Marian Rivera continues previous commitments despite fractured toe

Nov 27, 2008
"Kahit anong mangyari, darating kami ni Dong. Kahit naka-wheel chair po ako, haharap ako sa fans namin at mga manonood ng concert, ayaw ko silang biguin. Puwede naman po akong kumanta at puwede rin akong mag-aral sumayaw kahit naka-wheel chair!" assures Marian Rivera about her concert with Dingdong Dantes in Los Angeles, California.


Kahit naka-wheel chair at medyo late na, dumating pa rin si Marian Rivera sa thanksgiving dinner na ibinigay ng GMA Films at Regal Entertainment para sa success ng pelikulang One True Love kagabi, November 26, sa Imperial Palace Suites sa Tomas Morato St., Quezon City. Inabutan na ni Marian doon ang co-stars niya sa pelikula na sina Dingdong Dantes at Iza Calzado, pati na sina Direk Mac Alejandre and their producers.

Nagpilit tumayo si Marian mula sa wheel chair at palukso-lukso siya, gamit ang left foot, na lumipat sa isang chair. Halatang nahihirapan siya, pero nakangiti pa rin siyang bumati sa mga lumapit sa kanya, sabay sabi ng "sorry" na hindi siya makalapit sa mga entertainment press na naroon.

"Bawal ko po kasing itapak ang right foot ko for three to four days," paliwanag ni Marian. "Nagkahiwalay po ang buto ng right toe ko, pero hindi naman naputol, kaya dapat daw po ay hindi magagalaw dahil baka tuluyan na itong maputol."

Continue reading below ↓

Natakot daw kasi si Marian sa ginamit na kapre sa shooting ng episode niyang "Nieves" ng Shake, Rattle & Roll X kaya siya nagkaroon ng freak accident.

Kuwento niya, "Gabi po kasi ang shooting namin sa Tungko, San Jose del Monte. Hindi po kasi nasabi sa akin na gano'n kalaki ‘yong kapre na seven and a half feet pala ang taas, kaya nagulat ako nang bigla siyang lumabas at napatakbo ako. Nakabakya lang po ako at medyo madulas, kaya natapilok ako at naramdaman ko na lang ang sobrang sakit.

"Akala ko po ay kaya ko, pero nang tumatagal na ang shooting, hindi ko na kaya. Dinala na nila ako sa hospital, at iyon ang findings, na kailangang mag-heal agad ito kaya hindi ko puwedeng itapak. Ang complete healing, aabot ng four to six weeks. Kailangang naka-plaster cast ang paa ko. Bago ako pumunta rito, sinamahan po ulit ako ni Ma'am Wilma [Galvante, SVP for Entertainment TV] sa hospital at pinalitan ang plaster cast ng paa ko."

Continue reading below ↓

Paano na ang shooting ng "Nieves" at Desperadas?

"Mabuti na nga lang po at tigwa-one shooting day na lang ako sa dalawa kong movies," saad ni Marian. "At ito na ang pinaka-light schedule ko ngayon. Ginawan na lang po ng paraan ang eksena para hindi mahalata na naka-plaster cast ang paa ko sa ‘Nieves.' Sa Desperadas 2, ‘yong ilang eksena ko, kukunan na lang akong laging nakaupo. Tapos nun, magda-dubbing na lang ako."

LOS ANGELES CONCERT. Paano na ang concert nila ni Dingdong na Let's Celebrate sa Shrine Auditorium sa Los Angeles sa December 5?

"Tuloy na tuloy po ‘yon!" sambit ni Marian. "Kahit anong mangyari, darating kami ni Dong. Kahit naka-wheel chair po ako, haharap ako sa fans namin at mga manonood ng concert, ayaw ko silang biguin. Puwede naman po akong kumanta at puwede rin akong mag-aral sumayaw kahit naka-wheel chair! Puwede rin po akong kumanta, kakantahin ko ‘yong ni-record ko sa bago kong album na Retro Crazy sa Universal Records, ang ‘Sabay-Sabay Tayo.'"

Continue reading below ↓

Mauunang umalis si Dingdong kay Marian, pero a-attend muna sila ng Walk of Fame ni German Moreno sa Eastwood City sa December 1. Kinagabihan naman ang flight ni Dingdong for Los Angeles.

Sa December 2 naman ang flight ni Marian kasama ang kanyang manager na si Popoy Caritativo. May mga promo rin daw sila roon before the show.

Ano ang gagawin ni Marian pagkatapos ng show nila ni Dingdong?

"Magpapahinga na lang po ako sa L.A., sa Beverly Hills daw, sabi ni Momsie [Popoy] dahil hindi rin naman ako puwedeng maglalakad. Si Dong po, manonood ng Pacquiao-Dela Hoya fight sa Las Vegas sa December 6. Babalik din sila sa L.A. at sabay na kaming aalis doon ng December 7. Early morning of December 9, narito na rin po kami.

"Two days rest lang ako, then sa December 11, simula na ng taping namin ni Dong ng Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang."

Continue reading below ↓

Hindi ba sila nagulat na si Joyce Bernal muli ang magdidirek sa kanila ni Dingdong, sa sinasabing last TV team-up nila?

"Hindi po dahil kung ako ang tatanungin, mas gusto ko talagang si Direk Joyce ulit ang mag-handle sa amin. At least, hindi na po kami mangangapa kung bago ang direktor namin. Si Direk Joyce, alam na rin niya kung ano ang gagawin sa amin. Gusto ko lang pong linawin na hindi pa ito ang last team-up namin ni Dong, may mga susunod pa rin po," pagtatapos ni Marian.

Read Next
Read More Stories About
Marian Rivera, Dingdong Dantes
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Kahit anong mangyari, darating kami ni Dong. Kahit naka-wheel chair po ako, haharap ako sa fans namin at mga manonood ng concert, ayaw ko silang biguin. Puwede naman po akong kumanta at puwede rin akong mag-aral sumayaw kahit naka-wheel chair!" assures Marian Rivera about her concert with Dingdong Dantes in Los Angeles, California.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results