Paolo Bediones is truly a survivor after 10 years in showbiz

IMAGE 0


"I've gone throughpractically everything. You can talk about intrigas, chismis, scandal,everything...and I'm still here. I'm still standing. I'm hosting SurvivorPhilippines, what more can I ask for? So, no regrets. It brought me towhere I am now," says Paolo Bediones.



Sampung taon na si Paolo Bediones sa industriya bilangisa sa pinakasikat at pinakamagaling na host. Sa pagdiriwang ng kanyang 10thyear sa industriya, dumating kay Paolo ang pinakamalaking hosting job niya—angprimetime reality TV show ng GMA-7 na Survivor Philippines.

Kaugnay ng selebrasyon ni Paolo, isang thanksgiving partyang ibinigay niya sa entertainment press kahapon, December 2, sa Windmills& Rainforest restaurant sa Sct. Borromeo St., Quezon City.

"Thanksgiving ko ‘to para sa mga kaibigan natin sa press, samedia na sa loob ng sampung taon, hindi ako pinahirapang masyado. Attalaga namang sinuportahan ako and they make sure that each and every time namag-usap kami, magkita kami, I improve in one way or another," simulang pahayagni Paolo.

Bukod sa pagpapa-raffle ni Paolo ng iba't ibang prizes,dumating din ang karamihan ng castaways na na-eliminate sa Survivor Philippines. Nakisaya angcastaways sa entertainment press sa ilang parlor games na inihanda ng staff ngGMA-7.

Naghanda rin ng isang audi-visual presentation ang GMA News& Public Affairs na nagbalik-tanaw sa sampung taon ni Paolo bilang host.Nagbigay rin ng mensahe ang halos lahat ng mga nakatrabaho niya mula nangmagsimula siya: Ryan Agoncillo, Miriam Quiambao, Suzi Entrata-Abrera,Lyn Ching, Janice de Belen, Rufa Mae Quinto, Phoemela Baranda, MarielRodriguez, Regine Tolentino, Rochelle Pangilinan at Ethel Booba.

TEN YEARS & COUNTING. Tinanong ng PEP (PhilippineEntertainment Portal) si Paolo kung ano ang pakiramdam niya na sapagse-celebrate niya ng kanyang 10th year sa television ay kasabaypa nito ang tagumpay ng Survivor Philippines.

"Siyempre, sa kahit anong industriya, kapag tumagal ka ngsampung taon, maaari mong maipagmalaki yun. Pero excited ako sa darating kongmga sampung taon," saad ni Paolo.

Nagsimula actually ang hosting career ni Paolo noong 1996 sa Game Plan ng Probe Productions, na block timer noon sa GMA-7. Pero namahinga siya ng dalawang taon pagkatapos siyang masibak sa trabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagkatapos nito ay kinuha siya ng GMA-7 upang mag-host ng Binibining Pilipinas noong 1998. Dito na officially nagsimula ang sampung mabungang taon ni Paolo bilang host.

Ang ilan sa mga programa niya sa Kapuso network ay ang mga sumusunod: Mornings@GMA, Extra-Extra!, Digital LG Quiz, Extra Challenge, Pinoy Meets World, S-Files, Tok! Tok! Tok! Isang Milyon Pasok, Whammy! Push Your Luck, at Survivor Philippines.

Marami pa bang gustong gawin si Paolo?

"Marami, marami pa kong gustong gawin. Siyempre, I wanna doanother season of Survivor Philippines. I don't see any reason why GMA won'tsign up for another season. At sana, ako pa rin ang kuhanin nilang host.

"I still wanna improve in my hosting, and I still wanna domore projects. Hopefully, another game show pa. I don't know if it's afranchise or what, but I wanna do a talk show one day kasi madaldal talaga ako.

"I want to professionalize yung teaching ko of hosting. So I have pocketseminars wherein I teach corporation, I teach school, pati yung mga nasashowbiz, like GMA Artist Center. Nagbibigay ako ng seminars, hosting as aprofession. And I want to finish my book, hopefully, by March next year."

Paolo is currently writing his book, Hosting 101: A HostingManual.

"It's like an autobiography, but it has life lesson," sabini Paolo. "It has yung mga natutunan ko sa showbiz. Mga tips on how to entershowbiz. Mga tips if you want to enter a professional hosting at mga kuwentonghindi alam ng tao sa akin. Ako mismo ang nagsulat. Marami akong nakukuhanginspirations, maraming mga experiences, di ba? And hopefully next year, magawako rin yung dream project ko."

PAOLO'S OTHER TALENTS. Lingid sa kaalaman ng marami, Paolo may not be aprofessional singer, but he plays instruments and he can also compose songs.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hopefully magawa ko nga, which is a musical. Me performingwith so many favorite artists. I'll be playing the keyboard or the guitar. Idon't know if it's on DVD. I don't care if I have to sell it or not, but it'sjust something that I really want to do. My passion is for music talaga, andthat's why I want to focus on that next year."

Marami pa ba siyang talents na hindi pa niya naipapakita?

"There are lots of talents and skills that I have na, hindinaman sa itinatago ko, pero parang ito ang bread and butter ko, e, yunghosting. So, kapag dumating na ang panahon na kailangan kong magpakita ngibang side naman, then I will.

"Mahirap din naman kasi na ipakita mo na lahat ng puwedemong gawin, madali kang pagsawaan ng mga tao. Maganda na rin naman yung meronkang konting reserve kumbaga," saad ng TV host.

PAOLO, THE BUSINESSMAN. Paolo is also into business. Pero kumusta na nga ba ang aspetong yun ng buhayniya, lalo pa nga't nasangkot din siya sa intriga dahil dito?

"Well, maraming nangyari sa akin in the past na, siyempre,hindi maganda sa negosyo, at alam naman ng mga tao yun. Hanggang ngayon,ginagawa ko ang dapat gawin at kahit na hindi ako ang dapat managot, nanagotako, yung mga ganyan. Pero ganyan talaga ang buhay. Ipinagdarasal ko talaga angmga nagaganap.

"I hope, before the end of this year, maayos ng lahat yun.Lahat naman, nadadaan sa pakiusap, sa masinsinan na usapan. There is a point na,siyempre, napu-frustrate din sila dahil matagal na proseso, pero ganoon talaga.Wala akong tinatalikuran," pahayag ni Paolo.

Hindi rin daw maiiwasan na kahit hindi siya ang maykagagawan, siya ang naglalabas ng pera.

"Sa kahit anong negosyo naman kasi, kapag mali yungnapagkatiwalaan mo, maaaring mawala ang pera mo, maaaring maragdagan. In mycase, life lesson na yun, e. Sabi nga, if you're not responsible with thelittle that God has given you, how can He give you more? So, that's what I'mlearning now. A simpler life and to be more responsible with what I have and toshare more blessing."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May regrets ba siya?

"None whatsoever," sagot niya. "I mean, I've gone throughpractically everything. You can talk about intrigas, chismis, scandal,everything...and I'm still here. I'm still standing. I'm hosting SurvivorPhilippines, what more can I ask for? So, no regrets. It brought me towhere I am now."

Dagdag niya, "May mga pagsubok, but it made me stronger. So,when there's a new trial, kayang-kaya mong tapatan. Kayang-kaya mong banggainkumbaga."

SURVIVOR FINALE. Speaking of Survivor Philippines, sinabi ni Paolo na hindidapat ma-miss ang finale ng reality show na ito sa December 12.

"It can really be exciting. Isang napaka-emosyunal na TribalCouncil ang magaganap. It's called the Final Tribal Council, wherein the eightjury members will be questioning yung final two. At yun ang sinasabi ko sainyo, sumbatan na ‘yan, tampuhan, galit, lahat!"

At press time, apat na lang ang natitirang castaways: sinaJC Tiuseco, Rob Sy, Cris Caratgenas, at Charis Yacapin.

MARRIAGE TALKS. Sa kabila ng pagiging matagumpay ng kanyang hosting career,tila hindi pa nababanggit ni Paolo ang paglagay sa tahimik o ang pagpapakasal. Athis age, 34, and all his accomplishments, puwedeng-puwede na siyang mag-asawa.

"Well, ang gusto ko nga, ayusin ko muna ang lahat ngbagay-bagay sa mundo ko, sa buhay ko. Actually sa age, even 24 is a marryingage, 40 is a marrying age. Same way that you're never too old or you're nevertoo young to learn or to study, or to go back to school either. You can even getmarried at 70," ani Paolo.

Hindi pa rin ba naayos ang dapat niyang ayusin?

"Well, hindi pa," pag-amin niya. "Sabi ko nga, one day nalang. Abangan n'yo at yun na ang announcement at yun na lang naman anghinihintay."

Possibly next year?

"Well, who knows? Anything can happen. You leave everythingto God and when He says, puwedeng-puwede na, I know God will give me a sign. Iknow it. I know it..."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi pa ba naiinip ang girlfriend niya na si Abby Cruz?

"I don't think so," sagot niya. "Marami pa siyang gustonggawin. Ako rin naman, marami pa akong gustong gawin. And there's so many thingspa talaga that will make you whole bago kayo mag-isang dibdib."

Pero sa palagay niya, si Abby na talaga ang makakatuluyanniya?

"No point in being in a relationship if you don't seeyourself with the person for a long time. Pero, di ba, there's no pointin being with someone kung wala kang plan na makasama siya habang buhay."

Lumabas sa isang showbiz tabloid nahinarang daw ng mommy ni Abby na si Mrs. Lei Cruz ang pagpu-propose ni Paolo ngkasal. Is this true?

"Not true, not true," paglilinaw ni Paolo. "Alam n'yo, ang mgatao kasi, sobra silang naka-focus sa negative and that's not true. I'm veryclose to the family and we talk a lot. We support each other. Yung spiritualgrowth namin in particular, naka-focus sila dun.

"Wala talaga kong masasabi. I mean, mabait sila and they arevery generous with their time and their wisdom, Kumbaga, malaking bagay talagaitong mga nakaraang buwan. More than one year na kami ni Abby, so ang damingmga influence sa akin na maganda."

Pero nag-propose na ba siya kay Abby?

"No, never, never! Not true," diin ni Paolo. "When thathappens, people will gonna hear from me. Alam n'yo naman ang mundo natin,maliit lang. Maririnig n'yo kapag may proposal at kapag ikakasal natalaga. At ako ang unang magsasabi sa inyo, don't believe anyone else."

Ayon daw sa mommy ni Abby, tipong ang feeling nito, masyadopang bata ang anak para magpakasal.

"Well, of course, mommy ‘yan. So, I respect her opinion andI respect yung decision niya. Kung feeling niya, masyadong bata, then masyadongbata pa. I can wait," nakangiting sabi ni Paolo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN