"Pinoy Idol" Gretchen Espina harbors no ill feeling towards GMA-7 about her minimal exposure

Nov 23, 2008
"Hindi naman po ako ipokritong tao, siyempre nasaktan din ako noong una. Pero alam ko naman po yung pinag-usapan namin ng GMA, so I trust them... . What GMA Artist Center is doing now... is honing me, new package, kapag inilabas na ako, talagang kabog, big talaga," says Pinoy Idol grand champion Gretchen Espina when asked if she has bad feelings towards GMA for her minimal TV exposure.

Excited ang first Pinoy Idol grand champion na si Gretchen Espina dahil makakasama niya si Ogie Alcasid at ang mga ka-batch niya at co-finalists sa Pinoy Idol sa isang big concert titled The Idol Experience: Ogie Sings With The Idols produced by The Underground Studio with GMA-7 and Q-11 na gaganapin sa December 20 at 21 sa Aliw Theater.

Tampok din sa concert na ito ang 2008 American Idol finalist na si Ramiele Malubay sa kanyang first Philippine homecoming concert, at ang fast-rising indie rock band na Menaya, headed by vocalist Brian Sombero, na producer din ng concert.

"Siyempre po excited na excited," sabi ni Gretchen sa PEP (Philippine Entertainment Portal) nang ma-interview siya during the presscon ng naturang concert na ginanap sa Dulcinea sa Tomas Morato Quezon City, noong Biyernes, November 21.

"This is my first big concert after winning Pinoy Idol. ‘Tapos topbilled pa ni Kuya Ogie at makakasama ko rin ang mga Idols. Kasama pa si Ramiele ng American Idol at ang Menaya."

Continue reading below ↓

Ano ang feeling na si Ogie na dati ay judge sa Pinoy Idol, ngayon ay kasama na niya sa isang concert?

"Kahit papaano nawala yung kaba. Kasi before every time na magmi-meet kami, tipong... ‘Nandiyan na siya. Ookrayin na naman kami to the max.' Yung ang feeling ko before kasi talagang highly respected ko si Kuya Ogie.

"He is one of the artists na na-prove talaga yung galing sa industry. He knows how to write songs. He knows how to sing. Yung mga kanta niya talagang tinatangkilik ng mga tao. So being with him in this concert is really a privilege and an honor para sa akin. And, syempre, para sa mga Idols na rin. Siyempre, Kuya Ogie yan, e. And para ikabit niya yung pangalan niya with the Idols, grateful talaga ako. Kumbaga malaki na yung pangalan niya compared to us na nagsisimula pa lang."

So, sa tingin ba niya ma-e-enjoy niya yung Idol experience na ito with Ogie?

Continue reading below ↓

"Oo naman. I'm looking forward sa mga rehearsals at sa mismong concert na."

Hindi ba naging problema yung billing sa concert na nauna ang pangalan ni Ramiele Malubay at mas malaki ang picture niya, considering na si Gretchen ay Idol champion at si Ramiele ay finalist or Top 9 lang sa American Idol?

"Hindi naman po. Kasi sa akin when it comes to performing, audience comes first, sila yung dapat priority. Hindi naman ako kailangang mag-demand na dapat mas malaki ang billing ko or picture ko. Basta ako proud ako na binuo ang concert na ito ng producer namin. And besides ang talagang top billing naman dito or bida sa concert is si Mr. Ogie Alcasid."

DEBUT ALBUM. Bukod sa nasabing concert, abala rin si Gretchen sa paggawa ng kanyang debut album.

"Ginagawa ko na po yung debut album ko under Sony-BMG. Full album po ito with 12 tracks. The concept of the album is different sa parang ire-revive mo from the oldies at bibigyan ng bagong taste. Basta kakaibang flavor yung ibibigay natin."

Continue reading below ↓

So, ilang kanta na ang natatapos niyang i-record? May mga original songs bang kasama?

"Mga dalawa pa lang po yung natapos ko i-record. We're pushing na sana po ay magkaroon ng original. I've already written some."

Excited ba siya sa album niya?

"Yeah, I'm so excited. Hindi nga lang matututukan pa ng full attention, kasi ‘eto nga, merong concert, ‘tapos sa December marami na ring schedules sa work."

Yung final song ba sa Pinoy Idol na "To You" ay mapapasama sa album?

"I'm not sure pa. Sana makasama kasi yun ang talagang trademark ng mga Idols. Actually, we are still discussing pa. Kasi lumihis talaga yung style ko compared doon sa nakita n'yo at ng mga tao sa Pinoy Idol. For this album talagang nagbago yung style ko. Sana magustuhan ng mga tao."

NO BAD FEELING FOR GMA-7. Marami ang nagtatanong, kasama na ang mga press, kung bakit hindi siya masyadong napapanood sa TV at mas madalas pa nga raw na napapanood ay ang ibang finalists sa Pinoy Idol? Masama ba ang loob niya sa GMA-7 at hindi siya nabibigyan ng big exposure tulad ng ibang winners ng singing contests sa TV?

Continue reading below ↓

"Hindi naman po masama ang loob ko sa GMA. Sa akin naman kasi, we talked naman with GMA Artist Center . Siguro kung hindi nila ako kinausap masasaktan ako kasi parang pinaghirapan ko naman yung pagkapanalo ko sa Pinoy Idol, ‘tapos bakit hindi ganito, walang ganyan.

"Kasi what they want is kapag lumabas na talaga ako is kasabay na talaga ng album. Right now naman kasi I do guestings pa rin. Pero not that often. Mas nagko-concentrate kasi ako ngayon sa album ko. Ayoko kasing lumabas ito na hilaw."

Pero hindi ba siya nasasaktan o naiinggit sa iba niyang ka-batch sa Pinoy Idol sa tuwing napapanood niya ang mga ito sa TV na dapat ay siya ang nandun?

"Hindi naman po ako ipokritong tao, siyempre nasaktan din ako noong una. Pero alam ko naman po yung pinag-usapan namin ng GMA, so I trust them. At saka mga kapatid ko naman po yung mga Idols kaya masaya naman po ako sa success nila."

Continue reading below ↓

Ang concern lang naman kasi ng mga observers ay sana man lang ay ginawa siyang regular sa S.O.P. para at least every Sunday ay napapanood naman siya ng mga fans niya.

"Yung mga fans nga nagtatanong na. Ang masasabi ko lang po ngayon, abangan na lang po nila."

Hindi ba siya nababagalan sa career niya?

"Hindi naman. Sabi ko nga nag-usap na naman kami ng GMA. May mga plano naman po sila para sa akin. What GMA Artist Center is doing now... is honing me, new package, kapag inilabas na ako, talagang kabog, big talaga. Basta abangan na lang po nila. Hindi naman po ako pinapabayaan ng Artist Center ."

Nakuha na ba niya yung mga premyo niya sa Pinoy Idol which include P1 million, a car and a condominium unit?

"Hindi pa po. Yung car and money wala pa. Yung condo, we already met with Avida Towers. Kasi tinatayo pa lang siya, e. Located siya sa New Manila, ang lapit lang, kaya okey talaga. This December pa lang daw matatapos. So hopefully sa January makatira na ako sa condo ko."

Continue reading below ↓

Ano ang balak niyang gawin sa P1 million kapag nakuha na niya ito?

"Yung sa P1 million, gagawa ako ng sarili kong studio, para makapag-recording ako ng sarili ko. ‘Tapos, siyempre, may mga napangakuan na akong mga tao at saka charities na rin."

Mahilig sa mga hayop si Gretchen. May dalawa raw siyang alagang aso sa bahay niya, isang Shiatsu at isang Pug. Sa Biliran daw ay may pito pa silang mga aso. Member si Gretchen ng PAWS (Philippine Animal Welfare Society), kaya isa raw ito sa babahaginan niya ng tulong para sa rehab center ng mga hayop.

HOMECOMING CONCERTS. Nakauwi na ba siya sa Biliran after niyang manalo sa Pinoy Idol?

"Actually, ilang weeks lang after kong manalo, umuwi po kaagad ako ng Biliran. Nag-concert po ako doon. Siguro parang one week na nagkaroon ako ng shows at concerts doon, umikot ako. Ang ganda ng welcome nila sa akin. Talagang warm. I had a motorcade, and I wasn't expecting that. Actually, I scheduled concerts for different municipalities. I went there ‘tapos marami naman pong pumunta at nanood. ‘Tapos after one week bumalik na rin ako sa Manila ."

Continue reading below ↓

FINISHING STUDIES. Bukod daw sa concert at album ay abala din si Gretchen sa kanyang pag-aaral. Fourth year college na siya sa UP Diliman taking up European Languages major in Spanish, minor in Tourism. Hindi pa raw siya makaka-graduate sa March 2009 dahil may mga naiwan siyang subjects nang sumali nga siya sa Pinoy Idol. Possibly sa October daw siya magtapos.

"Medyo marami nga akong na-let go because of Pinoy Idol nga. Nag-stop nga ako for one semester. But now kino-continue ko pa rin. Hopefully makayanan ko yung sked ko. Pero sinisikap ko naman tapusin para 2009 pa rin ako mag-graduate, di ba?"

E, paano kapag naging busy siya at nag-full blast sa career niya?

"Basta hindi ko po puwedeng pabayaan ang studies ko. Iyan po ang ipinangako ko sa parents ko para mapayagan akong makapag-showbiz at ituloy ang singing career ko," huling sabi ni Gretchen sa PEP.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Hindi naman po ako ipokritong tao, siyempre nasaktan din ako noong una. Pero alam ko naman po yung pinag-usapan namin ng GMA, so I trust them... . What GMA Artist Center is doing now... is honing me, new package, kapag inilabas na ako, talagang kabog, big talaga," says Pinoy Idol grand champion Gretchen Espina when asked if she has bad feelings towards GMA for her minimal TV exposure.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results