Marian Rivera says she is not avoiding the press

IMAGE 0


"Sa palagay ko kasi, kasama na ‘yansa part ng buhay ko bilang isang artista. Minsan na po akong umiyak sa intriga,pero ngayon, ayoko nang iyakan kung anuman ang dumarating na intriga. Hindi kona lang pinapansin, lalo na kung hindi naman totoo," says Marian about intrigues.



Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Marian Rivera sashooting ng pelikulang Desperadas 2 sa Bonifacio High Street, Taguig City,kahapon, November 13. Kasalukuyang kinukunan that time ni Direk Joel Lamanganang eksenang nagsa-shopping ang magkakapatid sa pelikula na sina Marian, RuffaGutierrez, Rufa Mae Quinto, Iza Calzado, at Ogie Alcasid.

Tinanong namin si Marian kung may pagbabagona ba ang character niya rito sa Desperadas 2.

"Kung doon sa una, designer ako ng mga swimsuit, ngayondesigner na rin ako ng mga dresses. Mas successful na ang career ko,"kuwento ni Marian. "Ang problema ko lang, dahil sa success ng career ko,nai-insecure naman sa akin ang boyfriend ko [Will Devaughn]. Pero inaayos koang career ko at ang lovelife ko."

Kumusta naman ang pakikipagtrabaho niya ngayon kina Ruffa,Rufa Mae, at Iza?

"Ay, mas enjoy po kami ngayon!" masayang sabi niMarian. "Mas may bonding na kami, madalas na kasi kaming magkakasama kasi sapagsu-shooting. Sabi nga po nila, mas matsika na raw ako. Siyempre po lastyear, bago ko lang po silang nakasama, kaya tahimik lang ako noon. Nadagdag panga si Kuya Ogie ngayon kaya mas masaya kami."

Nakunan na rin daw nila ang eksenang naka-swimsuit lang siMarian.

FIRST MOVIE WITH DINGDONG. Sa November 19 na ang opening dayng first movie ni Marian with screen partner Dingdong Dantes, ang One True Love, kung saankasama rin nila si Iza. Hindi ba kinakabahan si Marian?

"Sa kinakabahan, hindi po naman masyado," sagot ngaktres. "Mas excited lang ako. Napanood ko na po ang ibang parts ng movie nangmag-dub ako, at alam ko pong magugustuhan nila kasi maganda siya. Maiiyak kayo,matatawa, kikiligin, at hahagod sa puso ninyo ang mga eksena. Patutunayan ngmovie na hindi lamang minsan dumarating sa buhay ng isang tao ang one truelove."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kapansin-pansin na hindi masyadong nagpu-promote sinaMarian at Dingdong ng kanilang pelikula. Tuloy, ang iniisip ng iba, umiiwaslang sila ni Dingdong sa press. Ang fans naman nila ay miss na miss na silangmakita na magkasama.

"Humihingi po ako ng sorry sa kanila, pero talaganghindi namin kaya ni Iza na mag-promote," paliwanag ni Marian. "Hindipo kami umiiwas sa press, at nahihiya rin kami ni Iza kay Dong dahil siya langmag-isa ang nagpu-promote ng movie namin.

"May seven shooting days pa po kasi kami ni Iza ngDesperadas 2. Ako, may four shooting days pa sa ‘Nieves' episode ko sa Shake,Rattle & Roll X. Kailangan ko pong matapos ‘yon bago kami umalis ni Dongfor Los Angeles, California, on December 2. Dadalhin po namin sa Shrine Auditorium ang Let's Celebrate birthdayconcert namin noon sa Araneta Coliseum.

"Pero sa Sunday [November 16], big promo po namin saSOP. Sana manood sila dahil marami po kaming ibibigay na magagandang productionnumbers, plus darating ang buong cast ng One True Love," pagbabalita ni Marian.

Magtatagal ba sila ni Dingdong sa Los Angeles?

"Ako po, five days lang doon," sabi ni Marian."Kailangan ko pong bumalik dahil may mga shoots po ako ng TV commercials ko.Ewan ko po si Dong, balak yata niyang manood ng Pacquiao-Dela Hoya fight sa LasVegas. Basta ako, mauuna akong umuwi rito."

Iniwasan nang sagutin ni Marian ang iba pang mga tanong tungkol sakanila ni Dingdong kaya hindi na kami nagpilit.

NEW COMMERCIALS. Sinabi ni Marian sa amin kung anu-ano angmga bago niyang TV commercial shoots, pero nakiusap siya na huwag muna namingisulat.

Biniro tuloy namin siya na sa kapipigil niyang isulat naminang mga balita tungkol sa kanya, hayun at naunahan na kami. Gaya na lang ng kanyangGinebra 2009 calendar. Nagsisimula pa lang silang mag-shooting ng One TrueLove, sinabi na niya ‘yon sa amin. Pero sa December na lang daw namin isulat dahilbaka raw mapagalitan siya ng agency. Pero kahapon, naglabasan na ang sexypictorials niya for the calendar sa newspapers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nagulat din nga po ako, kasi ‘yon ang sabi ng agencysa amin. Baka po sa kanila na rin nanggaling iyon," nahihiyang sabi ni Marian.

"Milyonarya" na raw si Marian, sabi ng ilang entertainmentpress na kaharap niya.

"Hindi naman po!" ngiti ni Marian. "Siguro alam ko langkung paano ko itago ang pera ko. Hindi rin po kasi ako magastos na tao. Pag maysobra, bumibili naman po ako ng kailangan ko. Inilagay ko na po sa business, atgusto ko pong makaipon dahil gusto kong magpatayo ng sarili kong bahay. Maliitna po kasi sa akin ang condo unit na tinitirhan ko ngayon."

MEANINGFUL CHRISTMAS. It seems inspirado si Marian ngayon. Magigingmeaningful ba ang Christmas 2009 niya? Ano ba ang gusto niyang matanggap naChristmas gift mula sa mga mahal niya?

"Lagi naman po akong inspirado simula pa nangmagtrabaho ako," sabi ni Marian. "Inspirado po ako dahil sa aking family, sa aking career. Hindi poako materialistic na tao. Kahit walang gift, kahit greeting cards lang ang matanggapko, ipagpapasalamat ko na po ‘yon. Marami na po akong blessings na dumating, atnagpapasalamat sa mga blessings na patuloy na dumarating."

Kasama ba sa mga blessings na dumating sa kanya ay ang mgaintrigang ikinakabit sa kanya?

"Siguro po," aniya. "Sa palagay ko kasi, kasama na ‘yansa part ng buhay ko bilang isang artista. Minsan na po akong umiyak sa intriga,pero ngayon, ayoko nang iyakan kung anuman ang dumarating na intriga. Hindi kona lang pinapansin, lalo na kung hindi naman totoo."

Anong intriga ang iniyakan niya? Ito ba ang pagdawit sapangalan niya sa breakup nina Dingdong at Karylle?

"Naku, hindi po ‘yon!" tanggi ni Marian. "Tulad ngsinabi ko, kung anuman ang iniisip nila, bahala na po sila. Basta ako, walapong katotohanan ‘yon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang iniyakan ko, noong bago pa lang akong nag-aartista ay yungmga nasulat na may anak na raw ako. Hindi pa po ako sanay sa intriga noon, kayatalagang iniyakan ko ‘yon. Pero ngayon,wala na, hindi na po ako iiyak sa intriga, nasanay na ako.

"'Saka ako po kasi, kung may problema, pinipilit ko yungi-solve sa sarili ko. Kung hindi ko naman kaya, I turn to my family, o di kayasa mga superclose friends ko... Like Ate Lotlot [de Leon], Tita Perla [Bautista],Nanay Rita [Avila], Paolo Ballesteros, na talagang very close ako sincenagkasama kami sa Dyesebel.

"Biro ko nga kay Paolo, sana manood muna siya ng premierenight ng One True Love sa November 18 sa bago siya umalis for Chicago. Perogusto niyang nasa tabi siya ng girlfriend niyang si Kaye sa pagsilang ng babynila. At yes, ninang daw po ako ng magiging baby nila. Ewan ko lang kungisasama niyang umuwi rito si Kaye at ang baby nila. Pag-uusapan pa raw nila,"lahad ni Marian.

VIVIAN'S ROLE. May nagsabing natutuwa raw ang dating aktresna si Vivian Velez sa napipintong pagganap ni Marian sa role na datingginampanan nito sa Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang. Tiyak daw na mahihigitan ni Marian angpagganap ni Vivian sa TV remake ng naturang Carlo J. Caparas novel.

Ano ang reaksiyon ni Marian dito?

"Naku, hindi naman po. Sigurohappy lang siya para sa akin. Sa ngayonpo kasi, wala pa akong idea kung ano ang role na gagampanan ko. Ang alam ko lang,‘yon ang susunod namin project, our last sa TV ni Dingdong. Pero hindi pa nilaako kinakausap. Pagbalik ko pa lang from the States, saka kami makikipag-usapsa GMA-7," pagtatapos ni Marian.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN