Alfred Vargas says non-showbiz girlfriend understands his team-up with LJ Reyes

IMAGE 0


"Alam niyang matagalna kaming wala ni LJ, that was a year ago pa. Ang maganda sa aming dalawa niLJ, talagang naayos namin yung paghihiwalay namin, kaya maganda yung sitwasyon.Everybody's happy kasi may maayos na closure," says Alfred Vargas about his non-showbiz girlfriend and actress LJ Reyes.


Isang taon pagkatapos ng breakup nina Alfred Vargas at LJ Reyes,naging madali na para sa kanila ang magkasama sa trabaho. Magkaparehasila sa Sine Novela ng GMA-7 na Una Kang Naging Akin, at wala namang tensiyon o anumang isyunglumalabas tungkol sa samahannina Alfred at LJ.

Hindi naman na itinatago ni LJ na masaya na siya sa piling ngkanyang non-showbiz boyfriend. Aminado rin si Alfred na mayroon na siyanggirlfriend ngayon na non-showbiz din.

Hindi ba naging issue sa bagong girlfriend ni Alfred angmuli nilang pagtatambal ni LJ sa isang proyekto?

"Hindi, walang ganun," sabi ni Alfred. "Alam niyang matagalna kaming wala ni LJ, that was a year ago pa. Ang maganda sa aming dalawa niLJ, talagang naayos namin yung paghihiwalay namin kaya maganda yung sitwasyon.Everybody's happy kasi may maayos na closure."

"Ako, I'm very happy for her. Magkatrabaho kami sa Una KangNaging Akin and we remain to be good friends. Natutuwa talaga ako na nagingganun ang case namin," saad ng aktor nang makausap siya ng PEP (PhilippineEntertainment Portal) sa fund-raising concert ng Philippine Movie Press Club(PMPC) noong November 14 sa Metro Bar.

Sinasabing kung hindi pagseselos, madalas ay kakulangan ng orasang nagiging issue pag hindi taga-showbiz ang karelasyon ng isang artista,lalo na kapag hindi na maintindihan ang sobrang hectic na schedule sa mga sunud-sunod na tapings at shootings.Aminado naman si Alfred na madalas ay nagiging issue ito sa kanila ngnon-showbiz girlfriend.

"Madalas nagiging issue ‘yan, kasi sa isang relationship,napakaimportante ng time. Pero kung talagang nagmamahalan at nagkakaintindihankayo, magagawan at magagawan ninyo ng paraan."

Naniniwala rin si Alfred na mapa-showbiz o non-showbiz manang karelasyon ng isang artista ay parehas at depende pa rin iyon sa tatakbuhinng pinasukan mong relayson.

"Parehas lang ‘yan, nasa inyo pa rin dalawa talaga kungpaano ninyo mapapa-work ang relationship ninyo. Gaya ng sinabi ko, angimportante you understand each other at may tiwala kayo sa isa't isa."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isa sa itinuturing na hunk ng showbiz, regular namapapanood sa Una Ka Naging Akin si Alfred. May pelikula rin siyang ginagawa withRufa Mae Quinto, ang Civil Status: Single, na mapapanood daw next year.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN