Dingdong Dantes piggybacks injured Marian Rivera down slippery steps

IMAGE 0


Dingdong Dantes carries leading lady Marian Rivera on his back on their way out of Imperial Palace Suites after the thanksgiving party for the box-office success of One True Love.


Hiniram ng PEP (Philippine Entertainment Portal) saentertainment editor ng People's Tonight na si Ian Fariñas ang litratongkuha niya, kung saan pinasan ni Dingdong Dantes si Marian Rivera pababa samezannine ng Imperial Palace Suites. Sa naturang lugar ginanap ang blowout ng RegalEntertainment at GMA Films para sa box-office success ng One True Love, ang pelikulang pinagbibidahan nina Dingdong at Marian kasama si Iza Calzado, noong Huwebes, November 27.

Nakaalis na ang karamihan sa press at photographers thattime, kaya naka-scoop si Ian ng one-of-a-kind at super-exclusive photo ngmagka-love team. Madalas may ganitong eksena sa mga Koreanovela, kung saannakasampay sa likod ng lalake ang babae habang sila'y naglalakad onaglalambingan.

Bago pasanin o buhatin ni Dingdong si Marian, narinig niIan na nagparinig si Marian, "Akala ko ba, bubuhatin mo ako?" nang makitangpaalis na ang aktor at maiiwan siya.

Obviously, nangako si Dingdong na bubuhatin si Marian kayanaman siningil ng aktres ang kapareha. Kuwento ni Ian, dalawang beses pinasanni Dingdong si Marian dahil noong una, nagpababa ang aktres nang makitang may camerana dala si Ian at kukunan niya ang dalawa.

Nag-dialogue pa raw si Marian sa manager niyang si PopyCaritativo ng "Momsie, paalisin mo siya," na ang tinutukoy ay si Ian. Pero hindinagpataranta ang entertainment editor at itinuloy ang pagkuha ng litrato na nanditongayon.

Hindi man nakita ang mukha ni Marian sa litrato dahilnatakpan ng mukha ni Dingdong, hindi makakailang siya ang nasa litratongbuhat-buhat ng aktor dahil sa right foot niya na naka-cast. Kita rin angpaghihirap sa mukha ni Dingdong habang pasan-pasan ang kanyang leading lady.

Sa launching nila ni Will Devaughn as the newest Jagendorser last Friday, November 28, sa SMA Mall of Asia ay tinanong ng PEP si Marian kung gaano siyakabigat.

"Hindi ako sure, 100 pounds o 105 pounds yata ako," sagot niMarian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mabuti't hindi nabigatan si Dingdong nang magpakarga si Marianpababa ng hangdan ng Imperial Suites? Mahirap yun dahil madulas ang sahig atmay kataasan. Hindi ba nabigatan si Dingdong sa kanya?

"Kayang-kaya niya ako!" sagot ni Marian with matching smilena labas ang kanyang dimples. "Payat naman ako kumpara sa katawan niya. Saka,binuhat na niya ako sa Marimar, Dyesebel, at pati sa One TrueLove. Kayang-kaya niya ako."

THE SHOW MUST GO ON. During the Jag event, nakakatayo na si Marian na crutcheslang ang gamit at hindi na siya naka-wheelchair. Tuwang-tuwa ito sa managerniya dahil from wheelchair to crutches to tungkod ay binili nito para hindi siyamahirapan at habang nagpapagaling sa na-fracture niyang toe sa right foot.

Under medication pa si Marian, pero kumikirot pa rin ang paaniya ‘pag hindi kaya ang sakit at iniiyak na lang niya ito. Pero kahit nasasaktan,sinipot pa rin niya ang Jag event dahil ayaw niyang ma-disappoint ang mgataga-Jag at ang maraming fans na naghihintay sa kanila ni Will.

Tuloy rin ang trabaho ni Marian hangga't hindi pa lumilipadpatungong Los Angeles para sa Let's Celebrate concert nila ni Dingdong saShrine Auditorium sa December 6. In fact, after the thanksgiving party of OneTrue Love, pumayag siya nang pakiusapan ni Mother Lily na mag-dubbing ng sixloops para sa Desperadas 2.

Dahil sa gabi pa ang flight niya bukas, December 1,magsu-shooting muna siya sa umaga ng Desperadas 2. Pupunta rin muna siyasa Walk of Fame ni German Moreno sa Eastwood City sa hapon, at sasaglit sapresscon ng Desperadas 2 sa gabi.

"Walang nabago, tuloy ang trabaho ko kahit pipilay-pilayako," sabi ni Marian. "Sana lang, pagdating ko ng L.A., puwede na akong tumayonang matagal at kundi ako makasayaw, kakanta na lang akong nakaupo. May awa angDiyos, gagaling ako nang mabilisan dahil marami naghihintay na trabahopagbalik ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Kabilang sa naghihintay na trabaho kay Marian dito ayang promo ng Shake, Rattle & Roll X, kung saan bida siya sa "Nieves" episode. Magsisimula na rin silang mag-taping ni Dingdong ng bagonilang soap na Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang. December 11, angschedule ng first-day taping nila at kailangan itong masunod dahil sa February 2,2009 na ang pilot nito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN