Cristine Reyes has forgotten Dennis, but she's not closing her doors

Nov 27, 2008
"I think I can say, oo, nakalimutan ko na yung sa amin. Pero wala akong sinasabi na tapos na. I mean, I'm not closing my doors. Kasi hindi mo masasabi, mamaya sabihin naman nila, ‘O, sinabi niya ganito?' Paano kung nagkabalikan, 'tapos sasabihin sinungaling, ganyan-ganyan. So, ayokong magsalita ng tapos," says Cristine Reyes about her past relationship with Dennis Trillo.


Sa December 1, Lunes, ay ipalalabas na sa Primetime Bida ng ABS-CBN ang Eva Fonda na pinagbibidahan ng dating Kapuso star na si Cristine Reyes.

Nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Cristine kahapon, November 26, sa taping ng gag show na Banana Split. Sinabi niya na nagulat siya, pero natutuwa rin dahil finally ay ipalalabas na ang kanyang teleserye.

"Nagulat ako, pati si Princess [Ryan], sina Direk Bobot [Edgar Mortiz, direktor ng Eva Fonda]. Tuwang-tuwa kami! Sobrang kinikilig kami, sigawan talaga kami dahil finally ay ipapapalabas na ang Eva Fonda," masayang kuwento ni Cristine.

Bale dalawa na ang serye ni Cristine sa primetime. Bukod sa Eva Fonda ay kasama rin siya sa Kahit Isang Saglit, na pinagbibidahan naman nina Jericho Rosales at Carmen Soo.

"Sabi nga sa akin ni Tita Cory [Vidanes], ako lang daw ang may dalawang serye sa kanila," nakangiting sabi ng young actress.

Sa mga eksenang drama na magkasama sina Cristine at Carmen, maraming nagsasabi na nilalamon sa pag-arte ng una ang huli. Ano ang reaction ni Cristine tungkol dito?

Continue reading below ↓

"Si Carmen kasi model naman kasi siya, so, hindi siya sanay sa mga heavy roles. Ano naman, tinutulungan naman namin siya pagdating sa acting," ani Cristine.

Mas sikat na raw siya sa Ate niyang si Ara Mina dahil mas marami siyang trabaho kesa rito?

"Maraming projects siguro," sagot niya. "Pero hindi naman, mas sikat kasi siyempre mas matagal na siya sa industriya, di ba? Kahit pumunta ako sa ibang bansa, mas kilala siya kesa sa akin. Ako, thankful na lang ako kung merong nakakakilala sa akin doon, e. Pero hindi ko naman hangad yung mas sikat ako sa kapatid ko, e."

Kumusta na ba ang relasyon nila ng Ate Ara niya?

"Okey naman kami. Nagkikita-kita kaming family. Wala pa kaming plano sa Christmas, e. Siguro pag malapit-lapit na, saka kami magpaplano."

ON DENNIS TRILLO. Kumusta naman sila ng ex-boyfiend niyang si Dennis Trillo?

Continue reading below ↓

"Wala na kaming communication," maikling sagot ni Cristine.

May mga nanliligaw ba sa kanya ngayong single na ulit siya?

"Meron, pero ayoko muna silang i-entertain," aniya.

May mga taga-showbiz daw na nanliligaw kay Cristine, pero ayaw niyang banggitin ang pangalan ng mga ito.

"Secret. Ayokong mag-names!" tawa niya.

Hindi kaya ang dahilan kaya ayaw niyang mag-entertain ng suitors ay dahil sila pa rin ni Dennis? May mga nagsasabi kasi na hindi naman daw sila talagang nag-break. Itinatago lang daw nila ang kanilang relasyon para proteksyunan ang career ng isa't isa.

"Wala na talaga, as in wala na, kahit text," diin ni Cristine. "Hindi na kami nagkikita or something. Kahit mga kaibigan niya na naging kaibigan ko, hindi ko na rin nakakausap totally. Pati parents niya, na naging ka-close ko, hindi ko na rin nakakausap."

Masasabi ba niya na nakalimutan na niya talaga si Dennis?

Continue reading below ↓

"I think I can say, oo, nakalimutan ko na yung sa amin. Pero wala akong sinasabi na tapos na. I mean, I'm not closing my doors. Kasi hindi mo masasabi, mamaya sabihin naman nila, ‘O, sinabi niya ganito?' Paano kung nagkabalikan, 'tapos sasabihin sinungaling, ganyan-ganyan. So, ayokong magsalita ng tapos," pahayag ni Cristine.

ROBI'S CRUSH. Si Robi Domingo, itinanghal na second big winner sa Pinoy Big Brother Teen Edition Plus, ay nagpahayag sa isang interview na crush niya si Cristine. Pero sa tingin niya ay mahirap daw itong ligawan. Ano ang masasabi ni Cristine tungkol dito?

"Ang masasabi ko lang, cute siya. Nakikita ko nga yung billboard niya ng Bench sa Katipunan at yung house niya sa magazine. Cute talaga siya, as in!" bulalas ni Cristine.

Mahirap ba talagang ligawan ang isang Cristine Reyes?

"Hindi, a! Basta mabait lang. Hindi naman ako after sa sikat or something," sagot niya.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"I think I can say, oo, nakalimutan ko na yung sa amin. Pero wala akong sinasabi na tapos na. I mean, I'm not closing my doors. Kasi hindi mo masasabi, mamaya sabihin naman nila, ‘O, sinabi niya ganito?' Paano kung nagkabalikan, 'tapos sasabihin sinungaling, ganyan-ganyan. So, ayokong magsalita ng tapos," says Cristine Reyes about her past relationship with Dennis Trillo.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results