FIRST READ ON PEP: Vilma Santos signs three-movie contract with Star Cinema

IMAGE 0


"Naku, ang mga constituents ko, sabi ko sa kanila noon onetime, ‘Puwede ba akong makagawa ng kahit isang movie, wala ba sa inyong magre-react?'Sabi nila, wala naman daw. Pumayag sila. Tapos ngayon, sila na angnagtatanong, kelan na raw ba ako gagawa ng movie? Pumayag na sila, kahit angmga pari doon, nagpasabi. So, may blessings nila ako to do a movie," says actress-governor Vilma Santos.



Sa wakas, makalipas ang apat na taon ay balik-pelikula naang Star For All Seasons at Batangas Governor na si Vilma Santos. Hulingnapanood si Vilma sa big screen sa pelikulang Mano Po 3: My Love ng RegalEntertainment noong 2004, bagamat nagkaroon siya ng guest appearance sa D' LuckyOnes ng Star Cinema noong 2006.

Kaninang tanghali, November 26, sa Bohol Room sa 14thfloor ng ELJ building ng ABS-CBN, ay pormal nang pumirma ang multi-awardedactress ng movie contract niya under Star Cinema. Alas-dose ng tanghali angcall time para sa ilang piling press people, kabilang na ang PEP (Philippine Entertainment Portal), na ipinatawag ng Star Cinema atABS-CBN.

"Five to ten minutes na lang po, parating na si Gov.," sabing Corporate PR staff ng Dos sa harap ng mga press people na unti-unti na ringnagdaratingan. Hanggang sa dumating na nga si Vilma, at halatang nanibago sanakitang set-up na presidential table, at "theater style" ng mga ilang silya saharap ng table.

Pagkarating pa lang ni Vilma ay magiliw itong lumapit atbumati sa entertainment press na nasa unahan na niya at kumaway na lang sa ilanna nasa bandang likod.

"Nakakapanibago!" bungad na sambit ni Ate Vi. "Hindi na akosanay! Sa Batangas kasi, ibang ambiance at mga tao sa presscons ko, e, atusually, tungkol sa projects ko sa province namin ang topic."

Bago umupo sa presidential table ay ipinakilala muna angmagaling na aktres sa ilang station managers ng ABS-CBN na nasa kabilang roomlang. Maya-maya ay dumating na ang big bosses ng Kapamilya network na si Mr.Gabby Lopez (chairman and COO) and Ms Charo Santos-Concio (president), na kasamang pipirma ng contract.

"Parang ang press po ang tatayong witnesses sa contractsigning na ito," sabi pa ng staff kay Ms. Charo.

After a few minutes, naganap na ang contract signing niVilma for Star Cinema. Present din si Ms. Malou Santos, managing director ngnasabing giant film outfit. "Puwede bang basahin ulit?" biro pa ni Vilma, bagopumirma.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

DOUBLY EXCITED. After the usual photo op at pagbibigay ng bouquet ni Mr. Lopez sa Star for All Seasons, pinutakte na si Vilma ng print and TV media saharap.

"Dapat talaga last year pa ito, pero dahil busy nga ako saBatangas, di kinaya. Finally, heto at masayang-masaya ako dahil natuloy na rinat long last," sabi ni Vilma, na nandoon pa rin ang very candid niyang reaction andmannerisms na paghawak sa pisngi o braso man ng mga close na reporters sakanya.

Wala pang definite title ang comeback film ni Vilma, kungsaan makakasama niya sina John Lloyd Cruz at anak niyang si Luis Manzano. Itoay ididirek ni Olivia Lamasan.

Unang nagkatrabaho sina Direk Olive at Vilma sa telesbisyon,sa isang special episode ng Maalaala Mo Kaya. Ito naman ang first movie ni Vilma samulti-awarded and blockbuster director. Ilan sa mga pelikulang ginawa ni Oliveay ang mga sumusunod: Sana Maulit Muli, Madrasta, Minsan Minahal Kita, Got 2Believe, at Milan.

Pero kung may dahilan para maging double excited si Vi, firsttime niyang makakasama in one film si John Lloyd at kanyang anak na si Luis.

Kailan ang official start nila ng shooting sa sinasabing"movie event of 2009" mula sa Star Cinema?

"Anytime this Dcecember ay magsisimula na kami ng twoshooting days," pagbabalita ni Vilma. "Then, ang resume na namin ay sa Februaryna next year, dahil hahabulin namin ang snow sa New York. May eksena kasingdapat may snow. Pagbalik ko doon, April na dahil sasamantalahin ko naman angsummer vacation ko. At mga three weeks kami doon."

Sixty percent daw ng pelikula ay sa New York kukunan. MaySeptember 2009 playdate na rin ito, ayon pa rin sa aktres, in time marahil saanniversary ng Star Cinema.

"Ibang klase ang movie na ito, kaya I'm sobrang excited!"bulalas ni Ate Vi. "Hindi kasi ito drama-drama, kundi parang lightcomedy-drama. Para bang milder Ai-Ai [delas Alas]. Pero maiiyak ka pa rin sadrama scenes dahil basically, tungkol pa rin ito sa family."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bakit sa Star Cinema niya piniling gumawa ng kanyangcomeback movie, after her last film na ManoPo 3 ng Regal four years ago?

"Marami na kasi kaming pinagsamahan ng ABS-CBN at ng StarCinema, e," sabi ni Ate Vi. "Ang magaganda at memorable movies ko ay dito, likeyung Anak at Bata, Bata, Paano Ka Ginawa?

"Yungcontract ko dito, dapat nga noon pa. Nagkakaso pa nga ako, pero na-dismiss na ‘yon.At talagang na-miss ko ang paggawa ng pelikula. I hope magutuloy-tuloy natalaga.

"No'ng pagpunta ko nga dito, kinakabahan ako, e. Excited kasitalaga ako, at sobrang nami-miss ko na ang showbiz!"

Ano nga ba ang role or character niya sa comeback movieniya?

"Isa akong masungit na librarian dito. Na sa sobrangkasungitan, pati pusa ay pinapatulan. Magmi-meeting pa kami ni Inang [DirekOlive]. Ang gusto nga nila, mukha akong dilapidated, like gusto nila, may pusonako! Kahit sa library, masungit ako sa movie. It's something new, kayakaka-excite!" masaya niyang kuwento.


Nangyayari ba sa kanya yun sa totoong buhay, yung character niya na masungit?

"Well, behaved na ako," ngiti ni Ate Vi. "Pero huwag lang talaga ako mapupuno, lalaban ako. Mahaba talaga ang pisi ko, pero napupuno rin naman ako siyempre."

Maya-maya ay nag-request na ang mga namamahala ng pressconna mag-lunch break muna ang lahat, habang si Vilma ay makakasamang mananghalianang big bosses ng ABS-CBN na sina Sir Gabby at Ma'am Charo, sa kabilangexecutive lounge.

MOVIE PLOT. Nang mag-resume na ang chikahan with Vilma, parang masnaging energized ito sa pagkukuwento, maging ng buong plot ng movie, na in afew times ay nadudulas ito sa walang patid na chika.

Nang bulungan siya ni Chit Guerrero [ABS-CBN's business unit head for special projects], sabi ni Vilma, "Ay, diko daw pala dapat ikuwento lahat, so kayo ang mag-edit niyan, ha?Edit-edit-edit, please!" natatawang pakiusap at paglalambing ng aktres sapress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa movie, ina ng tatlong anak si Vilma. Isa nga dun si Luisna discreet gay pero may karelasyong isa pang gay, to be played by John Lloyd.

Bilang real mom ni Luis, hindi ba siya na-bother onagdalawang-isip na tanggapin ng anak nito ang gay role at may kissing scene payata with John Lloyd sa pelikula?

"Naku, sila ang nagdesisyon niyan, huh?" tawa ni Vilma. "AngStar Cinema talaga ang nakipag-negotiate at nag-convince niyan kay Lucky. Pero sabi ko nga kay Luis, ‘Don'tworry! Ako ang sasagip sa ‘yo! E, siyempre, anak ko ‘yon at ayoko naman siyangmapahiya, di ba? Sabi ko, ‘Wag kang mag-worry, ‘nak, sagot kita [sa kissingscene]!' Kung tinanggap man ito ni Luis, hindi ako nakialam sa desisyon niya."

Sa mga panayam ni John Lloyd, inamin nitong dream come truepara sa kanya ang makasama ang award-winning actress sa pelikula.

"Alam n'yo, magaling na artista si John Lloyd. Siya yungtipong, kapag nakikita ko siya, ang nakikita ko ay si Dindo Fernando! Di ba,kahit sa acting, para siyang si Dindo? Lima ‘ata ang napagsamahan naming movieni Dindo, like Karma, Langis at Tubig,at Gaano Kadalas Ang Minsan."

Sa movie, hindi naging maganda ang samahan nina Vilma at angasawa nito na ama ni Lucky sa movie. Biro ng isang entertainment editor, "Trueto life ba, Vi?"

"Oy! Naka-recover na ako, huh!" halakhak ng actress, naikinatawa rin ng lahat ng nakapaligid sa kanya.

CONTRACT WITH STAR CINEMA. Ang pinirmahan pala ni Vilma na kontrata sa Star Cinemaay tatlong movies. Isa with John Lloyd, isa with her son Luis, at isa withMegastar Sharon Cuneta. Ito ang kinumpirma ng aktres.

"Pinagsama ko na ang John Lloyd-Luis project. Dahil satrabaho ko bilang governor, we can't be sure kung magagawa ko pa yun nangbukod. Kaya sabi ko, ‘Pag-isahin na lang natin,'" saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano nga kaya ang inaasahan niyang magiging scenario pagnakatrabaho na niya sa shooting ang anak na si Luis, who's playing a gaycharacter?

"Naku, hindi ko alam kung paano ako magre-react sa anak ko!Ni wala kaming workshop-worshop, ha! Sila-sila ‘ata ang nag-workshop. Pero masgusto ko yun, mas maganda yun na wala akong idea sa pag-atake niya. Para pagnakita ko na ang acting niya, do'n na lang lalabas ang reaction ko. Kesa sakapag nag-workshop, parang aral na aral o alam ko na ang gagawin niya, di ba?

"E, si Luis pa, kilala n'yo naman ‘yon na makulit. Peropagdating naman sa trabaho, nagseseryoso yun. Babatukan ko siya pag di siyanagseryoso dito!" tawa ni Vilma.

Dagdag niya, "In denial kasi ako as a mother niya dito. Peroat the end, wala akong magagawa dahil makikita ko ang kasiyahan niya sarelasyon nila ni John Lloyd, pero in denial pa rin ako."

May nangumusta naman sa talent fee niya at sa anak, namina-manage ni June Rufino. June is also the manager of Edu Manzano, Luis's dad.

"Hindi ko alam yung sa kanya, e. Iniisip ko lang, na bakanga tinaasan niya ang TF niya at kinol ng Star Cinema, para tanggapin niya!"tawa ulit ni Vilma.

VI FOR VP? Siyempre pa, hindi nakaligtas si Vilma sa tanong ng presskung siya nga ba ay tatakbo para sa vice presidency sa taong 2010. Sabi-sabi,hinihikayat daw siya ng Malacañang upang i-consider ang pagtakbo for VP ngbansa?

"I'm not entertaining it," diretsong tugon nito, pagkataposmagseryoso ang mood.

Not yet?

"Hindi, hindi... Kasi, alam n'yo, madali kasing magsalita ngpatapos. Kasi, malay mo, may mga magkakatapat... Kaso, iba talaga yung sinasabingmay ambisyon ang isang tao, sa walang ambisyon. Pero sa akin, wala naman akongganun, e. Kung ngayon mo akotatanungin, Batangas is my focus. I don't see myself in a national positionsomeday," deklarasyon ni Vilma.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Idinagdag pa ng aktres na sa kanyang Batangas constituentsdaw ay naiintindihan ang kanyang unang minahal na trabaho—angpag-aartista.

"Naku, ang mga constituents ko, sabi ko sa kanila noon onetime, ‘Puwede ba akong makagawa ng kahit isang movie, wala ba sa inyong magre-react?'Sabi nila, wala naman daw. Pumayag sila. Tapos ngayon, sila na angnagtatanong, kelan na raw ba ako gagawa ng movie? Pumayag na sila, kahit angmga pari doon, nagpasabi. So, may blessings nila ako to do a movie."

CAMEO ROLE. Lastly, may cameo role pala sa pelikula ang gaganap na asawaniya na ang naging anak ay si Luis. Si Vilma na mismo ang nagbalitang balakniyang kausapin si Edu Manzano to play the role.

"Maglalambing ako kay Eduardo!" bulalas niya. "One day langnaman, e. Sasabihin ko sa kanya, ‘Nag-guest ka ng one day sa movie ni Ai-Ai, diba? So, dapat pati sa akin!' Kung papayag lang naman siya, why not?

"Yung sa amin ni Luis sa film, mas mapi-feel ko yundahil tunay ko siyang anak. Yung character ko as his mother, mararamdaman koyun. Tapos, mukha pa ng tunay kong anak ang kaeksena ko, exciting, di ba?"masayang pagwawakas ng Star for All Seasons.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN