Eugene Domingo debunks blind item implicating her and Jiro Manio

IMAGE 0


Comedienne Eugene Domingo stars in two TV5 shows, the animal gag show Ha-Ha Hayop and the sitcom Everybody Hapi.



Isa si EugeneDomingo sa mga bagong talents ng TV5. Host ang komedyana ng bagong show naHa-Ha Hayop, na magpi-feature ng funniest videos ng iba't ibang hayop, at nasacast din siya ng sitcom na Everybody Hapi. Kaya present si Eugene sa secondseason launching at Christmas party ng TV5 last Tuesday, November 13, saA.Venue Hall sa Makati City.

Nang magkaroon ngpagkakataon ang PEP (Philippine Entertainment Portal) na makakuwentuhan siEugene, tinanong namin siya kung aware ba siya sa isang blind item na tila siyaang tinutukoy.

"Oo naman! Alam koyun," sagot ni Eugene.

Hiningi muna naminang permiso niya kung nais niyang "patulan" ang naturang blind item.

"Sus, luma na ‘yon,‘no!" sabi ng komedyana. Pero okay lang daw sa kanya kung ungkatin namin uliyun. Actually, muling nabuhay ang blind item sa ilang tabloid dahil may ginagawangpelikula si Eugene ngayon.

Ang blind item aytungkol sa isang komedyana at isang young actor. Ayon sa takbo ng kuwento,nagkasama ang dalawa sa isang pelikula. Iisa lang ang dressing room nila atshare din daw ang komedyana at young actor dito.

Minsan ay nagkasabayang dalawa sa dressing room. Pero naunang lumabas ang komedyana, kaya naiwanang young actor doon at ito nga ang huling lumabas.

Nang bumalik daw angkomedyana sa dressing room, nadiskubre niyang wala na ang cellphone niya. Atdahil ang young actor ang huling nanggaling doon, ito na raw ang pinagbintanganniyang nagnakaw ng kanyang gamit.

Itinanggi naman dawng young actor ang akusasyon ng komedyana. Sumumpa pa raw itong hindi niya magagawaang magnakaw. Pero hindi raw naniwala ang komedyana.

Ngayon aymagkasamang muli sa isang pelikula ang komedyana at young actor. Panay rawang parinig ng una sa mga kasamahan nila na ingatan ang kanilang mga gamitdahil may kasama raw silang "magnanakaw." Naiinis na raw ang young actor sa mgaparinig ng komedyana, kaya gusto na raw niya itong patulan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang clue ng blinditem: Nagka-award na ang komedyana at ang young actor.

Nang makausap naminsi Eugene, pinagdiinan niya agad na hindi siya nambibintang o nagpaparinig.

"Totoong nawalan akong cellphone. Pero wala naman akong pinagbibintangan," sabi niya.

At ang tinutukoynaman daw na young actor sa blind item ay si Jiro Manio. Nagkasama ang dalawasa Foster Child last year at magkasama sila ngayon sa Ang Tanging Ina NinyongLahat ng Star Cinema.

"Saka si JiroManio," sabi ni Eugene, "sobrang mahal ko ang batang ‘yan! Ba't ko naman siyapagbibintangan?"

Dagdag niya, "Anoba, 1952 pa ‘yang blind item na ‘yan, huh! Basta, hindi ako nambibintang atmahal ko si Jiro!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN