Toni Gonzaga says false snubbing issue with Alessandra de Rossi is worn out

IMAGE 0


"Hinditotoong hindi kami nagpansinan o I snubbed her. Nagbatian kami, nilagyan langng kulay ng ibang tao. Hayaan na natin ‘yan, tapos na ‘yan, matagal na," says Toni Gonzaga about reports that she and Alessandra de Rossi snubbed each other.



Muling nabuksan ang isyu sa pagitan nina ToniGonzaga at Alessandra de Rossi nang minsang magtagpo ang kanilang landas sastudio ng Wowowee. Kasagsagan noon ng promo ng My Only U, ang pelikula ng Star Cinema, starring Toni and Vhong Navarro. Guest co-host siAlessandra sa Wowowee noong araw na 'yon.

Sa video na ipinakita ng The Buzz noong November 2, parangumiwas daw si Toni nang magkita sila ni Alex. Dito ay inakala tuloy ng maramina mukhang hindi pa handa si Toni na tuldukan nang tuluyan kung anuman anghindi nila pagkakaintindihan dati ni Alex.

Nagsimula kasi ang alitan sa pagitan nila nang ma-link siToni sa boyfriend noon ni Alex na si Jeremy Marquez. Nasa GMA-7 pa noon siAlex, pero ngayon ay magkasama na sila ni Toni sa ABS-CBN.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Toni sa ABS CBN compound, pinabulaananniya na may isnabang nangyari sa kanila ni Alex.

Ayon sa kanya, "Dalawang bagay na lang ang masasabi ko diyankasi ang tagal na niyan: It's over and done and let's all move on. Hinditotoong hindi kami nagpansinan o I snubbed her. Nagbatian kami, nilagyan langng kulay ng ibang tao. Hayaan na natin ‘yan, tapos na ‘yan, matagal na."

Dagdag ni Toni, wala siyang kahit kaunting pagkailang nanaramdaman nang magkita sila ni Alex.

"Maiilang ka lang pag may kasalanan ka o nagsinungaling ka.Okey na okey ako kahit sino ang makita ko. Hindi ka dapat mapikon dahil pagnapikon ka, talo ka. Nasa showbiz tayo, you should know how to play the gamealso. They want to play it that way, ako, I'd rather stay in the bench, uupo nalang ako," ani Toni.

Sinabi rin ni Toni, matagal nang naputol ang komunikasyonnila ni Jeremy. Kung may mga nakakausap man siya sa Kapuso network, ito ay angilan sa mga dating kasamahan niya sa Eat Bulaga!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Simula nang lumipat ako [sa ABS-CBN], wala na akongcommunication sa iba kundi sa mga taga-Eat Bulaga! na lang—sina Paolo[Ballesteros], Ate Ruby [Rodriguez]... Si Tita Malou [Choa-Fagar, TAPE executive],dati ka-text ko pa. Pero nitong huli, bago na siguro ang number niya taposnagbago na rin ako ng number. Kasi nasira yung dati kong phone at marami akongnawalang contacts," saad ni Toni.

Kasalukuyan pa ring palabas sa ilang sinehan ang pelikula niToni, kasama si Vhong Navarro, ang My Only U ng Star Cinema.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN