Dawn Zulueta on reconciliation with Gretchen Barretto: "When the time is right."

IMAGE 0


"Ako, walang problema. When it happens, tingnan na langnatin. Bakit ipo-force yung issue? Na para bang bukas, ‘Hey, magtawagan natayo!' Marami kaming memorable moments, just like my other sisters sa GMASupershow," says Dawn Zulueta about possible reconciliation with Gretchen Barretto.



Si Dawn Zulueta mismo ay nakaka-relate sa premise pa lamangng pelikulang Magkaibigan. Kaya upon reading the script, tinanguan niya kaagadang alok na ito ng Maverick Films na kalahok sa darating na Metro Manila FilmFestival.

"Lahat ng taong may kaibigan, surely magugustuhan nilaang pelikula," sabi ni Dawn tungkol sa pelikulang idinirek ni Joey Reyes.

Ang Magkaibigan ay hango sa pagkakaibigan ng yumaong aktor na si Rudy Fernandez at ni Senator Jinggoy Estrada, na bida rin sa pelikula. Kasama rin nina Dawn at Jinggoy rito sina Christopher de Leon at Maricel Laxa.

Sa showbiz, iilan lang ang masasabing tunay na kaibigan niDawn.

"Basta para sa akin, ang sukatan ng tunay napagkakaibigan, yung kahit hindi mo madalas nakikita o nakakausap, but deepinside you, naririyan siya, especially sa panahon na down ka. Sila yung puwedekong pagkatiwalaan, o kung kailangan ko ng good advice, nariyan sila. People likeGelli de Belen, Maricel Laxa, and Jackielou Blanco," banggit ng aktres.

FRIENDSHIP WITH GRETCHEN. Kung tungkol sa friendship ang usapan, hindi pa rinmaiwasang itanong kay Dawn kung ano na ang nangyari sa friendship nila niGretchen Barretto.

"Ha?" at napangiti na lang ang aktres. "Hayanna naman. Kailangan pa bang pag-usapan 'yan? Tapos na 'yan. Nasabi ko na kungano ang gusto kong sabihin. I won't say anymore. Alam na naman ninyo... You knowwhat, paulit-ulit na lang kasi. People are just trying to get something fromit, alam ko na yan!

"You know, Gretchen and I are good friends. Pero, masmabuting... Mayroon naman kaming pinagsamahan. Sabihin na lang natin, when thetime is right. Ayokong magsalita hangga't hindi nangyayari. Para bangnape-preempt yung kung ano ang mangyayari. Para bang gusto ng mga taong malamanagad kung ano ang nasa isip ko, e, I said that before na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ako, walang problema. When it happens, tingnan na langnatin. Bakit ipo-force yung issue? Na para bang bukas, ‘Hey, magtawagan natayo!' Marami kaming memorable moments, just like my other sisters sa GMASupershow," pagsasara ni Dawn sa topic.

GOMA'S LEADING LADY. Sa mga naging leading lady ni Richard Gomez, may balita nasi Dawn daw ang tunay namang pinagseselosan ni Lucy Torres-Gomez. Ano angreaksiyon dito ni Dawn?

"Sobra naman! Hindi na ako naniniwala riyan!"natatawang sabi ni Dawn.

Aniya pa, "Nakakahiyang mag-react. Alam ninyo, Lucy is such asweet girl. Richard is so lucky to have her as a wife. She texted me a coupleof months back, even told me that, 'Dawn, I would really love to see you andRichard work together, do a movie, and do a love story...' She expressed thatmuch to me, at talagang na-sweet-an ako doon. I just hope. Kasi, kung may magandang project, why not? Pero hindi padumarating, e."

May reporter pa na nagsabi kay Dawn sa presscon ngMagkaibigan, na ginanap sa Brazil Brazil ng Metrowalk, na ang ayaw naman daw niLucy na makasama ni Goma ay si Sharon Cuneta.

"Naku, hindi totoo 'yan! Hindi ako maniniwalang sasabihinni Lucy 'yan, especially kung si Goma pa ang magsasalita. Ayoko ng ganyangintriga dahil ang alam ko, magsu-shoot na ng movie sina Sharon at Richard thisJanuary. Bakit magsasalita ng ganoon si Lucy?" natatawang ni Dawn.

CHRISTMAS WISH. Ano ang Christmas wish ni Dawn for the industry?

"Lower taxes talaga!" sagot niya. "Yungkung puwedeng eradicate it sa amusement, especially sa local movies. Kungmagpataw sila ng matitinding taxes, dapat ang pagdiskitahan nila, yungcigarettes, alcohol. Alam naman nilang nakakasira sa katawan 'yan, and yet, maybumibili pa rin. E, di lakihan na lang ang tax?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kung itong sa amusement na nakatutulong naman sakultura, it's something na educational pa. Pakikinabangan ng generations nasusunod pa sa atin, eh, bakit papatawan ng grabeng buwis? Maraming nakikinabangsa industriya natin, so, kailangan namang hindi tayo ang masyadongpahirapan," pagtatapos ni Dawn.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN