Luis Manzano's movie project with mom Vilma Santos pushes through

IMAGE 0


"For 27 years, nakilala ko ang Vilma Santos bilang mommy ko. Nakikitako siyang nagta-taebo sa sala, nagbibigay ng baon bago ako pumasok,pinapagalitan ako pag may ginawa akong kalokohan. And for the first time in mylife, makikilala at makakasama ko siya bilang Vilma Santos na aktres," says Luis Manzano.



Sa past interviewskay Luis Manzano, naging vocal ang TV host-actor na hindi siya handa sa kissingscene kung saka-sakaling tanggapin niya ang pelikulang pagsasamahan nila niJohn Lloyd Cruz at ng inang si Gov. Vilma Santos. Pero tinanggap na nga niLuis ang proyekto at magsisimula na silang mag-shooting.

Ang nababalitangkissing scene ba nila ni John Lloyd ang isa sa rason kung bakit natagalansiyang umoo para gawin ang proyketong ito?

"Yung intialconfirmation kasi na ibinigay sa akin, puro word of mouth lang," sabi ni Luis sa PEP (Philippine Entertainment Portal)."Hindi sa wala akong tiwala, definitely hindi. Pero siyempre, bilang artist,iba yung may nababasa ka na, yung mas naiintindihan mo yung atake na gustonila, yung nakikita at magagawa mo para sa role na yun.

"After nung ipakita naakin yung script, when we sat down, nung unang-unang talk namin, everything wasluminaw sa akin. Kung sino at ano ang character ko, kung ano ang mga gustonilang makita sa akin, mula kay Lloydie, sa Mommy ko... Dun ako napa-oo sa projectna ito.

"Regardingthat kissing scene," patuloy niya, "we're not getting any younger. Kung anuman ang kailangannamin para sa kung anuman ang karakter namin para mabuo yung istorya, yun anggagawin namin. Matatalino naman ang mga Filipino, maiintindihan nila kung anoang nangyayari sa isang istorya."

Luis also expressedhis excitement dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon na makakatrabaho niya saisang proyekto ang ina.

"I'm very, very happydahil, safe to say, ako yung naging final link para mabuo talaga yung project,"sabi ni Luis. "Kumbaga, hinintay talaga ako ng Star Cinema to say yes. That'sone factor na kailangan talaga naming ayusin ni Lloydie, yung sked and, ofcourse, definitely we'll find our ways, Star Cinema will find the way.

"Ako, especially onmy part, for 27 years, nakilala ko ang Vilma Santos bilang mommy ko. Nakikitako siyang nagta-taebo sa sala, nagbibigay ng baon bago ako pumasok,pinapagalitan ako pag may ginawa akong kalokohan. And for the first time in mylife, makikilala at makakasama ko siya bilang Vilma Santos na aktres."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aminado rin si Luisna nandun ang pressure sa kanya dahil bukod sa kilalang mahusay na aktres angina, wala ring kuwestiyon sa kakayahan naman ni John Lloyd bilang aktor.

"I've mentioned incountless interviews, I got to work with John Lloyd... Nakakasama ko siya saASAP, sa hosting, sa mga production numbers. Pero I still believe the Lloydieas an acting genius. Nandun yung pressure, but it's a pressure na wine-welcomeko sa buhay ko ‘cause I will grow as an artist. I'm very, very happy na tuloyna ito," pahayag ni Luis.

Just like John Lloyd,isa sa preparation na gagawin ni Luis para magampanan ang sensitibong role bilanggay ay ang pag-aaral sa kilos at pananalita ng mga gays na nakakasalamuha niya.

"Well, being in the industry, all we have to isobserve. That is the basic step na puwede kong gawin dahil sa industriyang ito,karamihan sa mga nakakasalamuha natin, yung mga nakapaikot sa atin, are homosexuals. Magkakaiba lang ng levels. ‘Ika nga, it's up to Direk Olive [Lamasan], to us, na hanapin yungtamang timpla, kung gaano kami ka-gay base sa characters namin," sabi ni Luis bilang pangwakas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN