Marian Rivera will do wheelchair dance in L.A. concert with Dingdong

IMAGE 0


"Masaya na po ako sa lahat ng blessings na dumarating sa akin. Thankful po ako na sa two years ko na sa showbiz,nabigyan na ako ng mga chances na ganito—TV shows, movies, endorsements. Atnagpapasalamat po ako sa mga fans at mga kaibigan na nagmamahal at patuloy nasumusuporta sa akin," says Marian Rivera.



Si Marian Rivera ang unang-unang dumating sa main cast ngDesperadas 2—na kinabibilangan din nina Ogie Alcasid, Ruffa Gutierrez, RufaMae Quinto, at Iza Calzado—sa presscon ng pelikula noong Lunes, December 1, saImperial Palace Suites, Tomas Morato Ave., Quezon City.

Bago pumunta ng presscon ng Desperadas 2 ay nanggaling muna siMarian sa Eastwood City sa may Libis, Quezon City para sa Walk of Fame, kungsaan binigyan sila ng sarili nilang marked stone ni German "Kuya Germs"Moreno.

Kinumusta ng PEP ang paa niyang naka-plaster cast, na nakuhaniya pagkatapos mabali ang isang toe sa kanyang kanang paa sa shooting ng "Nieves" episodeng Shake, Rattle & Roll X.

"Pinayagan na po ako ng doktor ko na itapak na ito.Pero kanina, nakasaklay ako at inalalayan na lang ako ni Dong habang naglalakadkami sa Walk of Fame. Pero ngayon po, puwedeng gumamit na lang ako ng tungkodkasi malapit lang naman nilakad ko," lahad ni Marian.

L.A. CONCERT. Kagabi, December 2, ay lumipad na patungong Los Angeles,California, si Marian para sa concert nila ni Dingdong sa Shrine Auditorium.

May mensahe si Marian para sa mga fans nila ni Dingdong saLos Angeles.

"Hindi ko sila bibiguin na makita nila akong sumasayaw,"sabi niya. "Gumawa po ng paraan ang production na may number akong sumasayaw,pero ako at ang mga dancers, naka-wheel chair lahat. Kaya pagdating podoon, magri-rehearsal kami talaga. First time ko po itong gagawin atsasabayan ko po ng kanta, siguro po ang bago kong song na ni-record sa album kosa Universal Records, ang ‘Sabay-Sabay Tayo.'"

Pagkatapos ng concert nila, tutuloy si Dingdong sa Las Vegaspara manood ng Pacquiao-De La Hoya fight. Hindi ba siya sasama?

"Niyayaya nga po ako ni Ma'am Wilma [Galvante, SVP forGMA Entertainment TV] na manood," sabi ni Marian. "Pero hindi po ako mahilig manood ng boxing,ayoko pong makakita na may nagsasakitan. Sasamantalahin na lang namin niMomsie na magpahinga at mag-shopping habang hinihintay namin ang pagbabaliknina Dong sa L.A. Sabay-sabay po kasi ang flight namin pabalik dito. December9, nandito na po kami."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Grabe rin ang schedule ni Marian bago siya umalis for LosAngeles. Last Friday, November 28, ini-launch sila ni Will Devaughn bilangbagong endorsers ng Jag jeans. Noong November 29, Saturday, ay um-attend namansiya ng FAMAS Awards Night para tanggapin ang Youth Achievement Award mula kay Kuya Germs.

Sunday, November 30, last shooting day niya ng"Nieves" episode ng Shake, Rattle & Roll X, na natapos na ngMonday, 6 a.m. At 8:00 a.m., tumuloy naman siya sa last shooting day nilang Desperadas 2 kaya medyo na-late nga siya sa Walk of Fame sa Eastwood City.

DESPERADAS 2. Sa presscon ng Desperadas 2, dalawang beses niyakap nangmahigpit ni Marian si Ruffa Gutierrez nang tanungin sila kung may pagbabago naraw kay Marian, since last year nga ay ginawa nila ang unang Desperadas, at first time ni Marian na makasama sila?

"Si Marian, iba na siya ngayon," sabi ni Ruffa. "Bukodsa magaganda ang wardrobe niya, may stylist na rin siya ngayon, di tulad noon.At kapag natapos ‘yan mag-take, makikita mo siya sa isang tabi, text nang text,tapos maya-maya may kausap na siya sa cell phone. Tapos makikita na namin ibana ang glow ng mga eyes niya, ewan ko lang kung sino ang kausap niya."

"Hindi naman po," ani Marian. "Kasi ‘yon na po angrequirement sa akin ng production. Kasi nga po, ginawa na akong girl talagarito ni Direk Joel Lamangan!" natatawang wika ni Marian.

"Pero mas nag-enjoy po ako ngayon sa shooting namin,mas may bonding kami. Madalas nga kaming napapagalitan ni Direk Joel dahilchikahan kami nang chikahan, na for girls only. At nakadagdag pa si KuyaOgie na enjoy kaming kasama siya."

NEXT SOAP. Tamang-tama kay Marian na makakapahinga siya kahit two dayslang after ng concert nila ni Dingdong dahil pagbalik nila ay magsisimula nasilang mag-taping ng Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang under Bb. JoyceBernal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Anong paghahanda ang gagawin niya for her role?

"Una po, kailangan kong mag-training ng boxing dahilkabilang ako sa isang grupo dito, at mas sexier daw ang role ko. So far, ‘yonpa lang ang alam ko noong mag-story conference kami. Babasahin ko pa po angscript, para malaman ko kung ano talaga ang role ko rito."

Nakaganap na si Marian ng drama, comedy, at ngayon may kontina siyang action scenes na gagawin. Saan ba niya gustong mag-excel?

"Mas comfortable po ako sa comedy, kasi ‘yon po ako,masayahin, makulit. Pero siyempre po, gusto ko ring makagawa ng ibang role,mapag-aaralan po namang lahat iyon," nakangiting wika pa ni Marian.

Satisfied na ba si Marian sa kanyang career ngayon?


"Masaya na po ako sa lahat ng blessings na dumarating sa akin," sagotng aktres. "Thankful po ako na sa two years ko na sa showbiz,nabigyan na ako ng mga chances na ganito—TV shows, movies, endorsements. Atnagpapasalamat po ako sa mga fans at mga kaibigan na nagmamahal at patuloy nasumusuporta sa akin. At wala po akong maibibigay sa kanila in return kundiang pagbutihin pang lalo ang mga ginagawa ko dahil mahal ko ang trabahongito."

After the presscon, kasama si Rufa Mae, nakatungkod nabumaba si Marian dahil kailangan daw naman nilang mag-dubbing ng Desperadas 2.Inalalayan pa siya ni Rufa Mae na bilib daw siya kay Marian, dahil kahit maykapansanan, tuloy pa rin ang pagtatrabaho nito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN