Jake Cuenca denies being involved in brawl with cousin

IMAGE 0


"Hindi ko hahayaan ang sarili ko sa ganung klaseng sitwasyon. Sakahalos araw-araw akong nagtatrabaho, so wala talaga. Hindi ako masyadonglumalabas ngayon sa dami ng trabaho," says Jake Cuenca about a tabloid report that he was involved in a brawl with a cousin.



After the controversial "bugbugan" issue with ex-girlfriendRoxanne Guinoo in Guam, lumabas sa isang tabloid na na-involve na naman diumanosi Jake Cuenca sa isang bugbugan. Ayon sa report, ang aktor naman daw ang nabugbog ngpinsan niya sa Pasay dahil sa isang babae.

Hindi malinaw ang nasabing balita dahil walangdetalyeng naibigay tungkol sa insidente. Pero sa kabila nito aynaging isyu na naman itong nadikit sa pangalan ni Jake, kung saannapag-iisipan tuloy lalo siya ng iba na may pagkabayolente yata ang aktor.

Sa panayam ng PEP (Philippine Enteertainment Portal) kayJake sa nakaraang Trade Launch ng mga bagong shows ng ABS CBN, nagpahayag ngpagtataka ang aktor kung paano at saan nagsimula ang nasabing isyu.

"Wala, wala talagang nangyaring ganyan!" sambit niya."Nagulat na lang ako na may isyu palang ganyan. Kasi nung nag-ASAP kami ngCoverboys, nagsabi sa akin ang ibang mga kasamahan ko na nag-alala raw sila saakin, kasi nga may isyu na nabugbog daw ako. May isyu pang lumabas napinsan ko pa raw ang nambugbog sa akin dahil sa isang babae... Lahat ng mgapinsan ko nasa Spain, lahat ng kamag-anak ko nandun, so imposiblengmangyari yung sinasabi nila."

Sinabi pa ni Jake na sa dami nga ng ginagawa niyang trabaho ay wala nahalos siyang oras na lumabas at gumimik

"Ang goal ko ngayon, ang main objective ko for now... Kasiitong taon na ito, naging roller coaster sa akin sa dami ng magaganda at hindimasyadong magagandang nangyari sa akin, ay tapusin ang 2008 strong and in a goodway.

"Hindi ko hahayaan ang sarili ko sa ganung klaseng sitwasyon. Sakahalos araw-araw akong nagtatrabaho, so wala talaga. Hindi ako masyadonglumalabas ngayon sa dami ng trabaho," saad ni Jake.

Sa kabila ng sunud-sunod ng mga intriga at isyung naipukol na kay Jake, sinabiniyang hindi siya nagtatanim ng kahit na kaunting sama ng loob sa kahit nasinong sumusulat ng mga negatibong balita tulad nito tungkol sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Lahat naman tayo nagtatrabaho lang," aniya. "Ako bilangartista, ang trabaho ko ay umarte. Ang trabaho ng press ay magsulat at i-reportang mga bagay-bagay. Nirerespeto ko yun at malaki ang respeto ko sa press,at alam kong kasama ‘yan sa trabaho nila. So I have no problem on this issue."

LOVE TRIANGLE. Kasama si Jake sa upcoming drama series ng ABS-CBN na TayongDalawa, kung saan makaka-love triangle niya sina Kim Chiu at GeraldAnderson. Hindi ba siya nag-aalala na baka magmukha siyang kontrabida saKim-Gerald love team?

"Sa akin, basta nae-entertain ko ang mga tao, basta napasaya ko sila, napaiyako nagalit man ang tao sa pag-arte ko, malaking karangalan na sa akin yun. Bastatuluy-tuloy na sumusuporta ang mga tao at tuluy-tuloy na naaaliw namin silabilang mga artista, masaya na ako dun.

"Love triangle talaga siya, malaking factor siya sa istorya.Pero nung napanood ko yung trailer namin, it's more on the three of us dealingwith the family. Kanya-kanyang problema sa pamilya namin, struggles kung paanonamin naapektuhan yung magulang namin, at kung paano naman kami naaapektuhanng pamilya namin."

Dagdag ni Jake, "Ito na yung pinaka-complex role na nagawa namingtatlo, kaya sobrang honor, sobrang blessings yung feeling namin nilaKim and Gerald. I speak for both of them. It's the first first time we'vebeen given this really big responsibility, this acting responsibility.Napaka-complex at napakaganda nito, so sana abangan nila."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN