Dingdong Dantes voted Favorite Actor of the Year in Nickelodeon Kids' Choice Awards

IMAGE 0


"I give muchvalue to my youth, kasi yun ang early stages kung saan nahulma ako paramailagay ako sa kung saan ako ngayon. Kaya it's very memorable to me andsignificant that these kids nowadays, they look up to me, and they appreciatewhat I'm doing. Iniisip ko kung ako ang isa sa mga batang yun, gusto kongibalik sa kanila at ibigay ang nothing but the best," says Dingdong Dantes.


Very proud si Dingdong Dantes sa natanggap na karangalanfrom Nickelodeon Kids' Choice Awards noong Sabado ng gabi, November 29, sa AliwTheater. Dingdong was voted and awarded Favorite Actor of theYear.

Present si Dingdong that night at ang buong-akala niya ay paramaging presentor lang. Although he knew that he was nominated in one of thecategories, it still came as a surprise to him when his name was called as thewinner by presenters Richard Gomez and Maxene Magalona. Before the speech of Dingdong, kitang-kita ng PEP(Philippine Entertainment Portal) ang mainit na pag-congratulate sa kanya niGoma, who played Dingdong's dad in Marimar.

Bukod sa magandang production ng kabuuan ng awards night, very uniquedin ang paraan ng pag-a-announce ng winners ng Nickelodeon. Nakakatuwang makitaang nakapakaraming bata sa audience cheering for their chosen winners.

After tanggapin ni Dingdong ang kanyang trophy, nakausap siya ng PEPsa backstage ng Aliw Theater.

Ano ang pakiramdam na siya ang napiling Favorite Actor ofthe Year sa isang pambatang network?

"Alam mo, ito ang first few awards ko magmula noong...after ngMarimar," sabi ni Dingdong. "Na-cite ako as an actor, pangalawa ‘to. The firstone was a Students' Choice. Tapos, ito naman, Kids' Choice. Ever since kasi, malapit ang kabataan sa akin.

"I give muchvalue to my youth, kasi yun ang early stages kung saan nahulma ako paramailagay ako sa kung saan ako ngayon. Kaya it's very memorable to me andsignificant that these kids nowadays, they look up to me, and they appreciatewhat I'm doing. Iniisip ko kung ako ang isa sa mga batang yun, gusto kongibalik sa kanila at ibigay ang nothing but the best."

Sinasabi niya bang malaking karangalan sa kanya ang manalosa Nickelodeon dahil majority ng bumoto sa kanya ay mga bata talaga?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Oo! Kasi, ang bata, no bias ‘yan. Kung ano ang gustonila, gusto nila. Walang makakapagpabago nun. Kids are never corrupt, atmagaling lang, ang laki ng pasasalamat ko na gusto pala nila ako," masayaniyang sabi.

Hindi raw aware si Dingdong kung sinu-sino ang mga nakalabanniya sa kategoryang Favorite Actor of the Year. Pero sinabi namin sa kanya nailan sa kanila ay sina John Lloyd Cruz, Piolo Pascual, Gerald Anderson, atRichard Gutierrez.

Ano ang masasabi niya rito?

"They really are very tough contenders and they have veryrespectable works. I'm sure the kids also love them that's why napunta kamirito sa roster of nominees. Siyempre, nagpapasalamat ako na ako anglumabas," reaksiyon ni Dingdong.

Magsisilbing inspirasyon daw kay Dingdong ang bagongrecognition na ibinigay sa kanya.

"Oo naman...always naman. Kasi sa lahat ng mga shows,kailangang present palagi yung mga values na iniiwan mo sa audience. Kumbaga,ang makakatanggap nito, pinakaimportante yung mga kabataan. Sila yung recipientng mensahe. Kaya maganda na pinipili talaga ang mga roles na ginagawa."

MORE RECOGNITION. Incidentally, bago lumipad si Dingdong patungong Los Angelesmamayang gabi, December 1, kasama ang kanyang daddy na si Mr. Sixto Dantes atang manager na si Perry Lansigan, a-attend muna ang aktor sa ceremony ng Walkof Fame sa Eastwood City. Isa na namang rekognisyon ang ibibigay sakanya, along with onscreen partner Marian Rivera. Ito ay ang pagkakaroon na rinng mark sa Walk of Fame na inilunsad noon ni German Moreno sa mga artistang maymagandang naiaambag sa industriya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
"I wouldn't miss it for the world. Number one, e,kumbaga, hindi ko alam kung ano yung requirements or kailangan mong credentialsto be part of the prestigious line of names. But aside from that, it's mythanks and respect for Kuya Germs who is spearheading this project,"pagtatapos ni Dingdong.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN