Katrina Halili says she has introduced Kris Lawrence to her parents

IMAGE 0


"Ako po kasi, para sa akin, hindi naman importante yungcommitment, e. Mas importante yung okay kayong magkasama, nagkakaintindihankayo, ganun," says Katrina Halili about her relationship with singer Kris Lawrence.



Bagama't pa-sexy ang role ni Katrina Halili sa pelikulang One NightOnly, may halo naman itong kakikayan dahil sexy-comedy angnaturang movie. Ang One Night Only ay mula sa panulat at direksiyon ni Jose Javier Reyes atentry ng OctoArts Films sa 2008 Metro Manila Film Festival.

"Marami akong sugar daddies dito. Pero kikay po, kalog kayamasaya," sabi ni Katrina sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal)sa kanya sa presscon ng One Night Only.

Katrina plays the role of Jasmine, isang free-spirited atmukhang perang babae. Bukod kay Katrina, kasama rin sa cast ng One Night Onlysina Jennylyn Mercado, Diana Zubiri, Valerie Concepcion, Alessandra de Rossi,Paolo Contis, Joross Gamboa, Jon Avila, Manilyn Reynes, Chokoleit, at RickyDavao.

Gaano ka-sexy si Katrina sa One Night Only?

"Siyempre sexy, kasi motel nga yung setting namin. Perohindi naman po all out. Lahat po kami, sexy dito. Pero comedy din po siya,PG-13 po kami," sabi ni Katrina.

Sa ilang lalaki siya na-involve dito? Sinu-sino sila?

"Tatlo po. Yung dalawa po kasi mga baguhan lang. Ang masmarami po kasi akong eksena is with Mr. Ricky Davao. Bago po kasi ako pumuntang Macau sa story, nakipagkita muna ako kay Mr. Ricky Davao. Hindi niya raw akobibigyan ng kotse, ganyan-ganyan, kapag hindi ako sumama sa kanya ng gabing‘yon sa motel. So, minamadali ko siya kasi nga may flight nga ako. Tapos doonna nangyari lahat," kuwento niya.

CASTING PROBLEM. Naging kontrobersiyal ang One Night Only noong sinisimulanpa lang ito dahil sa pagpu-pull out ng Star Magic sa kanilangtalents na kasali sa cast. Hindi ba nag-worry si Katrina kung matutuloy pa ‘yongmovie?

"Hindi naman po," sagot niya. "Medyo natagalan nga langkaming mag-shoot dahil nga nagkaproblema nga. Ako na lang kasi ang natira dunsa original cast, di ba?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

So, okay ba siya sa mga pumalit na cast?

"Wala po sa aking problema," aniya. "Basta po binigyan nilaako ng schedule, ng script, gagawin ko lang yung trabaho ko. I'm happy naman pokahit sino naman po ang makasama ko, e."

Gaano katotoo na nagtarayan daw sila ni Alessandra de Rossisa pictorial ng One Night Only?

"Hindi ko po alam ‘yan!" nagtatakang sabi ni Katrina."Naging isyu lang. Siguro yun po yung dalawang pictorial namin na na-late ako.Yung isa kasi, 7 p.m. na ako dumating, kasi po may commitment pa ako. Actually,late call po talaga ako noon. Sila po yata 4 p.m. dumating, so naghintay poyata sila sa akin. Nag-sorry naman po ako. Ang sabi nga niya [Alessandra] saakin, ‘Hindi, wala namang problema. Okay lang yun.'

"Yung pangalawang pictorial, na-late naman po ako dahilnatapos po ako ng taping ko sa Gagambino ng 7 a.m. Seven-thirty na po akonakauwi. Natulog po ako sandali kaya lang, paggising ko, 9:30 na, so nagmadalipo ako. Nine a.m. po ang call time namin. Dumating po ako ng 10:30. Hindi naman poako tinarayan ni Alex. After kasi ng incident na yun, dun na lumabas yung isyu,e."

Mas sikat na raw ngayon siKatrina kesa sa ka-batch niya sa StarStruck na si Jennylyn Mercado, na kasama rin niya sa One Night Only. Anongcomment niya rito?

"Ay, hindi naman po! Idol ko nga si Jen, e. Magkumare nga pokami ni Jen. At saka gusto ko kapag nagkaanak ako, ganun din ako ka-sexyafter," sabi ni Katrina.

Bakit gusto na ba niyang magkaanak?

"Puwede na rin, joke!" biro ni Katrina.

Kanino? Kay Kris Lawrence ba na sinasabi niyang ka-MU niyangayon?

"Bakit hindi?" sabay tawa nang malakas ni Katrina at agadbumawi. "Joke lang po. Kayo naman masyado n'yong sineseryoso, e."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

HAPPY WITH KRIS. Speaking of Kris Lawrence, kumustana ba sila?

"Okay naman po kami. Happy naman po."

Sabi niya noong una, meron na silang mutual understanding.So, ilang buwan na silang mag-MU?

"Magtu-two months na po," sagot ni Katrina.

Gaano katagal pa bago ma-elevate sa deeper relationship angMU stage na ‘yan?

"Ako po kasi, para sa akin, hindi naman importante yungcommitment, e. Mas importante yung okay kayong magkasama, nagkakaintindihankayo, ganun."

So, hindi na ba siya nagpapaligaw sa iba?

"Hindi na po."

Nahalikan na ba siya ni Kris?

"Siyempre po. Kayo nga po nakipag-beso-beso sa akin, e,"palusot ni Katrina.

Last time, sinabi ni Katrina na binigyan siya ni Kris ngscarf. May bago na ba itong ibinigay sa kanya or pasalubong man lang every timena nagpupunta ang singer sa abroad?

"Mostly po chocolates lang. Kaya nga ako tumataba, e!Nagpapapayat na nga ako ngayon, e."

Ano ang madalas na bonding moments nila ni Kris?

"Nagtu-tour po kami sa iba't ibang restaurants. Kumakain pokami sa iba't ibang restaurants. Minsan nakakatatlong restaurants kami sa isanglabas namin. Kain lang nang kain po. Ine-enjoy ko talaga. Kaya nga tumaba ako,e! Pero ngayon nagpapapayat na ulit ako," lahad ni Katrina.

Ano yung gusto nilang kainin pareho?

"Seafoods po... Chinese food. Halos pareho po kami ngpaborito."

MEETING THE PARENTS. Inamin din ni Katrina na naipakilala na niya si Kris sa mgaparents niya. Isinama niya ang singer sa pag-uwi sa Palawan noong nakaraang Undas,mula October 31 to November 3.

"Opo, na-meet na po niya hindi lang buong family ko, pati pobuong El Nido," nakangiting sabi ni Katrina.

Saan tumuloy si Kris? Nag-hotel ba siya?

"Sa bahay po," sagot ni Katrina. "Parang nakakatakot naman na mag-isa lang siyatapos magho-hotel pa siya. Baka mamaya may aswang pa, joke! At saka okay langnaman po sa parents ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Siyempre, iisipin ng mga tao kung magkasama ba sila sakuwarto.

"Hindi naman po kami magkasama sa isang room. Marami namanpong kuwarto sa bahay namin."

Bakit niya dinala si Kris doon?

"E, gusto niya pong sumama. Kayo po, kung gusto n'yongsumama, dadalhin ko kayo doon!" biro ulit ni Katrina.

Si Kris lang ba ang lalaking nadala niya sa kanila?

"Actually, meron na pong isa dati. Pero after, si Kris na."

Gaano kahalaga sa kanya si Kris?

"Sa ngayon po, mahalagang-mahalaga po. Inspired nga po ako,e," sabi ni Katrina.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN