Derek Ramsay says 2008 is a blessed year for him and girlfriend Angelica Panganiban

IMAGE 0


"Ang ganda ng ending namin for 2008! Ang ganda ng itinakbo ng lahat sa amin forthis year. With things na gusto niyang makamit for the longest time, nakuha niAngel. And ako, nakamit ko rin yung gusto kong makamit," says Derek Ramsay.


Year 2008 has been good for celebrity coupleDerek Ramsay and Angelica Panganiban.

Kalagitnaan ng taon nang mabalita ang pagkakalabuan ninaDerek at Angelica na agad ay pinukol ng kabi-kabilang mga intriga. Pero agadnaman itong naayos ng dalawa. Ngayon ay tahimk at mukhang mas lumalim pa angsamahan nila.

Pagdating naman sa kani-kanilang career ay katatapos langgawin ni Angelica ang teleseryeng Iisa Pa Lamang. Tuloy na rin nextyear ang airing ng Habang May Buhay, ang teleserye na muling pagtatambalan ninaDerek at Judy Ann Santos.

"Ang ganda ng ending namin for 2008!" sambit ni Derek sa PEP(Philippine Entertainment Portal). "Ang ganda ng itinakbo ng lahat sa amin forthis year. With things na gusto niyang makamit for the longest time, nakuha niAngel. And ako, nakamit ko rin yung gusto kong makamit.

"Successful yung soap niya, natapos niya yung course niyangCulinary Arts. Ako, mag-i-start naman ako ng new soap, and I have a movie pa. Soit's a good way to end up the year. I can say sobrang blessed kami."

DEREK'S PROJECTS. Marami ang nagtataka kung bakit binagoulit ang title ng Humingi Ako Sa Langit at naging Habang May Buhay.Ipinaliwanag ni Derek na may mga pagbabagong ginawa sa kanilang programa, perothe concept is still the same.

"I think Habang May Buhay was the original title, and thennaging Humingi Ka Sa Langit, and bumalik uli sa original title nito,"banggit ni Derek.

Malapit na ring matapos ang T2, isang horror movie mula saStar Cinema sa direksiyon ni Chito Roño. Makakatrabaho ni Derekdito si Maricel Soriano. Aminado ang aktor na kabado siya noong unangmakatrabaho ang Diamond Star, at maging si Direk Chito.

"First time kong nag-shake hindi dahil sa takot kundi dahilsa nerbiyos. Talagang naramdaman ko yung eksena with her [Maricel]. Kabang-kabanga ako nung papunta ako ng set, I was really nervous. Pagdating ko dun,pinuntahan ako ni Ate Marya. Sabi niya, ‘Ano ka ba?' Dun, nawala na yungnerbiyos ko. Napakabait niya, she's so much fun to work with. I'm very lucky nalahat ng nakakatrabaho ko, sobrang bait sa akin," lahad ng model turned actor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

CULINARY ARTS. Nagtapos ng Culinary Arts si Angelica kayanaintriga tuloy na paghahanda yata ito sa plano nila ni Derek na lumagay na satahimik.

Ani Derek, "Bago pa man ‘yan, I can say handa na siya. Shetakes care of me so well. Yung pagba-balance ko ng oras ko, sa work ko, safamily, sa Frisbee, and iba pang bagay na kailangan kong gawin, nandun siya nasumusuporta sa akin. She's perfect, talagang inaaalagaan niya ako.

"Saka magaling talaga siya. Hindi lang siya grumadweyt,nanalo pa ang team nila nung magkaroon ng competition. Matagal na niya talaganggustong gawin yun. Kitang-kita ko pag nagluluto siya sa bahay niya o sa bahayko. So ako na mismo ang nag-suggest sa kanya na kung may oras lang siya, bakitdi niya gawin yung gusto niyang gawin. She took an advanced course and shegraduated. Now she's planning to take up an eight-month course to studyfurther."

Iniintriga rin ang pagkuha ng Culinary Arts ni Angelicadahil insecure daw ang young actress kay Judy Ann Santos, ka-partner ni Dereksa Ysabella at Habang May Buhay. Tiyak kasi na sa pagsisimula ng nurseryenila ay ili-link sa isa't isa sina Derek at Juday kahit na nga may kanya-kanyana silang karelayson.

"Even before Ysabella pa, nung hindi pa kami ni Angel,nasabi na niya sa akin na gusto niya raw talaga mag-Culinary Arts ‘cause shereally loves to do it. Judy Ann is also another talented chef, but Angel is notinsecure at all.

"I'll be the one to admit that, I'll be the one to tellAngel na ano ba siya, pero wala talagang ganun. Siyempre, may mga nakakaratingsa kanyang ganyan mga isyu. Pero itinuloy niya pa rin, it shows how strong sheis. There are lot of people telling her na 'wag na lang, pero siya tinuloy parin niya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kabila ng balitang lilipat na raw ng GMA-7 si DietherOcampo, isa palang teleseryeng hango sa isang Mexicanovela ang nakalinya nitonggawin kapareha si Angelica. For Derek, this is a project na deserve namantalagang gawin ng kanyang girlfriend.

"I think it's long overdue na bigyan siya ng project naganito," sabi ni Derek. "She amazes me with her acting. Nung napanood ko yung ALove Story, naka-ganun [napanganga] talaga ako. She's been in the business for 16 years and with Angel's careergoing up and up, I'll be there to support her. Sana yung career ko maging ganundin and I ended up naman the year with a new project, so I'm very happy."

SURPRISE BIRTHDAY PARTY. Derek will be celebrating his 29thbirthday on December 7, pero wala si Angelica sa bansa dahil kasama ito ngWowowee group sa U.S.

"Last Trade Launch [of ABS-CBN], hinatid ko siya.Umiiyak nga siya ‘cause Decmeber 8 pa ang balik nila, e, birthday ko isDecember 7. Sinabi ko naman sa kanya na okey lang, trabaho ‘yan and we'vealways been matured when it comes to work. Akala niya magtatampo ako orwhatever. Sabi ko, hindi, basta magse-celebrate kami pagbalik niya.

"Last November 24, nag-throw siya ng party saakin. Pag-uwi ko from shooting, 4 a.m. na ako dumating nun. Natutulog na siya, pero nandun siya waiting for me. Ibang klase talaga siyang babae," aniya.

FRISBEE CHAMPION. Ikinuwento rin ni Derek sa PEP ang labisna saya na finally ay nag-champion ang Frisbee team nila sa Manila Spirits,kung saan nakalaban nila ang iba't ibang bansa gaya ng U.S., Singapore, atTaipei.

"Grabe, sobrang happy ako!" bulalas ni Derek. "Umiyak akonun nang todo. Hindi pa yata ako umiyak ng ganun, hagulgol ako nang hagulgol.Sobrang emotional na hindi ako nakapag-celebrate. After the game, umuwi na langako ng bahay, sobrang pagod, ang sakit ng katawan ko. May black eye ako, masbagsak ng tuhod ko. Uminom lang ako ng pain killers, pero sa finals, natuhod akosa hita. Ang tawag dun dead leg, hindi ko maramdaman yung right leg ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang ginawa ko na lang, nilaro ko na lang nang nilaro.Pagdating ko sa bahay, diretso ako sa kama, parang I let everything sink inright there. Ilang taon naming pinaghirapan yun, mayroon kaming two tournamentsin the past na talo kami ng one or two points lang. Nakakatuwa kasi sa sarili natingbansa, nakuha namin yung pagiging champion, so sobrang nakakatuwa talaga."

Ayon kay Derek, naging emotional din si Angelica sa kanilangpagkapanalo kaya lalong naging emotional ang aktor sa nangyari.

"Sobrang iyak ni Angelica," sabi ni Derek. "Hinanap ko ngasiya sa nanonood, sobrang dami ng tao at nung makita ko siya, umiiyak din siya.So, sobra akong naging naging emotional, tapos binuhat pa ako ng mga tao."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN