Marian Rivera's injury hurts a lot; Will Devaughn talks about Riza Santos

IMAGE 0


Will Devaughn and Marian Rivera shot these photos in Australia for Jag Jeans. They are also paired in the Metro Manila Film Festival entry Desperadas 2.



Tilian ang napakaraming fans na naghintay kay Marian Riverahabang naglalakad papunta sa Activity Area sa second floor ng SM Mall of Asia sa Pasay Citykahapon, November 28, para sa launching nila ni Will Devaughn as the newcelebrity endorsers of Jag jeans.

Hindi na naka-wheelchair si Marian, pero may saklay siya atnakaakbay sa kanyang personal assistant. Medyo humihingal siya dahil hindi parin niya puwedeng itapak ang right foot niya. Matatandaang nagkaroon ngfractured toe si Marian habang nagsu-shooting ng "Nieves" episode ng pelikulang Shake,Rattle & Roll X.

Halatang hirap si Marian, na naka-shorts lang with matching top,pero nakangiti pa rin sa mga fans na lalong nagkagulo nang malapit na siya.Mabuti na lamang at maraming kinuhang security ang Jag dahil alam nilang maykapansanan si Marian.

MARIAN'S INJURY. Habang nakikipag-pose si Marian sa winners ng Jag StudioInteractive photo shoot, nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang manager niya na si PopoyCaritativo.

"Akala ko nga hindi kami makaka-attend dito," wikani Popoy. "Kagabi kasi sumisigaw siya sa sakit. Hindi raw niyaakalaing ganoon pala ‘yon kasakit kahit maliit lang angfracture. Nakatulog lang siya nang painumin namin ng gamot.

"After this, babalik kami sa Medical City. Gustong i-checkni Dr. Rafael Claudio, siya ‘yong doctor ni Ma'am Wilma [Galvante, SVP forEntertainment TV ng GMA Network] sa kanyang scoliosis, kung naghi-heal na ‘yongfracture niya, at papalitan yung bandage ng paa niya."

Nang makausap naman ng PEP si Marian after the launch,ikinuwento niya kung ano ang naramdaman niya noong Thursday evening, November27.

"Ang sakit-sakit talaga! Sabi nila, kasi nga raw buto‘yon, kaya ganoon kasakit. Natakot ako kasi parang kumikibot-kibot ‘yong lamansa toe ko.

"Dapat nga may last shooting day ako ng ‘Nieves' episodenamin, pero ipina-pack-up na muna ni Momsie [Popoy] dahil talagang hindi kokaya. Ako naman, basta trabaho, kinakaya ko. Pero this time, hindi talagapuwede. Kaya sa Sunday [November 30] na ang last shooting day ko ng‘Nieves' at sa Monday [December 1] naman ang last shooting ko ng Desperadas 2.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tuloy rin ang alis nina Marian at Popoy sa December 2 parasa Let's Celebrate concert nina Marian at Dingdong Dantes sa Shrine Auditoriumsa Los Angeles on December 5.

Ano ang gagawin niya kung naka-cast pa ang right foot niya?

"May awa po ang Diyos, pagagalingin Niya akoagad," seryosong wika ni Marian. "Malalaman ko po sa check-upsa akin ni Dr. Claudio. Siguro po, kahit isa, sasayaw ako, tapos kakanta nalang dahil ayoko pong mabigo ang mga fans namin. By that time, baka puwede konang itapak ang right foot ko, sasanayin ko na lang na ang weight ko nasa leftfoot ko."

MOVING TO A NEW CONDO. Nakita ni Marian ang magandang tarpaulin ng kanyangpictorial ng Jag Jeans sa Australia. Nagustuhin niya ito at gustong hingin.Sabi naman ni Popoy sa kanya, hihingi raw siya kapag nakalipat na si Marian ngbahay.

Tinanong ng PEP si Popoy kung nakabili na ng bahay siMarian.

"May mga tiningnan na kami, condominium unit na sarilina niya talaga. Yung condo niya ngayon, nagre-rent lang siya doon. Siguropagbalik namin from the States, may kukunin na kami," saad ng manager niMarian.

Natawa si Popoy nang tanungin ng PEP kung magkano ang budgetni Marian sa condo unit na bibilhin nito.

"Actually, hindi namin iniisip ang presyo," sabi niya,"Mas importante ‘yong may privacy siya at maayos ang security. Gusto rinniya ‘yong malapit lang sa akin sa Mandaluyong. Para anytime na kailanganniya ako, madali lang akong makakapunta sa kanya. Kaya puwedeng sa Pasig osa Makati siya bumili ng condo unit niya."

NOT BROKEN-HEARTED. Bago dumating si Marian, nakausap muna ng PEP si Will Devaughn. Biniro namin si Will kung malungkot ba siya obroken-hearted dahil sa housemate niya noon sa Pinoy Big Brother Celebrity Edition2 na si Riza Santos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"No, not naman broken-hearted, and hindi rin akomalungkot!" natatawang wika ni Will na nag-improve na ang pagsasalita ng Tagalog.

Kailan ba sila huling nagkita ni Riza?

"Around two weeks ago during a Smart event," sagotni Will. "She's leaving on December 19 to spend Christmas with herfamily in Canada and she'll be back on January 2009. I don't know kunggusto pa niyang mag-artista, kasi mas gusto raw niya ang singing.

"She joined Banana Split [gag show sa ABS-CBN], pero hindi niya type kasi lagingpa-sexy raw siya. She's very conservative, kaya nga after FHM, ayaw naniyang mag-pose for Maxim."

May ilan pa kaming questions kay Will about Riza, peronag-request siya na i-off the record na lang. Lalo na nang sabihin niyang hinditalaga puwedeng maging sila ni Riza, ayaw na niyang mag-elaborate.

WORKING WITH MARIAN. Kumusta naman ang pictorial shoot nila ni Marian saAustralia for Jag?

"Masaya, ilang days din kami doon. Marian is kalog,makulit, at first time lang niyang nakapunta doon kaya nag-enjoy din siya.I'm really thankful na kinuha nila akong endorser ng Jag jeans," saad ni Will.

Sa pelikulang Desperadas 2 ay silang dalawa rin ni Marianang magkapareha. Kumusta na ang shooting nila? May nabago ba sa character niyana dati ay very religious?

"Mas closer kami ngayon," sabi ni Will. "Like what I'vesaid, makulit siya, she's small but voluptuous. Mas close na rin ako ngayon sakanila nina Ruffa [Gutierrez], Rufa Mae [Quinto], and Iza [Calzado].Pare-pareho silang sweet and mababait.

"As for my role, I'm more possessive here kasi mas sikat andsuccessful si Marian than me, while I'm working only as a beach resortmanager."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN