Paolo Contis changes his Facebook status from "in a relationship" to "single"

IMAGE 0


In a recent interview with Paolo Contis, he refused to give a definite answer when asked about his relationship with Isabel Oli. He just said to check his Facebook account to find out about it. True enough, from "in a relationship with Olivia Daytia (Isabel's rela name)," he has changed it to "single."


Kahapon, November 28, ay lumabas dito sa PEP (PhilippineEntertainment Portal) ang artikulo tungkol sa biglaang pagiging private niPaolo Contis pagdating sa pangungumusta sa relasyonnila ni Isabel Oli. (CLICK here to read related story.)

Nakausap ng PEP si Paolo sa baby shower ni Angelika delaCruz sa Punchline noong November 27. Solong dumating si Paolo.

Base sa mga sagot ni Paolo ay mapapansin na there'ssomething wrong between him and Isabel, na magti-three years na sana angitinatakbo ng relationship.

Walang isinagot na diretso si Paolo sa mga tanong bastatungkol kay Isabel, kahit yung tanong kung aabutin pa sila together ng three years. Mabilis ang pick-up niya sa mga paligoy-ligoy na tanong atwalang makalusot sa mga tanong namin dahil hinuhuli lang daw namin siya.

Sa hiwalay na panayam ng Startalk kay Paolo, nasabi niya natingnan na lang daw ang Facebook account niya para malaman ang estado ng relasyon nilani Isabel.

Para nga makasigurado, bago inilabas ng PEP ang article niPaolo kahapon, we checked his Facebook profile. Malinaw na "in a relationshipwith Olivia Daytia" pa rin ang nakalagay. Olivia Daytia ang real name niIsabel.

Pero ngayong araw, November 29, binista namin ulit ang Facebook account ni Paolo. Binagona niya ang kanyang status. From "in a relationship," Paolo now listedhimself as "single."

Kung totoo ang inilagay ni Paolo sa kanyang Facebookprofile, lalo na sa panahon ngayon kung sann maingay ang isyung break na silani Isabel, isang malinaw na mensahe ang ginawa niya through his Facebookaccount.

Bagamat nagsimula sa blind item ang isyung hiwalay na sinaPaolo at Isabel, kailan lang din nang ma-interview ng entertainment press siPaolo. Masaya pa itong nagkukuwento tungkol sa pagdating ng pamilya ni Isabelsa bansa at mga plano nilang pagpasyal dito ngayong Christmas season.

Samantala, ilan sa mga kaibigan nina Paolo at Isabel angnakausap ng PEP. Ayon sa kanila, nangyari na rin daw sa dalawa angmaghiwalay for a few months, pero nagkabalikan pa rin daw. Baka naman daw tuladlang din noon ang nangyayari ngayon kina Paolo at Isabel, at kalaunan aymagkakaayos at magkakasundo rin ang dalawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN