Comedienne Kitkat accuses boyfriend of stealing more than P250,000 in cash and items

IMAGE 0


"Alam niya na pinaghirapan ko ‘yan, paano pag nagkasakitako? Wala na akong huhugutan. Ibalik na lang niya, hindi ko na siyaipapahuli. Kakalimutan ko siya, kakalimutan ko anuman ang koneksiyon ko sakanya. Kakalimutan ko kahit ang pangalan niya, ibalik lang niya lahat ngpinaghirapan ko na kinuha niya," says Kitkat about her boyfriend who allegedly stole from her.



Humarap sa telebisyon ngayong linggong ito ang comediennena si Kitkat. Maramdaming inilahad niya ang panloloko at pagnanakawdiumano sa kanya ng non-showbiz boyfriend niyang si Alfred Lumanlad.

Ayon kay Kitkat, mahigit P250,000 ang halaga ng tinangay ni Lumanlad, hindi pa kasama rito ang ilang tseke at mga alahas na harap-harapan dawna ninakaw sa kanya nang magkaroon sila ng kumprontasyon noong November 11, Martesng madaling-araw.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kayKitkat, sinabi niyang hindi niya ipakukulong ang boyfriend basta ibalik langnito ang lahat ng ninakaw sa kanya.

"Alam niya na pinaghirapan ko ‘yan, paano pag nagkasakitako? Wala na akong huhugutan. Ibalik na lang niya, hindi ko na siyaipapahuli. Kakalimutan ko siya, kakalimutan ko anuman ang koneksiyon ko sakanya. Kakalimutan ko kahit ang pangalan niya, ibalik lang niya lahat ngpinaghirapan ko na kinuha niya," saad ng komedyana.

Ayon kay Kitkat, noong Hunyo ng taong kasalukuyan niyanalaman na nagka-casino pala si Alfred. Pero ang unti-unting pagkawala ng mga gamitnito ay nagsimula raw nitong September lamang.

"Unti-unti nawawalan siya ng gamit. Nung una, yung kuwintasat bracelet na bigay ko sa kanya. Nung tinanong ko siya, nasa ospital daw yungnanay. Sa akin, okey lang yun. Nung sumunod na week, naholdap daw siya, kasama yung cellphone.

"Sabi ko sa kanya, bakit di ako kinakabahan, 'saka bakit umagana siya dumating. Ang rason sa akin, kasi daw interview-interview, blotter...Tapos nakita ko yung SIM sa pantalon niya, nahuli raw yung holdaper at gagawingebidensiya yung cellphone. Tapos wala na rin yung kotse niya,ipinapa-overhaul niya raw kasi sira. Nandiyang nawala rin yung laptop niya.

"Actually last June, nalaman ko na nagka-casino siya. Umaga siyanun umuwi. Ang sabi niya, may meeting daw siya sa Caloocan, e, na-tracker ko sacellphone na nasa Manila siya at nagka-casino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Inamin niya sa akin yun, pero nangako siya na hindi na rawniya uulitin. E, sa akin naman, pera naman niya yun. Ang point ko langnun, magpaalam siya kasi nagmumukha akong tanga na nagwo-worry ako kung nasaansiya," mahabang salaysay ni Kitkat.

THE CONFIRMATION. Dahil sa sunud-sunod na pagkawala ng mga gamit ni Alfred at nadadalas naargumento nila, every week daw ay naghahamon ng breakup si Kitkat sa boyfriend.

"Every week nagkakaproblema kami kaya sabi ko, ‘Bakit hindina ako naniniwala sa kanya? Parang wala na akong tiwala, itutuloy pa ba namin?'Halos every week ay nakikipag-break ako sa kanya."

Isang tawag mula sa BPI (Bank of the Philippine Islands] nanagpapaalala ng kanyang mga bayarin ang nagbigay ng kumpirmasyon kay Kitkat samga ginagawa ng boyfriend.

Kuwento niya, "Tumawag sa akin ang BPI, yung credit cards koraw three months nang hindi nababayaran kasi sa kanya ko ipinagkakatiwalayun. Ang sabi niya sa akin, ‘Hindi lang updated ang mga ‘yan!' YungP130,000, pambayad yun ng Healthcard ko, insurance, pang-tuition fee ng kapatidko 'saka iba pang credit cards. Walang nabayaran dun kahit isa.

"Kinausap ko siya tungkol dito. Sabi ko, inaaway ko ang BPIdahil on time ako magbayad at cash pa. Nadudulas na, tapos umamin na nagamit niya raw para sa kapatid niya kasi nakasagasa, nakapatay ng six yearsold, lasing at walang lisensiya, nagta-tricycle, at binigyan daw nila ng P60,000. Babayarandaw niya lahat-lahat.

"Tapos tiningan ko yung passbook ko, ang huling pumasok nasuweldo ko, first week ng August. Tinanong ko rin siya about this, hindi rawniya naa-update dahil hindi niya dinadala yung passbook pag nagde-depositsiya."

Lumabas daw ang katotohanan last November 11 sa condo unitni Kitkat, kung saan harap-harapan na siyang ninakawan ni Alfred nang umalisito ng tinutuluyan nila after their confrontation.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento ni Kitkat, "Last November 11, 12:30 ng madaling-arawna akong umuwi. Akala ko wala pa siya kasi nagte-text ako at hindi siyasumasagot. Pero pag-uwi ko, nandun pala siya.

"Tinanong ko siya kung bakit hindi siya sumasagot sa mgatexts ko. Ang sagot sa akin, nawala daw yung cell na bigay ko sa kanya, ano rawang magagawa niya. Dito, umiyak na ako pero pinigil kong tumalak, mashindi siya aamin. Tinanong ko siya kung ano ang problema niya, tutulungan kosiya. Na kung anuman ang mangyari sa pera ko, okey lang yun, basta sabihinniya lang sa akin ang totoo.

"Dito, inamin na niya sa akin ang totoo. Hindi niya raw kasialam kung paano niya hahabulin yung mga nakuha niya sa aking pera dahil nagamitniya sa casino. So kahit P1,500 daw, isinanla niya yung cell ko. Itataya niyadahil baka sakaling madoble at mabawi raw niya yung nakuha niya sa akin.

"Sabi ko, baka namanpati yung Japanese yen ko na P120,000, kinuha na niya. E, angtagal-tagal kong tinago yun. Nung tiningnan ko sa cabinet, wala na. Hindiumamin, baka raw yung PA [personal assistant] ko ang kumuha. Iyak na ako nang iyak. Then, umaminsiya na nagamit niya rin daw, ibebenta niya raw yung kotse niya bukas atbabayaran ako."

EVEN HER LOLA'S MEDICINES. Ang higit daw na ikinagalit ni Kitkat ay nang malaman niyana pati pala ang pambili ng gamot ng lola niya ay kinuha rin daw ni Alfred.

"Nagalit ako dun sa sinabi niya na pati yung tsekengibinibigay ng mga ine-endorse ko para sa gamot ni Lola ay nagamitniya. Naospital kasi ang lola ko. Yung gamot niya, lagi na yung bibilhin,walong klase yun ng gamot. Dito na ako nagalit talaga nang husto. Tumalak naako, sinampal ko na siya, hindi sumasagot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Habang umiiyak at nagsasalita ako, kumuha siya ng isangbag, naglagay ng ilang damit tapos kumuha ng alahas ko. Pinigil ko sa damit,nakiusap ako na huwag niyang kuhanin ang mga alahas ko kasi wala na akongibabayad kung kukunin niya ang mga yun. Ang sabi sa akin, panimula raw niyayun, tapos tinulak ako at tumakbo na. Sinigawan ko yung guard na pigilankasi ninakawan ako, kinuha ang pera ko. Pero hindi ako naintindihan kasi nasataas ako. Ang akala raw, away mag-boyfriend lang."



NOWEHERE TO BE FOUND.
Nalaman din ni Kitkat na natanggal na rin pala sa trabaho si Alfred dahilnakadispalko raw ito ng malaking halaga sa opisinang pinagtatrabahuhan nito.

"Bale sales representative siya ng heavy equipments,Singapore-based. Nakadispalko raw ng two million," saad ni Kitkat.

Sinubukan daw ni Kitkat na tawagan ang mga kaibigan ni Alfred, pero walangmakapagturo kung nasaan ito. Putol na rin daw ang linya ng telepono ni Alfredsa Pamapanga.

Mahal pa ba niya si Alfred?

"Napalitan na ng galit, sana man lang naisip na lang niyayung Lola ko," sagot ni Kitkat. "Matanda na yun, wala na akong paghuhugutan.Paano pag naubos ang gamot niya? Hindi ko alam kung saan ako kukuha.

"Although marami namang kaibigan from showbiz andnon-showbiz na nagtatanong kung kailangan ko raw ng tulong, sinabi ko pagkailangan ko, pag di ko na kaya, saka ako lalapit. To be honest, hindi kona alam kung saan ako huhugot. Ninakawan na ako, ang dami ko pang utang,"aniya.

Napatunayan ni Kitkat na sa panahong gipit na gipit ang isang tao ay angpamilya pa rin ang tatakbuhan niya.

"Gulung-gulo pa ako, pero nakapagpa-blotter na ako," saadniya. "Sa sobrang shocked at takot ko na balikan ako at kunin pa uli o saktanako, naglipat muna ako. Umuwi ako sa bahay namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Natuwa naman ako kasi hindi naman sila masyadong nagtanongsa nangyari, hindi nila ako hinusgahan at sinisi na ‘Ang tanga-tanga mo!' Dunko naisip, pamilya ko sila. Kahit nag-aaway kami lagi ng nanay ko, sila parin ang matatakbuhan ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN