Dingdong Dantes and Marian Rivera reveal personal trivia about each other

IMAGE 0


"Simula nang mag-umpisa ako sa showbiz,nag-partner kami sa Marimar, palagi siyang nandiyan para sa akin. At si Dong,kung kaya niyang ibigay ang dalawa niyang kamay at kung kailangan pati dalawangpaa niya, gagawin niya yun para saakin," says Marian Rivera about screen partner Dingdong Dantes.



Back-to-back at pagkatapos ay sabay na ininterbyung Showbiz Central sina Marian Rivera at Dingdong Dantes kahapon, November 16.Ito ay kaugnay ng promotion nila ng kanilang first movie together, One TrueLove, na magbubukas na sa November 19 at magkakaroon ng premiere night saCinemas 9 & 10 ng SM Megamall bukas, November 18.

Napuno ng fans nina Marian at Dingdong ang Studio 6. Dinigna dinig din ang kanilang hiyawan sa tuwing may sinabing maganda ang kanilangmga idolo.

Unang isinalang at solong ininterbyu ni Raymond Gutierrez siMarian. Kinumusta muna ni Raymond si Marian pagkatapos ng naglalabasang intriganitong mga nakaraang linggo.

"Okey ako at masaya ako," mabilis at nakangiting sagot niMarian.

In your position in the industry right now, naaapektuhan kapa rin ba ng mga intriga, mga tsismis?

"Hindi ko naman sinasabi na hindi ako naaapektuhan," sagotni Marian. "Pero sabihin na lang natin na kaya kong i-handle kung anumang meronako ngayon at kung anuman ang nangyayari sa buhay ko ngayon."

You can handle it. Tulad nga ng sinabi mo, you were bornpalaban, di ba?

"Naman!" natatawang sabi ni Marian, sabay taas ng kanyangkamay.

Naapektuhan ba ang work mo? Sabi mo nga, kapag may mgaproblema, intriga, paano mo dinadala sa work yun?

"Hindi ko siya dinadala sa trabaho," sagot niya. "Kasi,kung iisipin ko yung mga negative na nangyayari sa akin, walang mangyayari, e.Isipin ko na lang, maraming nagmamahal sa akin, di ba? At saka maramingnagtitiwala sa akin, kasi napakadami kong commercials na gagawin pa atsunud-sunod yung mga trabahong gagawin ko.

"Nagsu-shooting ako ng Desperadas, Shake, Rattle & Roll,tapos kakatapos ko lang gawin ang One True Love. Tapos by December, yung soapnamin ni Dong. So, ano pa ba ang mahihiling ko? Lalo na nandito ang mga taongnagmamahal sa akin. Wala na."

Tinanong din ni Raymond ang naririnig niyang ipinapatayo rawni Marian na 12-unit apartment sa Cavite. Ito ba ay for the future orpag-settle down?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ay, hindi, kasi naisip ko din naman na kailangan kongi-invest ang perang kinikita ko dito sa showbiz. At isa yun sa mga naisip kodahil yun ang payo sa akin ng mama ko. Kasi mama ko, marami rin siyangapartment. Sinabi niya, ‘Anak, magpagawa ka ng apartment, investment.' So,ginawa ko siya," sabi ni Marian.

Is this for business or para sa pamilya?

"Para sa akin lang, yun ang totoo. Para sa akin lang," saadng dalaga.

After makausap ni Marian ang daddy niya sa Let's Celebrateshow nila ni Dingdong sa Araneta Coliseum, matutuloy na ba ang plano ng aktres na dalawin ang ama sa Spain at doon mag-Pasko?

"Masaya ako kasi every day kaming magkausap, magka-text.Kahit hindi kami magkaintindihan, nag-uusap pa rin kaming dalawa! Kahit na, ‘O,Papa, adios, adios. Te quiero...' So, ganun lang. Pero mas naging maganda, masnaging maayos ang relasyon naming mag-ama."

He speaks Spanish?

"Halo-halo... Spanish, Tagalog, English. Ganoon kami."

Nakakaintindi rin siya ng Tagalog?

"Oo, marunong," sabi ni Marian.

Raymond asked Marian to greet her father. Game naman itongginawa ni Marian in Spanish.

Sa gitna ng mga intriga ngayon kay Marian, saan siyakumukuha ng lakas para sagutin ang lahat ng mga intriga sa kanya?

"To be honest, bago ako pumasok ng showbiz at kahit na nangmag-showbiz na ako at kahit wala ako, isa lang ang tinatakbuhan ko—si Lord.Kasi alam ko na nandiyan lang Siya palagi para sa akin. Never Niya akongpinabayaan simula nang umentra ako sa showbiz. Hanggang sa ipinagdasal ko angMarimar, ipinagdasal ko ang Dyesebel, lahat ‘yan ibinigay sa akin ni Lord atalam ko na hindi Niya ibibigay sa akin kung hindi ko kaya," pahayag ni Marian.

Since madalas niyang nakakasama ngayon si Dingdong, paanosiya tinutulungan ng kapareha sa mga intrigang pinagdaraanan niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Si Dong," ani Marian, "simula nang mag-umpisa ko sa showbiz,nag-partner kami sa Marimar, palagi siyang nandiyan para sa akin. At si Dong,kung kaya niyang ibigay ang dalawa niyang kamay at kung kailangan pati dalawangpaa niya, gagawin niya yun para saakin."

Si Marian naman, sa recent intrigues na pinagdadaanan niDingdong, how does she show her support para sa isang kaibigan?

"Tulad ng sinabi ko, hindi ko na kailangan magsalita sakanya na nandito ako. Alam na niya sa puso at isipan niya na nandito ako parasa kanya."

Ayon kay Raymond, ang susunod na aabangan kay Marian ay angsexy pictorial nito.

"Totoo yun, totoo," pagkumpirma ni Marian. "Sa January yatalalabas, ito yung calendar ko ng Ginebra."

DINGDONG'S TURN. Pagkatapos ng solo interview ni Marian, si Dingdong namanang sumunod na naupo sa hot seat ng Showbiz Central. This time, si Pia Guanionaman ang nag-interview kay Dingdong.

Tulad ni Marian, ang naging unang tanong ni Pia kay Dingdongay kung kumusta na ito ngayon pagkatapos na maging laman halos ng mga balitafor the past few weeks.

"Well, nag-sink in na lahat," sabi ng aktor. "Noong time nanangyayari kasi ang lahat ng ito, busy kami sa pagsu-shoot. Pero ngayon nadumating na lahat at nag-settle down na lahat, siyempre you cannot changethings overnight, and it will take a while."

But is he okay?

"I will be okay..." maikling sagot ni Dingdong.

Sa lahat ng ito, mas lalo bang naging matibay angpartnership at friendship nilang dalawa ni Marian?

"Oo, dahil isang crucial stage ‘to sa pagsasama namin. Muchmore itong parating na pelikula, e, napakaimportante sa amin. Plus the fact nawe know, later on, maghihiwalay rin kami as partners. Pero itong nangyaringito, nakita at naramdaman ko talaga yung suporta namin sa isa't isa and how wehelp each other through words."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ba sila naging uncomfortable, in any particular time, dahil sa mga lumabas na intriga?

"Uncomfortable sa aming dalawa?" tanong ni Dingdong. "Hindi,kasi we're always professional especially when it comes to our craft. Kayaimportante para sa amin na i-set aside kung anuman ang mga personal nanangyayari. Kaya we always have to stick to our objective, which is to work andto make a nice movie for the people who brought us to this position."

Sabi ni Marian, she's always there for you. Is he the samewith her?

"Since day one, yeah, always," sagot ng aktor.

When they say that to each other, what does he exactly mean?

"Nakita ko kung paano siya nagsimula, I was there. Saksi akodahil ako ang naging partner niya sa isang malaking turning point sa buhayniya. I also want to feel responsible dahil, siyempre, gusto ko na maibahagi sakanya ang konting kaalaman ko on how to make things right in this industry. So,gusto ko, nandoon ako palagi sa likod niya para i-guide siya at suportahan,"paliwanag ni Dingdong.

Ano yung best thing working with Marian?

"Palaging may bago sa kanya," sabi ni Dingdong. "In everyproject, meron siyang bago inside na ipinapakita niya that makes the projecteven more exciting. Like sa mga future projects namin, ano kaya ang bagongipapakita ni Marian? Yun ang parati kong inaabangan."

Recently, Dingdong was voted one of the 25 Sexiest Men inthe World by E! This started when he made a daring move by showing some skin. Whatis his next move?

Aniya, "I really want to make movies at yun talaga ang isasa priority ko. And this year, ito talaga, ang movie na ito is the one that Ireally waited for. I'm happy that it was given to me, and I'm very happy that Idid it with Marian and Iza Calzado, the people who are dear to me."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May gusto ba siyang sabihin sa mga sumusuporta sa kanya?

"Maraming salamat... Like what I said kanina, kayo angnaglagay sa amin sa posisyon namin dito. Gusto lang namin ibalik sa lahat kungano ang nararapat para sa inyo. And to all my supporters who stood by me allthese times, I really want to thank you from the bottom of my heart. Sa mgaendorsements ko na nandiyan pa rin hanggang ngayon, thanks for believing in me.Marami pong salamat sa inyong lahat," pahayag ni Dingdong.

MARIAN & DINGDONG TOGETHER. Sa next gap ay magkasama na sina Marian at Dingdong naini-interview ni Pia.

Ginawan ng gimmick ng Showbiz Central sina Dingdong atMarian na kailangang ibuko or sagutin nila kung ano ang nalalaman nila tungkol sa isa'tisa.

Ang unang tanong ay para kay Dingdong. Since palagi rawniyang tinatawagan si Marian kahit hindi sila magkasama, ano kaya sa tinginniya ang nakakapagpa-blush kay Marian na sinasabi niya?

"Siyempre, hindi ko nakikita kung nagba-blush siya dahilnasa kabilang linya siya," sabi ni Dingdong. "Pero naririnig ko yun, e... Alam moyung boses kapag ngumingiti? Alam mo yung kahit hindi mo nakikita, alam mo nangumingiti siya."

Humirit si Marian kay Dingdong ng, "Ano nga yun?"

"Talaga? Sasabihin ko?" sabi naman ng aktor. Biglang bawi siMarian at akbay kay Dingdong na huwag na lang daw.

"Mga simple, like, ‘You look good today,'" patuloy niDingdong. "Ano ‘yan, e, siyempre, partner kami. We want to compliment eachother pagdating sa mga ganyan. Siyempre yung level of confidence, gusto kongmakadagdag din ako sa kanya. Para at least, mas maganda lahat ng gagawin namin.At saka, kahit mga simpleng words lang ang sabihin mo kay Marian, sheappreciates every little thing, every small thing that comes her way."

Tinanong ni Pia si Marian kung totoo ba na kapag sinabihansiya ni Dingdong na "You look good today" ay nagba-blush siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Oo!" pag-amin ni Marian. "Kasi, mababaw na tao lang ako.Sabihin lang niyang, ‘Hi!' okey na! Joke lang! Kayo talaga!" biro niya saaudience.

Dagdag niya, "Si Dingdong, mahilig siyang... Yung, ‘Ay, angganda niyan. Maganda makeup mo.' Mahilig siyang mag-ganoon."

Hirit naman ni Dong: "Makeup artist kasi ako!"

"Bakla kasi siya, e!" natatawang biro naman ni Marian.

Napahampas ang isang kamay ni Marian kay Dingdong sa tanongkung ano ang pinaka na-appreciate ng kapareha sa mga ibinigay niya rito.

"Shorts!" sabi ni Marian.

Pia asked, "Bakit naman shorts?"

Paliwanag ni Dingdong, "Hindi kasi ako nagso-shorts masyado.So, siguro, gusto niyang mang-asar..."

Ano ‘to, shorts na underwear or shorts na panlabas?

"Shorts! Short shorts!" natatawang sabi ni Dingdong.

Ayon naman kay Marian, "Mahilig kasi akong mang-asar, e.Nakita ko yung shorts na may mga cartoon-cartoon pa, may mga flowers. So yun,binili ko yun, inasar ko lang siya!"

Biro pa ni Marian, favorite nga raw ni Dingdong yung shortsna ibinigay niya.

"Oo, kasi talagang pinaghirapan niyang hanapin at sakachallenge sa kanya yun!" natatawa namang sabi ni Dingdong.

Hindi mapigil ang pagtawa ng dalawa dahil sa pambubukoni Marian. Ayon kay Dingdong, nasubukan na niyang isuot yung shorts, pero hindiraw niya isusuot sa labas dahil hindi raw magandang tingnan.

Tinanong naman ni Pia si Dingdong kung ano sa palagay niyaang special talent ni Marian na wala pang nakakaalam.

"Wala talagang nakakaalam..." umpisa niya. "Siguro kung meronman, yung mga kaklase niya dati. Kahit sa set, wala rin masyadong... Ah, si Buboy[child actor Robert Villar, their co-star in Dyesebel]! Alam ni Buboy ‘to kasika-tandem niya yun sa ginagawa niya. Pero ‘eto, magaling si Marian namag-beatbox [vocal percussion na kadalasang ginagawa sa hip-hop songs]."

Dahil sa sinabing yun ni Dingdong, sumigaw ang audience namag-sample daw si Marian. Kahit halatang nahihiya, nagpaunlak naman si Marianat dalawang beses pa. Sa ikalawang beses ay tumayo na si Marian nangmag-beatbox kahit na nagbiro itong nahihiya na raw siya at baka matalo pa niyaang mga rapper.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nag-dare naman si Marian kay Dingdong na dahil binuko siyanito, dapat ay sabayan siya ng sayaw ni Dingdong na pinagbigyan din ng huli.Kaya mas sumaya pa ang mga fans sa audience ng Showbiz Central.

Ayon kay Pia, "Very good! I won't be surprised kung ito naang maging next project mo, Marian."

Hirit naman ni Dong, "Kumakanta na nga ngayon, e." Sa bagokasing dance album ni Marian sa Universal Records ay siya na mismo ang kumantasa ibang tracks dito.

Si Marian naman ang tinanong ni Pia kung ano ang naughtyside ni Dingdong.

"Ang dami!" malakasna tawa ni Marian.

Pero nagbigay ng warning si Pia na yung puwede lang daw saTV.

Sabi ni Marian, "Di ba, dati nagsasayaw siya [Dingdong]?Tapos parang natigil at ngayon bumalik? Doon sa movie namin, talagang napabilibniya ako sa mga sayaw niyang naughty..."

Nang hingan din ng sample si Dingdong, umapela ang binata naginawa na raw niya ito nang mag-beatbox si Marian.

"Hindi ah!" sagot ni Marian. "Ipakita mo sa akin, ipakita mosa kanila yung mga itinuro kong steps sa ‘yo. Sige na!"

Ginawa naman ito ni Dingdong, pero hindi masyadong nasiyahansi Marian sa ginawa niya.

Pagkatapos nito ay tinanong ni Pia sina Marian at Dingdongtungkol sa intimate kissing scenes nila sa mga proyekto nila. Siyempre pa,humingi rin ng sample ang kanilang fans mula sa dalawa.

"Sobra na ‘yun ha!" reklamo ni Marian na natatawa. "Kayo ha,sumosobra na kayo, puro sample ang gusto n'yo ha!"

Sagot naman ni Dingdong, "Importante yung rapport with theco-actors and, of course, with our director, sa tiwala namin sa kanya. Kayaganoon ang lumalabas because of our trust with each other."

Ano naman ang naramdaman ni Marian sa halik ni Dingdong?

"Yun nga ang sinasabi ko, hindi naman sa lahat ng soapnamin, palaging may kiss na ganoon. Siyempre, depende rin naman ‘yan sakuwento, sa director, kung ano ang gusto.Siyempre, may ginagawa kami na sinasabi rin naman sa amin na, ‘Gusto koganito, hawakan mo ang buhok niya.' Siyempre, may ginagawa kami na kailangandin naman, respetuhin namin ang sinasabi sa amin ng director at sundin namin yun,"paliwanag ni Marian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

And how many takes was that?

"Actually, parang dalawa lang. Kasi yung isa, reverse shot niya tapos sa akin.Tapos, tapos na," sabi ni Marian.

Pagkatapos nito ay nag-promote na ang dalawa ang One True Love, kung saan kasama rin nila si Iza Calzado.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN