Richard Gomez admits crying over Nadia Montenegro long ago

IMAGE 0


"Yes, napaiyak talaga ko nun," admits Richard Gomez in Showbiz Central last Sunday, November30. "Ang totoo noon, kasama ko si Nadia. Pag-uwi namin, iba na ang kasama niya,si Benedict Aquino na. Ganoon lang pala. E, at that time, close lang talagasina Nadia at Benedict." Richard admitted he and then teen star Nadia Montenegrohad mutual understanding (MU).



Wala si John "Sweet" Lapus sa Showbiz Central noong Linggo. Kaya sa segment niyang "Love Me orHate Me, But Don't Lie To Me," kunsaan ang FamilyFeud host na si Richard Gomez ang nakatali sa lie detector machine, si AnjoYllana muna ang pumapel bilang interrogator. Matalik na kaibigan ni Goma siAnjo.

For the first question, biniro muna ni Anjo si Goma at nagtanongkung mahal pa raw ba ni Goma si Sharon Cuneta. Maging regular SC hosts na sina Pia Guanio at Rufa MaeQuinto ay na-tense sa tanong na iyon ni Anjo na agad namang binawi rin niyasabay sabi na joke lang daw ang tanong niyang iyon.

Ang tunay na tanong ni Anjo ay kung kinakabahan daw ba siGoma na baka magselos ang asawa nitong si Lucy sa muling pagtatambal nina Richardat Sharon. Nakatakdang i-shoot ang movie nina Goma at Mega sa Mexico.

Siyempre, "No" ang sagot ni Richard at parehong truth namanang ibinigay na sagot nina P-Chi at Pia. Pero ayon sa lie detector machine, isang"lie" ang sagot ni Richard. Kaya napasayaw si Anjo ngpamatay na dance number ni Sweet.

"Hindi. Siguro masyado lang akong malikot. Sabi niInspector, huwag daw akong masyadong malikot, e," depensa agad ni Richard sakinalabasan ng sagot niya.

Tanong naman ni Anjo, "When was the last time nanag-communicate kayo ni Sharon?"

"Once in a while, we communicate, through texts, calls. Perosi Lucy, hindi nagseselos yun."

Sa second question, noong nag-propose daw siya kayLucy, sa sobrang takot niya sa magulang ni Lucy, totoo nga ba na hindi niyahinarap ang mga ito at umalis na lang siya agad?

"No" pa rin ang sagot ni Richard, pero again, "lie" anglumabas na result kahit na sinang-ayunan nina P-chi at Pia ang sagot ni Goma.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang tingin ko, baligtad lang ang niri-read nila rito," sabini Goma about the machine. "Hindi naman ako natatakot. Kaya lang, kinabahantalaga ko nun. Kasama kita nun, nawawalaka or something nun, e.

"Siyempre, nag-propose ako sa kanya, kinakabahan ako.Nag-propose ako sa kanya, December 11. But I made sure, after kong mag-propose,eksakto ang ticket namin sa flight namin. Alas-kuwatro ng umaga kaya hindi kona nakausap ang parents niya."

On Anjo's third question, "Wala kang inuurungan, wala kangkinakatakutan. Subok ka na. But speaking of takot, isa lang daw angkinakatakutan mo, at takot ka raw kay Lucy Torres?"

"Yes," ang mabilis na sagot ni Goma. "Lie" ito ayon kay RufaMae, pero, "truth" naman for Pia. But based on the lie detector, isaitong "truth."

For the fourth question, bira ni Anjo: "Alam namin na sobraang trust n'yo ni Lucy sa isa't isa. Pero, curious lang kami, nagkaroon ba ngtime na nahuli ka ni Lucy na may ka-textmate na chick?"

Ang sagot ni Goma ay "No," pero nagkasundo sina P-Chi at Pia in giving a "lie" to Goma's answer. Sumang-ayon naman sa kanila ang liedetector machine.

Nag-follow-up question pa si Anjo kay Goma kung sino raw baang nahuli ni Lucy na ka-text niya, artista raw ba ito, morena raw ba? Mahabaang buhok? Kapuso or Kapamilya?

Sagot naman ni Richard ng natatawa, "Hindi ko alam kung anoang itinatanong n'yo sa akin. Mabait na ‘ko."

Panlimang tanong naman ni Anjo: "Noong single ka pa,totoo raw ba na pinaiyak ka ni Nadia Montenegro noong time na mag-M.U. pa langkayo?"

"Yes, napaiyak talaga ko nun," ang pag-amin ni Richard. Piasaid "lie" dahil hindi raw siya makapaniwalang iiyak si Goma dahil sa babae. Perotumugma naman ang sagot ni P-Chi na "truth" sa resulta ng lie detector.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinuportahan naman ni Anjo ang pag-amin ng kaibigan, "Ako,naalala ko yun. Si Goma kasi, kapag na-in love ‘yan, talagang sobra-sobra."

Sabi naman ni Richard, "Ang totoo noon, kasama ko si Nadia.Pag-uwi namin, iba na ang kasama niya, si Benedict Aquino na. Ganoon lang pala.E, at that time, close lang talaga sina Nadia at Benedict."

Biglang ipinasok naman ni Anjo ang pag-alaala sapaghihiwalay naman noon nina Goma at dating girlfriend nito na si Dawn Zulueta.Natatandaan daw ni Anjo na tila may kinuwento noon si Goma na mga alahas naitinapon daw nito sa ilog sa sobrang sama ng loob sa pakikipag-break kay Dawn.

Pero kahit anong pilit, nakangiting sagot lang ni Goma nahindi na raw niya maalala ang pangyayaring yun.

Kaya sa pang-anim na tanong ni Anjo kay Richard, totoo raw bana sa lahat ng naging girlfriend ni Goma, pinakanasaktan ito kay Dawn?

Goma answered "Yes." Nagla-lie naman daw si Goma ayon kayPia. Kasi ang alam daw niyang na-hurt nang husto si Goma ay nung makipag-break ito kay Sharon Cuneta. Pati si Anjo ay nagsabing ang alam niya, si Sharon angpinakaminahal ni Richard. Sumang-ayon naman si P-Chi sa sinabi ng dalawa.

Pero nang sumagot na ang lie detector machine, isang "truth"daw ang sagot ni Richard.

"Mas minahal mo si Dawn?" ang huling hirit pa ng tila hindimakapaniwalang si Anjo.

Sa ika-pitong tanong, magkasabay daw ang taping ng Family Feud at The Sweet Life at madalas daw puntahan ni Lucy si Richard sa taping.Could that be Lucy's way of pagbabantay raw kaya kay Richard?

Sagot ni Richard: "Totoo ‘yun, nagpupunta si Lucy, kahit akorin. Kasi, nami-miss namin ang isa't isa."

Sumang-ayon naman sa kanya ang lie detector nangnagresulta ito ng "truth."

All in all, Goma got four "Truth" results and three "Lies."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN