Dennis Trillo proud of son Calix Andreas's first pictorial in "YES!"

IMAGE 0


"Marami nga ang nagagandahan sa pictorial na 'yon ni Calix.Gusto ko na nga makita kaya nagpabili na ako. Proud ako sa baby ko kasi kayagusto kong masorpresa," says Dennis Trillo about the YES! pictorial of his son Calix Andreas with mom Carlene Aguilar.



Hindi pa nakikita ni Dennis Trillo ang pictorial ni CarleneAguilar at ng anak nilang si Calix Andreas sa December issue ngYES! magazine noong makausap namin siya sa launch ng clothing wear na Soda noongLinggo, November 30, sa Trinoma Mall.

Marami kasi ang nagsabi kay Dennis na sobrang cute niCalix sa pictorial, kaya gusto na raw nito makita ang magazine. Alam daw niya ang tungkol sapictorial na ‘yon, pero hindi siya nakadalaw dahil may taping dawsiya ng Gagambino.

"Marami nga ang nagagandahan sa pictorial na 'yon ni Calix.Gusto ko na nga makita kaya nagpabili na ako. Proud ako sa baby ko kasi kayagusto kong masorpresa," saad ni Dennis.

Dahil parehong celebrities sina Dennis at Carlene, papayag basi Dennis na pasukin din ni Calix ang showbiz? Balita kasing may mga gusto nangkumuha kay Calix para sa isang commercial.

"Hangga't maaari ayokong pasukin niya ‘yon," sabi niDennis. "Ayoko namang masyadong ma-overexpose ang anak ko. Masyado pa siyangbata para pasukin ang mundo ko.

"Kung may offer nga, pag-uusapan namin muna ni Carlene. Maykasunduan naman kami na hindi kami magdedesisyon para kay Calix unless agreekaming pareho. Kung may isang kokontra sa amin, tapos na ang usapan namintungkol doon. Gusto ko kasi na mag-enjoy si Calix bilang isang normal na bata.Ayoko talagang ma-expose siya parati sa showbiz," paliwanag ni Dennis.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN