Vic Sotto denies reports that he married Pia Guanio in Vegas and that she's pregnant

IMAGE 0


"Kaya ako nanagsasabi na we are not married yet, at hindi buntis si Pia. ‘Yang kasal-kasalna ‘yan, it will come at the right time and right place. At kung mangyayari,dito sa Pilipinas namin gagawin. Ayaw naming itago ito sa mga taong nagmamahalsa aming dalawa," says Vic Sotto.



In the mood ang comedian-TV host na si Vic Sotto na sagutin angmga katanungan ng PEP (Philippine Entertainment portal) sa kanya tungkol sa kanyang relasyon kay Pia Guanio. Recently aynabalitang ikinasal na sila ni Pia last July sa Las Vegas at buntis na rin dawang TV host.

Idinenay na ni Pia ang mga balitangito sa Showbiz Central. Ngayon, si Vicnaman ang nagsasabi na walang katotohanan ang kumalat na balita.

"Noong makarating saamin ni Pia ‘yan, siyempre natawa na lang kami kasi ikinasal kami ulit. Ilangbeses na ba kaming kinakasal, di ba? Parang sobra-sobra na ang pag- ‘I do'namin sa isa't isa!" tawa ni Vic nang makausap namin siya sa shooting ng pelikulang Iskul Bukol...After 25 Years.

Patuloy ni Vic,"Kada alis kasi namin ng bansa, e, ikinakasal kami. Hindi ko naman masisisi angmga nagkukuwento ng ganyan because nakikita naman siguro nila na okey angrelationship namin, at para na nga raw kaming mag-asawa.

"Tapos nadagdagan pana buntis si Pia. Oo nga't buntis si Pia, pero sa show naming Ful Haus siyabuntis. Yung character niyang si Grace ang buntis at hindi si Pia mismo. Fromthere siguro, may mga gustong magpalaki ng balita para mas maraming makapanoodsa show namin. Okey naman ang turnout kasi maganda ang rating ng sitcom namin.

"Kaya ako nanagsasabi na we are not married yet, at hindi buntis si Pia. ‘Yang kasal-kasalna ‘yan, it will come at the right time and right place. At kung mangyayari,dito sa Pilipinas namin gagawin. Ayaw naming itago ito sa mga taong nagmamahalsa aming dalawa."

Dagdag ni Vic, gustoniya ay simpleng kasalan lang. Hangga't maaari raw ay ayaw niya ng engrandengkasalan. Pero depende raw ‘yon sa gusto ni Pia.

"She knows that Iwant it simple, walang masyadong magulo. But of course, pag-uusapan namin ‘yanni Pia. Pero hindi pa naman ngayon, matagal pa ‘yan. Malalaman naman ninyo‘yan, e. Sa mga shows namin ni Pia magaganap ang official announcement,"paniguro ni Bossing Vic.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PIA OUT, CARLENE IN. Ipinaliwanag din niVic kung bakit hindi nakasama si Pia sa film version ng Iskul Bukol.

"Marami nga angnag-e-expect na makasama si Pia sa movie na ito. Pero wala naman kasingmalaking role for her. Most of the actors in the movie ay from the originalsitcom. Kung isasama namin si Pia, sana yung magandang role naman. Pero sincewala naman talaga, okey lang na wala siya. Sa next project na lang," saad ngkomedyante.

Kaya ba isangchinita sa katauhan ni Carlene Aguilar ang kinuha ni Vic para maging kaparehaniya sa movie?

"Wala namangromantic angle dito sa Iskul Bukol, e," paglilinaw niya. "It's more on Tito,Vic, and Joey ito. Si Carlene, she plays my student kasi archeologist na siVittorio Ungasis [Vic's character]. Magkakaroon ng konting crush sa akin siCarlene, pero wala namang anything romantic. Kaya walang dapat ipangamba siPia!" tawa ni Vic.

Itinanggi rin ni Vicna nagbabantay sa set ng kanyang shooting si Pia.

"Hindi naman siyagano'n, e. Bakit pa siya magbabantay, e, every day magkasama kami sa EatBulaga!, tapos may taping pa kami ng Ful Haus. And Pia is very busy because shehas 24 Oras every weeknights, tapos may Showbiz Central siya on Sundays. Yungibabantay niya sa shooting, e, ipahinga na lang niya, di ba?"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN