Lorna Tolentino signs two-year exclusive contract with ABS-CBN

IMAGE 0


"Siguro, what Ineed now is an assurance that they will really take care of me and I know thatthey will. Nararamdaman ko naman, kasi alam ko na inaalagaan nila ang proyektona gusto nilang gawin ko sa kanila," says Lorna Tolentino about signing up again with ABS-CBN and Star Cinema.



Napakaganda at masasabing wala pa ring kupas ang aktres na si LornaTolentino nang dumating siya sa 14th floor ng ELJ Building ng ABS-CBN kagabi, November 26, para sacontract signing niya bilang isa na muling ganap na Kapamilya.

Naroon ang presidente ng ABS-CBN na si Ms. CharoSantos-Concio at ang managing director ng Star Cinema na si Ms. Malou Santos saginanap na contract signing.

"Ako naman, Kapuso at Kapamilya, lahat... Siguro naman, sa edadnamin ngayon, hindi na kami kasali sa network war. I've worked with Channel 2for two and a half years, then three and a half years with GMA. So, two yearsang kontrata ko rito ngayon at hindi naman ako nag-burn ng bridges," umpisa niLorna.

Two-year exclusive contract ang pinirmahan niya.

"For two years, two soaps and two movies. Exclusive contractsiya," pagbabalita ng aktres.

May expectations ba siya ngayon sa Kapamilya network?

"Na aalagaan nila ako!" natawa niyang sabi. "Siguro, what Ineed now is an assurance that they will really take care of me and I know thatthey will. Nararamdaman ko naman, kasi alam ko na inaalagaan nila ang proyektona gusto nilang gawin ko sa kanila. Marami ring involved na mga taongnirerespeto ko, tulad ni Direk Olive [Lamasan]."

Ready na ba siyang magtrabaho ulit?

"Siyempre, kasi parang kailangan talaga mas busy ka. Masless yung pag-iisip mo, yung loneliness mo, if you're around people, di ba?" saad ng biyuda ng yumaong aktor na si Rudy Fernandez.

Meron ba siyang gusto pang makasama sa Kapamilya?

"I'd like to work again with John Lloyd Cruz and BeaAlonzo," sagot niya. "Kaya lang, baka sabihin naman, ang pagbabalik ng KaytagalKang Hinintay, di ba? So, puwede akong mag-work with Piolo Pascual, ClaudineBarretto. Si Angel Locsin, sa pelikula ko lang naka-work."

MOVIE OFFER. Noong September pa nagpaalam si Lorna sa GMA-7.Pumunta siya sa GMA Network Center para personal na magpaalam sa ilangexecutives ng Kapuso network, tulad ng SVP for Entertainment TV na si Ms. WilmaGalvante.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sinabi ko kay Ma'am Wilma, kung okey lang. Kasi ang offersa akin [sa ABS-CBN], I'll have a movie at talagang yun ang gusto ko, magkaroon ng pelikulaand okay naman sa kanila," kuwento ni Lorna.

Lorna's last movie was Katas ng Saudi (2007) with Jinggoy Estrada.

As for Lorna's last movie with Star Cinema, hindi na raw niya matandaan kung ano ito dahilmatagal-tagal na raw 'yon. Pero sa pagkakaalam ng PEP (Philippine EntertainmentPortal), ang huling pelikulang ginawa ni Lorna para sa Star Cinema ay angHanggang Kailan Kita Mamahalin ni Olive Lamasan noong 1997, kung saan nakasamaniya si Richard Gomez.

Ang iba pa niyang mga pelikula sa Star Cinema ay Patayin saSindak si Barbara (1995) at May Nagmamahal sa Iyo (1996). Nakagawa rin siya ng isang primetime series sa ABS-CBN, ang Kaytagal Kang Hinintay.

Lumabas na noon na ang isa sa talagang nagustuhan ni LT sakontratang inaalok sa kanya ng ABS-CBN ay ang dalawang pelikulang gagawin niya sa Star Cinema, ang film arm ng Kapamilya network.Sa offer ba ng GMA-7 sa kanya ay walang chance na makagawa rin siya ng moviesa GMA Films?

"Ang offer sa akin ng GMA, since different ang GMA Films sakanila, one primetime, one non-primetime soap, and a talk show," sabi ni Lorna.

Hindi naman daw kasi hawak ng GMA-7 ang GMA Films kaya hindiito nagawang i-offer sa kanya. Aminado naman si LT na medyo natagalantalaga ang pagpirma niya sa ABS-CBN dahil may mga inayos pa raw sa kontrataniya.

"They fixed the contract. Meron lang kasi kaming hinirit naisang parang... Siguro para fair lang for me to work, at sila rin naman, happyrin sila na whatever I can deliver."

UPCOMING SOAP OPERA. Tinanong ng PEP si LT kung may ideya na ba siya kung anongsoap opera ang una niyang gagawin sa ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, "Well, nagmi-meeting pa kasi sila Inang Olive Lamasankung ano ang concept, although mayconcept na sinabi sila sa akin before. Noong mag-contract signing ako for theHOPE CD, kaya lang, aayusin pa. So, okey lang sa akin. Kasi, mas maganda nabigyan talaga ng panahon para masmapaganda at mas magtrabaho."

Pero ayon kay LT, posibleng sina Gabby Concepcion at AlbertMartinez ang makasama niya sa unang seryeng gagawin niya sa ABS-CBN.

"Sinabi nila sa akin noon, it was Gabby and Albert. Pero I'mnot so sure now. Siguro noong time na yun, sila ang nababagay. But I'm lookingforward pa rin. Kasi, parehong matagal ko na silang hindi nakakasama."

Most likely, next year na raw siguro magsisimula ang actingjobs niya. Sa ngayon daw kasi, ilu-launch muna ang kanyang HOPE CD at magigingbusy siya sa pagpu-promote nito.

Okey pa rin ba siyang mag-host ng talk show?

"Puwede rin naman, pero depende sa tema na," sagot ni Lorna."Marami namang klase ng talk show, not necessarily showbiz-oriented. Medyo mayhesitation ako ngayon, kasi I'm not completely healed. Parang ayoko muna rin namagtanong sa mga kapwa artista while I'm at this stage."

FIRST CHRISTMAS WITHOUT DABOY. In less than one month, ipagdiriwang na ang Kapaskuhan.Hindi naman lingid sa lahat na ito ang unang Christmas na wala na sa piling ngpamilya nila si Rudy Fernandez, na sumakabilang buhay noong June 7 dahil sa cancer.

Paano nga ba ipagdiriwang ni Lorna ang araw na ito?

"Basta para sa akin, kapag lumipas siya, it will just pass.Wala nang masyadong dapat isipin," sagot ng aktres.

Hindi niya ba ito ise-celebrate ngayon?

"Plano namin na mag-noche buena sa Heritage. And then, we'lljust go home."

Pero bago ang Pasko, birthday naman ni Lorna sa December 23. Paano naman niya ito naiisip i-celebrate ngayon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
"Ay, yun ang itutulog ko lang. Itutulog ko lang talagaang birthday ko," nakangiti niyang sabi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN