Dennis Padilla stays young for his new 22-year-old girlfriend

IMAGE 0


"Siyempre, yung mga unang months, malungkot yun,sobra! Yung period ng depression ko, mahaba rin, malungkot," says comedian Dennis Padilla about his separation from former wife Marjorie Barretto.



Nag-guest ang komedyanteng si Dennis Padilla sa talk show ng TV5 naJuicy kahapon, November 25. Tinanong siya ng host na si AlexGonzaga kung kumusta na ang annulment case ng kasal nila ni Marjorie Barretto.

"Okey na, tapos na! Naaprubahan naman siya nung Junethis year," pagbabalita ni Dennis.

Dagdag niya, "Ang nakakatuwa dun, nungipinayl yun is June 12, which is Independence Day."

Single na ulit si Dennis kaya nagbiro siya sa televiewers ngJuicy kung gustong kunin ng mga girls ang number niya.

"Nagkakausap pa ba kayo ni Ms. Marjorie?" tanongni Alex kay Dennis.

"Dati madalas kaming mag-usap pag tungkol dun samga bata. Pero ngayon, ang aming broker ay yung yaya. So kunwari meron akongmessage na ipaparating sa kanya, tatawagan ko si Yaya. 'Yaya, pakisabi kay Ma'amganito. Blah! Blah! Blah!' Ganundin si Marjorie, ibinibilin din niya sa yaya kungmeron siyang message," kuwento ni Dennis.

One year and seven months nang hiwalay sina Dennisat Marjorie.

"Siyempre, yung mga unang months, malungkot yun,sobra! Yung period ng depression ko, mahaba rin, malungkot," pag-aminni Dennis.

Kung si Marjorie ay sinasabing may bago nang karelasyon, siDennis din ay nakahanap na ng kapalit ni Marjorie sa puso niya.

"May girlfriend ako ngayon. Siguro I want her tobe my last... Siyempre, 35 na kasi ako!" biro ni Dennis sa kanyangedad.

"No, I'm already 46. And I told her, ‘I want you to bemy last,'" bawi ng dating konsehal ng Caloocan City.

Non-showbiz daw ang girlfriend ni Dennis.

"She's only 22. She's studying and working at the sametime," banggit niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Dahil nga mas bata kay Dennis ang bagong babae nanagpapatibok ng kanyang puso, kaya nagbiro siya na dapat daw ay lagi siyangmukhang batang tingnan. Gumagamit nga raw siya ng cream napampabata ng mukha.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN