hindi ba nila balakmagpakasal doon?

"Kung magpapakasal man kami, dito ‘yon, hindi sa LasVegas!" natatawang sagot ni Jom. "True, ang daling magpakasaldoon. Kahit sa drive-thru doon, puwedeng magpakasal. Pero ayaw ko doon."

Paano na yung balak niyang mag-bonding sila ni Andrei sa HongKong Disneyland after Christmas?

"Hindi na kami tutuloy, kaya magkasama na lang kaming Christmas. Dapat kasi noong sem-break ni Andrei sa school, pupunta kami ngHong Kong. Kaya lang, umalis siya ng family ng mommy niya at one week din silasa Subic. Saka hindi na excited si Andrei na pumunta ng Hong KongDisneyland, kasi nakapunta na siya doon with his mom."

Totoo bang nagpunta siya sa Palawan last October?

"Yes, nagpunta kami doon middle of October, upon theinvitation of Puerto Princesa Mayor Edward Hagedorn for his birthday. Naglarokami ng basketball doon, kasama ko sina Phillip Salvador, Christopher de Leon,Tirso Cruz III... Marami siyang inimbitang artista, may mga naglaro ring mgaartista ng volleyball doon," kuwento ni Jomari.

May issue pa rin tungkol kina Pops at Gabby Concepcion. Anoang reaksiyon ni Jomari rito?

"Hindi na lang namin pinapansin ‘yon ni Pops, dahilhindi naman totoo. Kaibigan namin si Gabby. What's important, nagkakaintindihankami ni Pops."

Biniro namin si Jomari na hiwalay na naman sila ni Pops,gaya ng madalas na nababalita tungkol sa kanila.

"Oo nga, hiwalay na naman kami!" biro rin niya. "Umalis siya last Tuesday [November11] for some shows in Dubai. Sa Sunday [November 16] ang balik niya rito.Ako naman ang wala kasi I'm leaving for Cebu on Saturday [November 15]. Maybubuksang three franchise stores doon ng business naming Rapide at three daysako doon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN