Tim Yap promises to dig into "pepper-spray incident"

IMAGE 0


"Of course, tutulungan kong pag-ayusin ang mga taonginvolved. Alam mo ang tao, iba-iba ang pride, iba-iba ang ego. Pero nakukuha‘yan sa panahon, nakukuha sa pagkabuting puso. Sana yung mga party involved, buo ang kalooban nila para sa pagbabati," says Embassy co-owner Tim Yap about the persons involved in the "pepper-spray incident."


Sa nakaraang 22nd Star Awards for TV last November 30 aynakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang TV host at eventologistna si Tim Yap. Nanalo ang show nila sa QTV 11, ang Living It Up, as Best Lifestyle Show. Sila rin ng mga kasama niyang sina Raymond Gutierrez, Sam Oh, at IssaLitton ang nanalong Best Lifestyle Show Hosts.

"Kung dati hindi namin nare-realize na magkakasama kami linggo-linggoworking, now it becomes more meaningful. Masarap yung feeling at lalong lumalimang pagnanasa ko na pagbutihan pa lalo ang trabaho ko. Dati para sa akin larolang ang hosting pero sa magagandang nangyyari sa akin, na-realize ko naseryoso ito. This is something very empowering and I want to thank PMPC for therecognition," bungad ni Tim.

ELY-RAIMUND PICTORIAL. Nagsilbing mediator si Tim Yap noon para tuldukan ang awaysa pagitan nina Ruffa Gutierrez at Claudine Trillo at nina Joey de Leon atWillie Revillame.

Kamakailan naman ay napagsama niya sa isang pictorialang dating magkabanda sa Eraserheads na sina Ely Buendia at Raimund Marasigan,na naging daan din upang tuluyan nang magkabati ang dalawa. Agad na ipinakuwento ng PEPkay Tim kung paano niya napagsama at napagbati sina Ely at Raimund.

Kuwento ni Tim, "May NU Rock Awards, isang samahan ng mgatao na nasa rock industry. So, gumawa kami ng shoot para sa Philippine STARSupreme para magsama-sama lahat ng rock bosses. Nangyari ang shoot sa Embassy.

"Nagpipilian kami ng damit, ‘O, ito ang suutin mo, o pili nakayo ng damit.' I asked Ely, ‘Sa tingin mo ano ang kay Raymund? Ikaw, Raimund,ano ang bagay kay Ely?' Pagkatapos nun, nag-usap na sila, nagkabati, tuluy-tuloyna. Ang sabi nga nila sa akin, walong taon na raw silang hindi nagkasama,nagkausap. Being professional and respectful musicians, naayos ang gulo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag niya, "Dapat nga sa shoot kasama rin sina Bamboo andRico Blanco, kaya lang hindi sila pumuwede. Hindi ko sinasadya ito, nagkataonlang na pag may ginawa akong concept, gusto ko talagang matuloy."

PEPPER-SPRAY INCIDENT. Sinasabing si Tim ang "ambassador of goodwill" dahil sapag-mediate niya sa mga dating magkakaaway, pero tila hindi namanmatapus-tapos ang kontrobersiya sa Embassy bar, na isa siya sa mga may-ari.

Dito sa PEP lumabas ang detalyadong report tungkol sa"pepper-spray incident," kung saan kasangkot ang ilang socialites. Dawit din saisyung ito ang showbiz personalities na sina Angelu de Leon at Maricar de Mesa,na naging saksi sa pangyayari. (CLICK here to read related story.)

Ayon kay Tim, "clueless" pa rin siya hanggang ngayon sa totoong nangyari. Peroaalamin niya raw ang nasabing away at pag-aayusin ang mga taong involved.

"It's a private party, it's a non-club night," paglilinaw niTim. "Hindi pa kasi kami nakakapag-usap ni Angelu. Hindi ko alam ang nangyariat kung ano ang nakita niya, kasi wala ako nung mangyari yun. Aalamin ko ito. Anggagawin ko is I'll confirm with both parties.

"Of course, tutulungan kong pag-ayusin ang mga taonginvolved. Alam mo ang tao, iba-iba ang pride, iba-iba ang ego. Pero nakukuha‘yan sa panahon, nakukuha sa pagkabuting puso. Sana yung mga party involved, buo ang kalooban nila para sa pagbabati,"saad niya.

Ano naman ang masasabi ni Tim sa bansag sa kanya bilang "peacemaker"?

Aniya, "Alam mo, hindi ko sinadyang maging peacemaker, ganuntalaga ang pagkatao ko. And gusto ko lang sana lahat ng tao magkasama-sama atmagkaayos. Kung ang tingin nila sa akin is peacemaker, salamat. Ang gusto ko langnaman ay makagawa ng mabuti."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN