Karylle on possible reconciliation with Dingdong: "Huwag na lang po sana."

Nov 30, 2008
"Marami akong nakitang hindi ko nakita before. Yung mga bagay na I refused to see. Marami akong na-realized, marami akong nakita na, babalikan ko pa ba yung dati?" says Karylle when asked about the possibility of reconcilaition with ex-boyfriend Dingdong Dantes.


Sa paglipat ni Karylle ng bagong network, from GMA-7 to ABS-CBN, kasabay rin nito ang pagiging mas open niya tungkol sa breakup nila ng kanyang ex-boyfriend na si Dingdong Dantes.

During her pictorial shoot for a magazine, Karylle was interviewed by Entertainment Live, showbiz talk show ng ABS-CBN every Saturday. Inamin niya na tinawagan siya ni Dingdong before the premiere night of One True Love, his movie with Marian Rivera and Iza Calzado.

Ano ang reaction niya sa tawag ni Dingdong? Was that their first time na mag-usap after their breakup?

"Nagkakausap naman kami, yeah... I wouldn't say we're exactly friends. Pero nagkakausap naman kami nang medyo maayos," sabi ni Karylle.

How is she coping?

"By now kasi, medyo nandoon na ako sa stage na ina-accept ko na kung ano ang mga nangyari. Ang nakakatawa nga riyan, marami na... Yung mga family ko, kaibigan ko na galit na galit pa rin sila. Siyempre, kino-comfort ko naman sila."

Continue reading below ↓

Wala siyang galit?

"Siyempre yung galit, dumaan din ako riyan, pero tapos na siya."

Marami ang nagsasabi na si Marian Rivera ang dahilan ng breakup nila ni Dingdong. Ano ang reaksiyon ni Karylle dito?

"On my side, hindi," sagot ni Karylle. "Kumbaga, hindi yun ang naging dahilan ko. Kung sa kanya [Dingdong] man dahilan yun, hindi ko alam."

Inamin din ni Karylle na pareho na silang humarap ni Dingdong sa mga magulang nila.

"In-explain namin na...actually, to our parents. Ako, kasama niya with his mom. Tapos, kaming dalawa with my dad. Kasi for three years, almost three and a half, so kahit papaano, naging very close yung pamilya namin."

May nag-convince ba sa mga parents nila na ayusin nila ang relasyon nila?

"Siguro, by that time kasi, it was really... Nadesisyunan na, so wala na talaga," sagot ng singer-actress.

Isa pang inamin ni Karylle ang posibilidad na magkita sila ni Dingdong sa Las Vegas sa boxing match nina Manny Pacquiao at Oscar dela Hoya. Si Karylle kasi ang kakanta ng Philippine national anthem at manonood naman si Dingdong.

Continue reading below ↓

"Ever since before, we've been planning for this a long time. We were looking forward for it nga, December, we'll all be there. Wala naman...hindi ko alam. Sana nga, maging maayos na lang lahat."

Sa tanong naman kung may posibilidad na magkabalikan sila ni Dingdong, ang naging sagot ni Karylle ay: "Huwag na lang po sana. Ha-ha-ha! Marami akong nakitang hindi ko nakita before. Yung mga bagay na I refused to see. Marami akong na-realized, marami akong nakita na, babalikan ko pa ba yung dati?"
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Marami akong nakitang hindi ko nakita before. Yung mga bagay na I refused to see. Marami akong na-realized, marami akong nakita na, babalikan ko pa ba yung dati?" says Karylle when asked about the possibility of reconcilaition with ex-boyfriend Dingdong Dantes.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results