Sharon Cuneta offers reward for evidence that Kiko has other woman and kids

IMAGE 0


"Kung maybabae si Kiko, will I take it? I did not leave my first husband [GabbyConcepcion] para magtiis. I'd rather live alone. Wala nga akong kapera-peranoon, kinaya kong mabuhay kami ni KC lang. Ngayon pang nakaipon na ako at trenta anyos na ako sa showbiz?" says Sharon Cuneta.



Kahit lumamlam na ang "hiwalayan issue" kina Sharon Cunetaat Senator Kiko Pangilinan, may hatid pa ring inis sa Megastar ang napabalitang may kerida at mga anak diumano sa ibang babae ng senador. Ito rin daw ang dahilanng biglaang paglipad ng aktres sa Hong Kong para magpalipas ng sama ngloob.

Ayaw na sanang pag-usapan ni Sharon ang tungkol dito kayaumiiwas siyang magpa-interview sa press. Pero hindi pa rin niya mapigilan namaglabas ng kanyang saloobin tungkol sa naturang intriga, sa panayam ng PEP(Philippine Entertainment Portal) sa kanya sa last shooting day ng IskulBukol...After 20 Years.

Special guest ang Megastar sa nasabing movie, namagsisilbing reunion movie nina Tito, Vic & Joey. Matatandaang sa originalIskul Bukol sitcom ay gumanap si Sharon bilang nag-iisang kapatid na babae ngEskalera brothers na sina Tito at Joey.

Paliwanag ni Sharon, "Kasi naiinis ako yung mga lumabas na,alam mo na, yung mga intriga nung huli na medyo OA. Ang dami kasingnagdudunung-dunungan. Yun na lang sabihin ko na isang bagay naman na normal nanangyayari, parang pinalaki. Actually, gusto ko ngang magbigay ng prize!

"Seven years nang senador ang asawa ko. Wala nangsinabi ang mga tao kundi merong babae, may pamilya na... Itong age na ito, meronnang MMS, SMS, may Internet... Bakit naman kung mayaman kang kalaban ni Kiko sapulitika, o kahit hindi ka mayaman, basta't marami kang resources, di ba? Yungparang ang dali-daling ipahanap kung meron.

"Nakakatawa, kasi napagod ako sa kakaintriga saakin. Tingnan mo, I'm not even touching the actual subject. Kasi angfeeling ko, gagawa sila ng mga... Alam mo, yung tipong lampas sa langit na yungmga imbento na sobrang dagdag, tapos nanganganak pa, di ba?

"Gagawa sila ng ganon, tapos ang nakakatawa, lalapit sila saiyo para mag-interview. Bakit ko lilinawin yung isinulat ninyo? Anglabo ninyo! Feeling ko, pakitapos na lang para mabasa ko naman yung ending. So,basta, nakakainis! Kaya umalis ako, napagod ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Parang I just realized, dyusko naman, parang 30 years in the business, siguronaman I've earned already a little... Parang sabi ko, dapat graduate na ako doon.Siguro, I've earned a little, kahit a little man lang respect, na parang hindina ako dapat ginagawan ng istorya. Tapos ako yung maglilinaw ng hindi ko naman ginawa,di ba? Nakakaloka!

"Na-realize ko ‘yan. Parang, teka muna, masyado namanakong nice sa ibang tao na parang lalapit, 'O, okey ‘tong mga ito, a!'" mahabanglahad ng Megastar.

WILLING TO GIVE A REWARD. Sa pulitika raw, hindi sa showbiz, nagsimula angbalita tungkol sa pagkakaroon ng babae at ibang mga anak ni Senator Pangilinan. Bagay naipinagtataka ni Sharon.

"Kasi ang bilis, e," sabi ni Sharon. "Sa showbiznaman kasi... Dysuko naman, Rey, buhay ng isang mag-asawa... I mean,we've been married for 12 years, together 14 [years], di ba? Sa buhay ng mag-asawa, talagang may nangyayaringhindi pagkakaunawaan, away, LQ [lovers' quarrel]. Some, mas matindi sa iba.

"Pero parang ang feeling ko, bakit agad-agad? Kunyari,nag-away kayo, hindi yata't napakabilis na agad na naikalat? Na never nanangyari ‘yon sa 12 years na pagsasama namin. So, siyempre, ang feeling kolang, people know that Kiko's strength, first and foremost, is his family, e.So, lagi kami doon tinitira, e.

"Yung lang, I don't wanna talk about what happened. Kasi itwas really... Dyusko, 12 years! Ilang beses nag-aaway ang mag-asawa? Katakatakanaman na na-single out, kunyari ‘etong panahon na ito, aba naman, maynanganganak, may nadagdag, babae na!

"Please, tell me the truth, tell me what you think? Kung maybabae si Kiko, will I take it? I did not leave my first husband [GabbyConcepcion] para magtiis. I'd rather live alone. Wala nga akong kapera-peranoon, kinaya kong mabuhay kami ni KC [Concepcion, Sharon's eldest daughter]lang. Ngayon pang nakaipon na ako at trenta anyos na ako sa showbiz?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Di ba, parang ini-insist nila? Humihingi ako ng pruweba,kahit five to ten million cash, ipabibigay ko doon sa tao. Nakakairita!Pengeng ebidensiya! Sige, isasanla ko asawa ko, magbibigay ako ng cash!" tawani Sharon.

"Sa totoo lang, you know, I'm transparent," seryoso naniyang sabi. "Even if I smile, you see me being lonely, and you'll se me lonelyand angry if something like that serious, you know, something I was goingthrough."

Sabi namin kay Sharon, sa tuwing nakikita sila ni Kiko,palagi siyang masaya. Madalas pa nga niyang binibiro at nilalambing ang asawa, kahit saharap ng press at ng iba tao. Maging sa kanyang concerts ay binibironiya palagi si Kiko.

"Lagi nga, e, and up to now," sabi ni Sharon. "Eto nga, diba, we went on a cruise. Seven days kami sa [Caribbean] cruise. Two weekskaming wala. Bale ten days lang kaming wala dahil two days yung lipadnamin.

"Basta, gusto kong mag-reward para lang matapos na, patayinmo na yung rumors. Basta magbibigay ako ng reward. Penge naman [ng ebidensiya]!Ang tagal, di ba?" hamon ng Megastar.

Kahit nangingiti si Sharon ay nasa himig niyaang kaseryosohang magbibigay ng reward sa makapagpapatunay na may babae nga at ibangmga anak ang mister niya.

ISKUL BUKOL, THE REUNION. Masaya at excited naman ang Megastarsa kanyang guest appearance sa Iskul Bukol...After 20 Years, na entry sa 2008 Metro Manila Film Festival.

Sa pagkakaaalam namin, pag nadadagdagan ang timbang niSharon ay ayaw nitong lumabas sa kahit na anong pelikula. Ipinagpalibanmuna nga niya ang pag-uumpisa ng sarili niyang movie para makapag-diet muna. Perohindi niya matanggihan ang offer na mapasama sa Iskul Bukol kahit salast shooting day man lang.

"Remember the Channel 13 days of Iskul Bukol?" tanong ni Sharon. "I was the sisterof Uncle Tito at Uncle Joey, so ako si Sharon Eskalera. Panahon ng ‘Maputi...["Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko," Sharon's song].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, parang siyempre, I'm not really in movie-making formnow. Obviously, I never expected na they were shooting a movie na I wouldreally like to be a part of. Parang it's nice to celebrate the TV series with thespecial movie and pang-filmfest pa. Tapos, alangan naman na wala ako?

"Bahalana, mag-e-enjoy na lang kaming lahat. Gusto ko lang mag-enjoy at mag-enjoy ang audience na hindinila iniisip kung ano ang dapat na hitsura ko dito, na kapatid nina Joey atTito Eskalera," saad niya.

Na-excite daw agad si Sharon nang malamang kasama siya sapelikula.

"Ay, right away!" bulalas niya. "Eksakto naman na okey akosa shooting. Today lang ako, kunwari graduation day lang."

Ayon kay Sharon, "Napakasarap na gawin yung show na super na nagre-rate noongaraw at may loyal following. Those who really follow the show every week sa Channel13, meron silang mga fondest memories habang the show was going on, na theycan relive those while watching this. And at the same time, it's nice thatwe're introducing the whole Iskul Bukol world doon sa bagong henerasyon. Na-excitelang ako, ganon.

"Saka ang sarap kasi na parang kung may show noong araw nanagustuhan mo noong bata ka, parang nagiging part ng buhay mo na. God, howold was I then? Fourteen lang yata. It was like a year or two after Istarted singing lang. So, mga 1980 lang, '79 to '80 ako naging part ng Iskul...Nagge-guest ako," pagbabalik-tanaw ni Sharon.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN