Ogie Alcasid reveals his biggest 'lovers' quarrel' with Regine Velasquez

IMAGE 0


"Kahit sinabing second choice langdaw ako dahil may nauna na silang tinawagan for the role, hindi ko rin ‘yonpinansin. Sa akin, malaking challenge ito. Although nakagaganap na ako ng ganungrole [babae] sa Bubble Gang, iba naman ito, pelikula ito," says Ogie Alcasid about his feminine role in Desperadas 2.



Dinalaw ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at ng ibapang entertainment press ang shooting ng Desperadas 2 sa Bonifacio High Street,Taguig City, kahapon, November 13.

Ang eksenang naabutan namin ay nagsa-shopping kunwari angmagkakapatid na sina Ruffa Gutierrez, Rufa Mae Quinto, Marian Rivera, IzaCalzado, at ang kanilang long-lost sister na ginagampanan ni Ogie Alcasid, who portraysa woman character. Naging maayos ang shooting dahil hindi masyadong matao atwell-behaved ang mga nanonood na nasa malayo lang.

Pagkatapos ng eksena ay nakausap na ng PEP si Ogie duringtheir lunch break.

Hindi ba siya tumanggi nang i-offer sa kanya ang role naisang babae sa movie na idinidirek ni Joel Lamangan?

Sabi ni Ogie, "Nang tumawag ang manager ko [Leo Dominguez] at may offernga raw si Mother Lily [Monteverde] na gaganap akong babae, hindi bading, saDesperadas 2, hindi na ako nagdalawang-isip. Kahit sinabing second choice langdaw ako dahil may nauna na silang tinawagan for the role, hindi ko rin ‘yonpinansin. Sa akin, malaking challenge ito. Although nakagaganap na ako ng ganungrole [babae] sa Bubble Gang, iba naman ito, pelikula ito."

Matatandaang si Eugene Domingo dapat ang gaganap sa papel niOgie, pero nagkaroon ng problema sa pagitan ng aktres at ng RegalEntertainment.

Dahil ang ginagampanang role ni Ogie ay prinsesa ng fictionaltribe na Kwelali, na nasa pagitan daw ng Africa at South America, kailangangpaitimin ang mga bahagi ng kanyangkatawan na nakalitaw—mukha, leeg, kamay, at paa.

Ilang oras siyang nilalagyan ng makeup?

"Two hours," sagot ni Ogie. "Nang nagsu-shooting nakami, doon ko naisip na bakit ko ba tinanggap ang role, mahirap pala! May fakefingernails pa ako. Okay lang siya kapag inilalagay, pero masakit kapagtinatanggal na.

"Pero very helpful ang mga girls [Ruffa, Rufa Mae, Marian,and Iza]. Tinuturuan nila ako kung paano magsuot ng high-heel shoes, kung paanomaglakad. Na-enjoy ko na rin ang pagsu-shooting.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I'm glad lang na hindi ko na kailangang magbago ng bosesdahil okey daw naman ang voice ko for a woman. Saka hindi naman ako masyadongnagsasalita. Native dialect ako kaya may interpreter ako, si Joy Viado. Kapagnag-dialogue ako ng Tagalog, parang sa text, ‘Wer u na?' ‘Am here na.'

"Sana magustuhan nila ang Desperadas 2. Miss ko na rin kasi ang mapanood sa bigscreen.Ang last ko pang movie, yung Shake, Rattle & Roll 8 two years ago,"saad ni Ogie.

Nasigawan o nagalit na ba sa kanya si Direk Joel Lamangan sashooting?

"Hindi pa naman," mabilis na tugon ni Ogie. "Masunurinkasi ako, hindi ako gagawa ng ayaw niya. Hindi naman maninigaw si Direk Joelkung hindi ka gumagawa ng mali."

Ang Desperadas 2 ay official entry sa 2008 Metro Manila Film Festival (MMFF).

KARYLLE'S DEPARTURE. Sa ibang balita, nagpaalam na si Karylle sa GMA NetworkCenter at iiwanan na rin nito ang SOP, kung saan isa sa main hosts si Ogie. Anoang feeling ni Ogie sa desisyon ni Karylle na lumipat sa ABS-CBN? Hindi ba niyapinigilan si Karylle?

"Nakakalungkot, pero karapatan niya ‘yon kung ‘yon angdesisyon niya," sabi ni Ogie. "Last Sunday [November 9], after SOP, binigyannamin siya ng goodbye lunch, kami nina Regine [Velasquez, Ogie's girlfriend]. Sheseems fine naman, wala kaming pinag-usapan tungkol sa issue. Tawanan lamangkami nang tawanan. I guess nakatulong sa kanya ang pagri-retreat niya."

BIGGEST FIGHT. Kumusta naman sila ni Regine, nag-aaway din ba sila?

"Ay, oo!" pag-amin ni Ogie. "Natural na siguro ‘yon samag-sweetheart. Pero ang pinakagrabe namin noong Tuesday [November 11]. Nagalitsiya talaga dahil nakalimutan kong fourth anniversary pala namin!

Paliwanag niya, "May shooting kasi ako ng Desperadas 2, nihindi ko siya nabati. Siya pa angnagpadala ng flowers sa akin sa shooting. May mga plano pala siya para saanniversary namin, pero nakalimutan ko nga, kaya sorry ako nang sorry.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala pa akong anniversary gift sa kanya, pero bumili munaako ng four to five anniversary cards at sinulatan ko ‘yon ng how I feeltowards her. Sweet naman ako lagi. Talaga lang nakalimutan ko ‘yon dahil satrabaho ko."

JUDAY'S OSCAR CAMPAIGN. Kinumpirma rin ni Ogie na tinutulungan nila ni Regine siJudy Ann Santos sa pagre-raise ng funds na gagamitin para sa kampanya ngPloning, na entry ng Pilipinas sa best foreign language category ng OscarAwards next year.

"Yes, nandoon si Judy Ann sa bahay ni Regine,"pagbabalita ni Ogie. "Nagluto sila doon at kami ni Regine ang nag-imbita ng friendsnamin para mag-dinner sa bahay. Sila ‘yong magbibigay ng donation para saPloning fund ni Judy Ann."

CHRISTMAS PLANS. May plano na ba siya sa darating na Kapaskuhan?

"Uuwi ako sa Australia, tulad ng ginagawa ko everyyear, to be with my two daughters," tugon ni Ogie. "Pero sa December26 na ako pupunta ng Australia. Kailangan pa ako para sa Parade of Stars ngMMFF sa December 24. Pero hindi rin ako magtatagal, hanggang December 31 langako. Babalik din ako agad dahil may New Year show ako."

Kasama ba niya si Regine sa pagpunta sa Australia, like lastChristmas?

"Wala pa, hindi pa kami nag-uusap kung sasama siya saakin sa Australia. Kakatapos lang niyang mag-record ng bago niyang album. Busyrin siya ngayon sa rehearsal ng concert nila nina Kuh Ledesma, Zsa Zsa Padilla,at Pops Fernandez. Magsisimula na rin silang mag-taping ni Robin ng Totoy Bato,"saad ni Ogie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN