Judy Ann Santos hires U.S. firm to lobby for "Ploning" at the Oscars

IMAGE 0


"Nang gawin namin ang Ploning, akala namin ay gagawa langkami ng isang pelikulang naiiba at magugustuhan ng mga fans ko. Hindi naminin-expect na magugustuhan ito nang mag-screen para sa foreign-filmcategory. Yun lang sinabihan kami na isa ito sa napili sa said category, isanang malaking achievement ‘yon para sa movie. Kaya gumagawa kami ngayon ngparaan para nga makapag-lobby kami na maiboto ang Ploning,&q



Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si JudyAnn Santos sa launching ng Juday's Baby Line and Judy Ann Collection, inpartnership with Scents & Blends. Ito ay ginanap kaninang tanghali, November 17, sa SecretCafe ni Fanny Serrano sa Scout Rallos, Quezon City.

Hindi ba nami-miss ni Juday ang Metro Manila Film Festival this year dahil wala siyang entry? Pagkatapos kasi ng magkasunod na taon nanumber one sa box-office ang kanilang mga pelikula ni Ryan Agoncillo sa StarCinema—Kasal, Kasali, Kasalo (2006) at ang sequel nitong Sakal, Sakali, Saklolo(2007)—ay hindi mapapanood this year si Juday.

"Nagku-concentrate ako sa filmfest, ‘yon nga lang, saOscars!" napahalakhak na wika ni Juday. "Inspired kami [she and best friend director Dante Garcia] namagtrabaho ngayon para makalikom kami ng five million pesos, na kailangan naminsa pagla-lobby for Ploning sa Oscars sa February 2009.

"Nang gawin namin ang Ploning," kuwento niya, "akala namin ay gagawa langkami ng isang pelikulang naiiba at magugustuhan ng mga fans ko. Hindi naminin-expect na magugustuhan ito nang mag-screen para sa foreign-filmcategory. Yun lang sinabihan kami na isa ito sa napili sa said category, isanang malaking achievement ‘yon para sa movie. Kaya gumagawa kami ngayon ngparaan para nga makapag-lobby kami na maiboto ang Ploning."

Kumuha ba sila ng PR firm para mag-handle ng promotions ngPloning?

"Yes po," sabi ni Juday. "Kaya nga medyo nadagdagan angbudget namin dahil mahal din po ang PR firm doon sa States. Pero okay langdahil kailangang may mag-asikaso talaga doon. Mamaya may meeting ako, at doonko malalaman kung aling PR firm ang nakuha namin."

Lumabas na rito sa PEP ang sinabi ni Ogie Alcasid nanag-imbita sila ng kasintahan niyang si Regine Velasquez ng mga kaibigan nilana puwedeng tumulong para makapag-raise ng funds si Juday. In cash and kind anghiningi nilang donations sa mga invited guests.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Magkatulong pa ngang nagluto last Thursday, November 13,sina Regine at Juday ng dinner para sa invited guests nila. Marami bangdumating?

"Marami po, and we're very thankful," sambit niJuday. "Marami po kaming naipon na cash and goods na dala nina Jolina[Magdangal], Dingdong [Dantes], Gabby [Eigenmann], at iba pa namingfriends. Naka-two balikbayan boxes dinkami at may mga collections pa kaming kukunin sa ibang friends namin."

Paano nila gagawing cash ang mga donated goods sa kanila?

"Magkakaroon po kami ng auction sa Friday [November 28]sa Plaza Ibarra in Timog, Quezon City. Ang second auction ay sa Wednesday[December 3], sa Rockwell Tent in Makati City. Aalis po ako ng December 8 and Iwill stay in Los Angeles up to December 15 para tumulong kay Direk Ga sakampanya para sa Ploning," lahad niya.

RYAN'S ARGENTINIAN CO-HOST. Sa sobrang busy ngayon ni Juday, hindi raw siya nagkakaroonng time na mapanood si Ryan sa Pinoy Fear Factor ng ABS-CBN. Pero marami rawnagsasabi sa kanya na mahusay ang boyfriend sa paghu-host. Biniro tuloy siya nahindi pala niya nakita si Valeria, ang South American model na co-host daw niRyan sa reality show.

"Alam ko ‘yon," sabi ni Juday. "Naitanong ko kay Ryankung maganda ba siya, sabi niya, hindi raw maganda. So, okey lang sa akin ‘yon.May tiwala ako kay Ryan."

May nang-intrigang press kay Juday kung totoo nga bangpumasok si Valeria sa room ni Ryan sa Argentina.

"Ha? Hindi ko alam ‘yon, walang sinabi si Ryan! Hayaann'yo, itatanong ko sa kanya!" natatawa niyang sabi.

Kailan matutuloy ang team-up nila ni Ryan sa RegalEntertainment?

"May sinabi na po kaming concept ni Ryan kay MotherLily [Monteverde]. Light comedy, pero mas may puso. Sabi po ni Mother Lily,pag-aaralan nila ‘yong concept at kung maaayos, baka po ‘yon ang susunod namingmovie together."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi na rin ipinagkaila ni Judy Ann na kahit papaanoinihahanda na rin nila ni Ryan ang kanilang pagpapakasal. Wala pa nga lamangexact date and venue.

"Pinag-uusapan na rin namin kung ilan angiimbitahin namin, kung sinu-sino ang sponsors, pero wala pa rin pong exactdetails!" natatawang sabi ni Juday.

JUDAY IN MMK. Sa ngayon, naghahanda si Juday para sa four episodes niya saMaalaala Mo Kaya, na ipalalabas sa buong buwan ng Disyembre. Magsisilbi itong Christmaspresentation ng longest-running drama anthology ng ABS-CBN.

"Matagal na rin po naman akong hindi nakakapag-guest saMMK kaya tinanggap ko ang offer. May napili na kaming mga letters atmagti-taping na kami," saad niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN