Vilma Santos: "Plus factor sa akin na isa ring artista ang girlfriend ni Luis."

IMAGE 0


"He's living alone. Siya kasi ang kumuha nung house namin saGreen Meadows. Ipina-renovate niya ‘yon at nalaman ko nga na marunong narin siyang mag-grocery ngayon. Siguro nag-mature na rin ang anak ko, andI think ang ganda talagang influence ni Angel sa kanya," says Vilma Santos about eldest son Luis Manzano.



Nagpaunlak ng interview ang Star For All Seasons at Batangasgovernor na si Vilma Santos sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at ibapang entertainment press kahapon,November 26, pagkatapos niyang pumirma ng contract sa Star Cinema. Ginanap ang contract signing sa Bohol Room sa may 14th floor ng ELJ Bldg. ng ABS-CBN.

A Mother's Story ang working title ng movie na gagawin niVilma at first time siyang ididirek ni Olive Lamasan sa pelikula. Naidirek nasiya noon ni Olive sa isang episode ng drama anthology na Maalaala MoKaya.

Next month ay magsisimula na silang mag-shooting dito munasa Pilipinas, with her son Luis Manzano and John Lloyd Cruz. Hindi rawintended ang pelikula for Mother's day next year, around September pa raw itoipalalabas.

"MISS X" REMAKE. Naitanong din kay Vilma ang tungkol sa remake ngpelikula niyang Miss X (1980) ng OctoArts Films. Si Katrina Halili ang gaganapsa dating role ni Vilma, pero si Gil Portes pa rin ang director.

"Okey sa akin and I'm honored and flattered,"nakangiting tugon niya. "Sa akin kasi, kapag ni-remake, ibig sabihinmaganda siya at dapat ulitin. At sana mapantayan nila o kung puwede mahigitanpa ang ginawa namin noon."

Paano kung i-guest siya sa movie?

"Why not? Pero wala namang nakikipag-usap saakin," aniya.

LUIS & ANGEL. Napadako naman ang usapan tungkol kay Luis at sa rumoredgirlfriend nitong si Angel Locsin. Sa isang interview kasi ni Angel aysinabi nito na gusto niyang kambal ang maging anak niya. Kaya tinanong si Vilmapaano kung kambal ang maging anak ni Luis at kung puwede na bang magpakasal siLuis.

"Why not, kung puwede bang kambal? Luis is 27. Sabirthday niya sa April 21, he'll turn 28. Pero pag-aasawa, ewan ko!" atnapahalakhak si Vilma.

Dagdag niya, "But my son is stable now. He's veryprofessional, sa trabaho niya as an actor and as a productendorser. Madalas nga kapag nakikita ako ng mga kausap ko sa agency kapagmay gagawin din akong TV commercial, lagi nilang pinupuri sa akin si Luis.Kapag ang call time daw nila ng shoot ay 7 a.m., 6:30 a.m. pa lang nandoon nasi Luis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"He's living alone. Siya kasi ang kumuha nung house namin saGreen Meadows. Ipina-renovate niya ‘yon at nalaman ko nga na marunong narin siyang mag-grocery ngayon. Siguro nag-mature na rin ang anak ko, andI think ang ganda talagang influence ni Angel sa kanya."

Mukhang botong-boto siya kay Angel para kay Luis.

"Plus factor sa akin na isa ring artista ang girlfriendni Luis. Nakakapag-communicate kami. We have something in common!" natawasi Vilma nang sabihing pareho silang naging Darna ni Angel.

Patuloy niya, "Nakasama ko na rin noon ‘yong dating girlfriends niLuis, sina Nancy [Castiglione] at si Nicole [non-showbiz girlfriend of Luis]. Okeynaman sila, si Nancy noon, hindi pa masyadong nagtatagal sa showbiz nang maginggirlfriend ni Luis.

"At 'yon nga ang maganda, naiba ni Angel siLuis. Napapansin ba ninyo ang glow ng face ni Luis ngayon, inspired siya,di ba?"

Pero bakit hindi pa diretsang inaamin ni Luis ang relasyonnila ni Angel?

"Ibigay na ninyo ‘yon kay Luis kung idinidenay niya athindi diretsang umaamin. Pinuprotekahan din niya si Angel dahil may ginagawaitong pelikula at may ka-love team," paliwanag ni Vilma.

Hindi ba niya tinatanong si Luis kung wala itong balakpumasok sa pulitika?

"Tinanong ko na rin siya minsan at sagot niya,interesado raw siya sa politics at gusto raw niya ang ginagawa ko. Kunginteresado siya, hindi pa naman ngayon, mas priority muna niya ang showbizcareer niya."

PLANS FOR CHRISTMAS. Malapit na ang Christmas, saan sila magse-celebrate?

"Dito lang kami sa Christmas," sagot ngactress-politician. "Siguro dahil long weekend, baka mag-out of the countrykami, pero sa Asia lang.

"Ang wish ko, makasama naming magbakasyon si Luis,dahil baka naman wala rin siyang trabaho. Kung gusto niyang isama siAngel, puwede naman. Kung ayaw nila kaming kasama, puwede naman silangmag-stay sa ibang lugar. What's important, magkakasama kaming magbabakasyon saChristmas."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN