Karylle after the breakup with Dingdong: "I can say na sobrang na-lessen na yung pain."

IMAGE 0


"Medyo matagal din yung relationship namin at hindi akonagmamadali. God will always take care of you, you just have to trustin Him. Pag sinurender mo ang lahat ng problema, fears, doubts, andwhatever kay God, everything will be okey soon," says Karylle.



Nang kumpirmahin nina Karylle at Dindong Dantes ang breakupnila pagkatapos ng halos tatlong taong relasyon, marami sa malalapit na tao atkaibigan ng dalawa ang umasa pa ring baka mauwi sa balikan ang paghihiwalay ngdating magkasintahan. Pero namatay ang pag-asa nila nang magdesisyon si Karyllena lumipat ng TV network, mula sa GMA-7 papuntang ABS-CBN.

Sinasabing ang dahilan ng paglipat ni Karylle ay para umiwasna ring magtagpo pa ang landas nila ni Dingdong. Dahil sa isang network lang sila nagtatrabaho ay hindi maiiwasang magkita sila nang madalas.

Nagkaroon ng pagkakataon ang PEP (Philippine EntertainmentPortal) na makausap si Karylle sa 22nd Star Awards for TV kagabi, November 30,kung saan isa siya sa naging performers.

"Looking forward" ang deskripsyon niya sa kasalukuyangsitwasyong kinasusuungan niya. Dagdag niya, "And I can say na sobrang na-lessenna yung pain, so hindi na siya masyadong masakit or anything."

COPING MECHANISM. Sinabi rin ni Karylle na sumailaim siya sa isang religiousretreat para matanggap niya nang bukal sa loob at makayang harapin ang breakupnila ni Dingdong. Nakatulong daw ito nang malaki sa kanya, gaya ngpagtanggap at pang-unawa niya sa paghihiwalay noon ng kanyang mga magulang.

"Pag nag-break kayo, it's a road less traveled kasi maspipiliin nga naman yung mag-party ka, gumimik," sabi ni Karylle. "But for mekasi, I've gone through a family healing after my dad and my mom separated atnakatulong yun sa akin. Although it was really late na, 20 na ako nun... Myparents got separated when I was six. So I know it would really help me heal,yung totoo, ha, yung di plastic. Alam ko na even if it's a breakup,especially one that's really public, kailangan ko yun and I was open forhelp."

Sinabi rin ni Karylle na ipinaalam nila ni Dingdong ang kanilang breakup with theirrespective families.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pinaalam lang namin, and regarding my dad's [Dr. ModestoTatlonghari] reaction, I think hindi ko na kailangang i-explain yun. Mommyko [Zsa Zsa Padilla] naman, pag-uwi niya, siya na lang ang tanunginninyo. I still have communication with Dong's family a month ago, perongayon wala na," lahad ng singer-actress.

NO TURNING BACK. Marami ang nagulat sa interview ni Karylle sa The Buzz, kung saan diretsahanniyang sinabi na hindi na niya mahal si Dingdong. Ito ay sa kabila ng pagigingconsistent ng aktor na hindi pa rin tuluyang nawala ang pagmamahal niya sa ex-girlfriend.

Sa interview ng PEP kay Karylle ay ganito rin ang sagot naibinigay niya sa amin. "Kung romantic lang, I can say wala na yun," sabi niya.

Sa hiwalay na interview naman ay sinabi ni Dingdong na mayginawa siyang paraan para si Karylle ang kumanta ng Philippine national anthemsa boxing match nina Manny Pacquiao at Oscar dela Hoya on December 6 sa LasVegas.

"Honestly, I didn't know kung may ginawa ba talaga siya,"sabi ni Karylle. "Ang sabi niya lang sa akin, may ginawa nga raw siya. Peroayaw naman niyang sabihin kung ano."

Nagkataon ding may show si Dingdong kasama si Marian Riverasa Los Angeles during that time kaya makakapanood ang aktor ng laban ni Pacquiao. Magingdaan kaya ito para makapag-usap nang maayos sina Karylle at Dingdong at maklarokung anuman ang dapat na klaruhin at ayusin?

"Kung mag-uusap ba kami sa L.A., there's time to talk here.Hindi na kailangang lumayo pa saka wala na naman kailangan pang pag-usapan,"reaksiyon ni Karylle.

Sa kabila ng pagiging single at free na ring pumasok sa panibagong relasyonkung gugustuhin niya, sarado pa raw ang puso ni Karylle.

"Medyo matagal din yung relationship namin at hindi akonagmamadali," aniya. "God will always take care of you, you just have to trustin Him. Pag sinurender mo ang lahat ng problema, fears, doubts, andwhatever kay God, everything will be okey soon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

KARYLLE TURNS KAPAMILYA. Now a certified Kamilya, Karylle expressed her gratitude and happiness samainit na pagtanggap sa kanya sa nilipatang network. Usap-usapan na ang ilan samga proyektong gagawin niya sa ABS-CBN ay ang I Love Betty La Fea at ASAP '08,kung saan makakasama niya ang kanyang ina na si Zsa Zsa Padilla.

"Hindi ko ine-expect na ganito kainit o kaganda angpagwe-welcome nila sa akin. Kasi ultimo artista, mga staff, nagugulat ako kasisinasabi nila parati ‘Welcome!' Tapos magpapakilala talaga sila sa akin. Maymga nakatrabaho na ako sa ibang shows, pero yung iba, kahit hindi nila akokilala, nag-e-effort talaga sila to say hello and welcome. Everyone is sonice talaga, mararamdaman mo talaga na Kapamilya ka.

"Sa December 14, lalabas na ako sa ASAP, so abangan nalang nila. Sobrang excited ako na makasama siya [Zsa Zsa], matagal din siyangnawala. Two months silang nagto-tour nila Tito Dolphy and their entire family," pagtatapos ni Karylle.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN