Joey de Leon wants Pokwang to be his leading lady

IMAGE 0


"May istorya na nga ako para sa kanya, e. Isinulat ko naito, pero pabiro. Sinulat ko ito noong kainitan na nagkatampuhan dahil saaswang issue. Ito ay istorya ng... Si Pokwang, mami-meet niya yung kanyang tunayna ina. Tapos may nagpakilala, ‘Powang, ina mo.' Hindi nga, totoo! Kasi nga siAi-Ai, ano ba yung mga pelikula ni Ai Ai... Tanging Ina. Bakit yung Powang InaMo, hindi n'yo papayagan? Napaka-unfair n'yo na



Kahapon, November 16, ipinalabas sa The Buzz angmagkahiwalay na interview kina Joey de Leon at Pokwang tungkol sa posiblengmaganap na pagsasama nilang dalawa sa isang proyekto. Matatandaang sumama angloob ni Pokwang nang tawagin siyang "aswang" ni Joey.

Na-interview ng The Buzz si Joey sa shooting ng IskulBukol...After 25 Years, na official entry sa 2008 Metro Manila Film Festival. Sanasabing interview ay nasabi ni Joey na gusto niyang gumawa ng experimentalmovie na siya ang writer, director, at lead actor. Isa raw sa gusto niyangmaging leading lady ang nagtampo sa kanya noon na si Pokwang.

"Gusto kong leading lady, kunwari sina Ai-Ai [delas Alas],sila... Si Patani [Daño, Survivor Philippines castoff]. Pati si Pokwang, binanggitko. Sabi ko, yun ang gusto kong movie," ani Joey.

"Pero matindi yung istorya. Swak sa kanila, e. Naisip kolang yun. Sabi ko, yung hindi magaganda. Dahil totoong buhay yung gagawin ko,e. Hindi ko sinabing pangit sila... Ibig kong sabihin, yung mga komedyante."

Sinabi pa ni Joey na may script na rin siyang ginawa parakay Pokwang.

"May istorya na nga ako para sa kanya, e. Isinulat ko naito, pero pabiro. Sinulat ko ito noong kainitan na nagkatampuhan dahil saaswang issue. Ito ay istorya ng... Si Pokwang, mami-meet niya yung kanyang tunayna ina. Tapos may nagpakilala, ‘Pokwang, ina mo.'

"Hindi nga, totoo! Kasi nga siAi-Ai, ano ba yung mga pelikula ni Ai-Ai... Tanging Ina. Bakit yung Pokwang InaMo, hindi n'yo papayagan? Napaka-unfair n'yo naman!" paliwanag ni Joey.

Na-interview rin ng The Buzz si Pkowang. Ito naman ang nagingsagot niya: "Natural lang ‘yon, 'Pokwang, ina mo', e nanay ko yun. Natural langyun, di ba? Alam n'yo pagdating sa trabaho, hindi ako namimili ng makakasamako. As long as makakapagpasaya tayo ng mga manonood, why not, di ba?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Para naman kay Joey, ito ang sinabi niya: "Yes, sir,hinihintay ko na makatrabaho kayo ng bonggang-bongga, di ba? Para may pandagdagako sa monthly amortization."

Tinanong din ng The Buzz kay Pokwang kung nakalimutan na baniya ang tungkol sa "aswang" issue na pinagmulan ng away nila ni Joey.

"Actually, ako, talagang wala na. Wala na sa akin yun,ang importante, well blessed ako ngayon. At saka marami akong trabaho. Maramingnagmamahal sa akin. Basta ako, ang iniisip ko ngayon pagka may tumitira saakin, ang importante mahal ako ng Diyos," saad ni Pokwang.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN