Gretchen Barretto happy for ex-brother-in-law Dennis Padilla's current lovelife

IMAGE 0


"Ako, masaya ako kapag masaya si Dennis Padilla. Naging parteng pamilya namin siya at palaging magiging parte ng pamilya namin. Kapag masayasiya, masaya kami Wala namang masama dun. Kung in love siya, good. I alwayswant to see somebody in love and I can always be happy for somebody in love.Walang masama sa love. It's always a good thing," says Gretchen Barretto.


Lumabas noon sa isang artikulo dito sa PEP (PhilippineEntertainment Portal) ang opisyal na at legal na paghihiwalay ng mag-asawangDennis Padilla at Marjorie Barretto. Noong Linggo, November 30, sa Showbiz Central, ibinalitang nakahanap na si Dennisng bagong mamahalin sa katauhan ng isang 22-year-old na babaeng Australian national.

Kaugnay nito ay hiningan ng SC ng reaksyon ni Gretchen Barretto. Hipag noon ni Dennis siGretchen na nakatatandang kapatid naman ng dating asawang si Marjorie Barretto.

Pahayag ni Gretchen, "Ako, masaya ako kapag masaya si DennisPadilla. Naging parte ng pamilya namin siya at palaging magiging parte ngpamilya namin. Kapag masaya siya, masaya kami Wala namang masama dun. Kung in lovesiya, good. I always want to see somebody in love and I can always be happy tosomebody in love. Walang masama sa love. It's always a good thing."

Tinanong naman ng SC kay Gretchen tungkol naman sa lovelifeni Marjorie.

"I'm Gretchen! Tanungin mo siya!" balik naman ni Gretchen sanagtanong.

Ganun pa man, wish na lang ni Gretchen na kahit daw hiwalayna talaga sina Dennis at Marjorie ay maging matibay pa rin ang kanilang samahanbilang pamilya, lalo na ngayong Kapaskuhan. Pinaalam din ni Gretchen ang balaknilang mga Barretto at iba pang miyembro ng kanilang pamilya sa darating na Pasko.

"This year, meron ulit kaming plano, but I don't know kungkailan and what exact date. Siyempre,lahat kami busy, di ba? But every year, it'salways happy naman, di ba? I mean, you celebrate life. So, it's always apositive thing."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN