John Lloyd Cruz realizes dream to star in movie with Vilma Santos

IMAGE 0


"Pangarap ko na makatrabaho si Ate Vi. Hindiko napanod lahat ng movies niya, pinaka-last na napanood kong buo ay yungDekada '70. Wala, napanganga lang ako. I was really honored. To be sitting next toher is more than a dream come true, kasi ito na yun, totoo nang nangyayari," says John Lloyd Cruz about working with the Star For All Seasons Vilma Santos.



Tuloy na tuloy na ang pagsasama sa pelikulang Box-Office King na si John Lloyd Cruz at ng Star For All Seasons na si VilmaSantos sa isang pelikula. Ito ay sa pamamagitan ng A Mother's Story (workingtitle) ng Star Cinema na ididirek ni Olivia Lamasan.

Inamin ni Vilma na ang schedule niya atposisyon bilang governor ng Batangas ang rason kung bakit hindi nasimulan agadang pelikula nila ni John Lloyd. Sa parte naman ni John Lloyd, sinabi niyang willingsiyang maghintay basta makasama niya lang sa isang proyekto ang Star For AllSeasons.

Ano ang pakiramdam ni John Lloyd namatutuloy na ang pelikula nila ni Vilma?

"Gaya nga ng sinasabi ko for the past months,sked-wise is very difficult. With the sked of Governor Vilma Santos, medyo maygap in between. Pero okey na ngayon. Siyempre, nandun yung constant na kaba,nerbiyos, and of course, may halong excitement. Palapit na nang palapit sa actualna paggawa. Above all, I'm very hapy na kasama ako dito, na yung pangalan ko,na-associate sa project na ito.

"Pangarap ko na makatrabaho si Ate Vi. Hindiko napanod lahat ng movies niya, pinaka-last na napanood kong buo ay yungDekada '70. Wala, napanganga lang ako. I was really honored. To be sitting next toher is more than a dream come true, kasi ito na yun, totoo nang nangyayari.Napalitan na yung kaba ng ayokong magkamali at kung nagkamali man ako, sanamaintindihan, sana yakapin ka pa rin at tulungan ka to become a better artist,"saad ni John Lloyd sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Sa pelikulang ito ay gagampanan ni John Lloydang lover ni Luis Manzano, na anak ni Vilma sa pelikula at maging sa totoong buhay. Samga ganitong tema ng pelikula, marami ang nag-e-expect na magkakaroon ngintimate scenes between John Lloyd and Luis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ba nagdalawang-isip si John Lloyd natanggapin ang kanyang role, kung saan malaki ang posibilidad na may kissingscene nga sila ni Luis?

"Ako,I've been vocal about that, walang problema sa ganun," sabi ni John Lloyd. "Bastaang lagi ko lang sinasabi dati pa, kung magkakaroon man ako ng ganung eksena,yung kaeksena ko lang, he has to be a real man, and wala namang problemangganun kay Luis.

"Saka pag artista ka... Yung orientation ko,pag artista ka at sumagot ka sa isang pelikula, aasahan mo na aalagaan ka. Perokung halimbawa in the process mayroon kang kailangang gawin at napag-usapanninyo yun, at wala namang problema sa iyo, kailangan mong gawin yun dahiltrabaho mo yun bilang artista," paliwanag ng aktor.

Humingi ba ng permiso si John Lloyd sa girlfriend niyang siLiz Uy tungkol sa pelikulang gagawin niya?

"Ako, hindi," sagot ng aktor. "Trabahoko ito at wala pa naman kami sa punto na dapat magpaalam at humingi ng permisokung may tatanggapin akong work. Kung trabaho mo ‘yan, trabaho mo ‘yan. Kung trabahoko ito, trabaho ko ito. Pero alam niya na gagawin ko ang movie na ito. Kung iko-consult ko siya, oo. Pero yungin a sense na kailangan kong hingin ang permiso niya, hindi."

Ano-ano naman ang preparations na ginagawaniya para sa kanyang role?

"I believe ito na yung pinaka-complex nacharacter na na-encounter ko. Gaya nga ng tinatanong niya kung anongpreparations ang ginagawa ko, sisimulan ko dun sa pag-aaral na yun. Napakaimportantenun sa pagbuo ng puso ng karakter, at pag nangyari yun, susunod na ang lahat. Yunang pinaniniwalaan ko," pagtatapos ni John Lloyd.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN