Star Magic's Jason Abalos clueless about report that he's transferring to GMA-7

IMAGE 0


"Hangga't may ibinibigay sa akin, dito ako. Kung saka-sakali atayaw nila sa akin at tatanggapin ako ng iba, bakit hindi, di ba? Sabi ko nga,trabaho lang talaga ako," says Jason Abalos.



Naging kontrobersiyal bigla ang aktor na si Jason Abalos sapresscon na ibinigay ng Star Magic kahapon, November 24, sa 14th floor ng ELJ Building para sa artists nilang kasama sa afternoon series naPieta. May isyu kasing dapat sagutin si Jason at ito ay ang nasulat na paglipatdaw niya sa Kapuso network from the Kapamilya network.

Pero ayon kay Jason, wala raw itong katotohanan.

"Hindi totoo yun," diin niya. "Ako naman, basta may trabaho,doon ako. May trabaho naman ako dito at hindi naman ako pinapabayaan ng ABS."

So, bakit may ganoong balitang lumabas?

"Hindi ko po alam kay Jobert Sucaldito!" natatawa niyang sabi."Siya po kasi ang nagsulat. Siguro po, baka dahil close po ako kay Noel Ferrer,yung manager po ni Ryan Agoncillo. Siya naman po, tumutulong lang po talaga nangwalang kapalit. Ang sarap lang po kasi ng ganoon na tumutulong sila nang walangkapalit, sila nina Ryan, Judy Ann Santos. Gusto lang talaga nilang tumulong.

Dagdag niya, "Para sa akin, very thankful ako na may mgaganoong tao sa paligid ko na handa akong tulungan. "

Pero may offer ba sa kanya?

"Wala, wala namang offer from GMA. Wala naman," tanggi niJason.

Sa puntong yun, sinabi namin kay Jason na noon pa man ay maynakapagsabi na sa amin na pinag-iisipan na nga raw niyang lumipat ng TVnetwork.

"Wala," giit ni Jason. "May sinasabi si Sir Noel na parang,sige, gusto lang na may mangyari sa career ko. ‘Na kung walang ibibigay naproject sa ‘yo, sige. Pero kung meron man, kung inaalagaan ka naman nila, diyanka na lang.' Parang sila naman, handa lang silang tumulong kung sakali atwalang mangyayari sa akin dito."

Bukod sa pagiging manager ni Ryan, konektado rin si Noel saGMA Films.

Masaya ba si Jason bilang Kapamilya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Oo, masaya naman ako," sagot niya. "Kahit paano, hindinaman ako nababakante sa ABS. Kahit paano, dito pa rin ako nagsimula. Parangdito nabuo yung pangalan ko talaga."

Si Jason ay produkto ng second batch ng Star Circle Quest,ang artista search ng ABS-CBN.

Ayon kay Jason, wala raw talaga siyang alam kung bakitbiglang nagkaroon ng isyu ng lipatan sa kanya. Nilinaw rin niyang wala itongkoneksiyon ang matagal na hindi pagka-ere ng Eva Fonda at wala rin dawkoneksiyon sa ibang trabaho niya.

Nalaman lang din daw niyang may isyu pala pagdating niyakahapon sa press conference ng Star Magic. Nilapitan siya ng PR head ng StarMagic na si Rikka Dylim aat tinanong tungkol sa isyu.

"Kahit kasi ako, nagulat ako," sabi ni Jason. "Hindi ko alamna may lumabas pala noong Sabado. Sinabi lang niya [Rikka] sa akin na, ‘O, alammo ba ang isyu sa ‘yo?' So, sabi ko, ‘Ano?' ‘Lilipat ka raw.' Nagulat ako,kasi, wala talaga kong ideya. Ang alam ko lang, nagtatrabaho lang ako rito."

Mananatili ba siyang loyal bilang Kapamilya?

"Siguro, sabihin na nating gusto ko lang din magtrabaho,"sagot niya. "Hangga't may ibinibigay sa akin, dito ako. Kung saka-sakali atayaw nila sa akin at tatanggapin ako ng iba, bakit hindi, di ba? Sabi ko nga,trabaho lang talaga ako."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN